" Nasirang Pahina "

14 0 0
                                    

Isusulat ko sa papel na hawak ko ang istorya nating nabuo,
Kung saan ang ikaw at ako ay pagtatagpi-tagpiin ko;
Dahil sa bawat papel na ito,
Sa bawat pag lapat ng pluma at pag-ubos ng tinta na nasa kamay ko.

Ang masasayang araw ang mailalathala ko,
Kasama ka dahil malaking bahagi ka sa kwentong ito;
Dahil ikaw ang 'mistulang bida dito;
Kasama ako-- Oo, kwento nating dalawa ang nakapaloob dito.

Kung paano ang mga ngiti mo na nagmistulang aking medisina,
T'wing nakakaramdam ng panlalambot at pang hihina.
Kung paano mo ako hagkan at halikan nang may respetong pamamaraan;
Lahat 'yon nakalathala sa istorya natin na sana hindi na mawawakasan.

Ngunit..

Salita'y naging daluyong—sa wastong alo'y 'di umayon.
Bangkang-panlakbay nati'y nasira nang piliting sumuong.
Puting-kwadrado ang naging hawla ng ating mga puso 'di naglaon,
Sa alaala nalang namalagi pagkat ang nararamdama'y sa limot na ibinaon.

Isang mapagmarkang tinta ang naisaboy,
Sa papel nating buong-pusong sinulatan.
Kaayusan sa daloy ay hirap nang ipagpatuloy—
Hirap nang ibalik sa dati ang matagal nang kinalimutan.

Inilapag sa lamesa, umaasang maaayos pa.
Ngunit kahit saang anggulo tignan, masyadong malabo na.
Panalangin ay maibalik sa wastong larawan ang katha,
Ngunit sa diwa mo'y kailangang punitin na—'di na kailangang ipagpatuloy pa.


Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now