Isa, dalawa, tatlo
Ikaw, oo ikaw
Ikaw ang taong nagparamdam sakin na mahal ako,
Ikaw ang taong nag pangiti sa mga labi ko,
Ikaw ang taong nag bigay halaga sa buhay ko,
Ikaw ang taong kumulay sa madilim kong mundo,
Ikaw ang taong minahal ko ng husto,
Ikaw ang taong nag paramdam sakin na espesyal ako,
Pero yung taong yun,
Yun pala yung dudurog sakin nga husto,
Ang mag papaiyak sakin ng totoo,
Ang gugulo sa mapayapa kong mundo,
Ang mag aalis ng ngiti sa mga labi ko,
Sana man lang pinanindigan mo yung mga pangako mo,
Yung pangakong ikaw lang at ako,
Pangakong tayo hanggang dulo,
Pangakong ako lang ang mamahalin mo,
Pangakong hindi na ako iiyak dahil sayo,
Pangakong mag babago ka tumagal lang yung relasyong to,
Heto ako, nag babaka sakaling isa sa mga yan tuparin mo,
Pero bigong-bigo ako,
Sana ramdam mo yung pag mamahal ko,
Sana nakita mo kung paano kita pinahalagahan ng husto,
Pero ba't yung mga yun sinayang mo?
Sa dami nila mas pinili kong tumabi sa tabi mo,
Mas pinili kong sumugal kasamo mo,
Pero nag kamali ba ako?
Para ituring na prinsipe ang isang katulad mo?,
Nag away, nag bati
Tumawa na naman at umiyak,
Pag pinatawad pa kita alam kong ako ang talo,
Kasi for sure sasaktan mo na naman ako,
Papaiyakin mo na naman ako ng wala sa punto,
Alam mo pagod nako,
Ka ka forget sa mga sakit na binibigay mo,
Aaminin kong naging masaya din ako
Sa mga oras na ikaw pa ang prinsipe ko,
Binigay mo sakin yung saya at ngiti na deserve ko,
Pero pagod nako,
Pagod nakong umiyak dahil sayo,
Pagod nakong maging tanga ulit sayo,
Pagod nakong intindihin ang ugali mo,
Pagod na pagod nako.
Pero baka sabihin mo na kaya ako bumibitaw kasi nag sawa ako,
Kaya ako bumibitaw kasi may bago na ako,
Uunahan na kita, wala
Wala akong bago
Wala akong ibang gusto kundi ikaw na bobo,
Bakit bobo?
Kasi kung totoong minahal mo ko,
Di moko hahayaan na mag sawa sayo,
Di moko hahayaang iwan ka ng ganito,
Hindi sapat ang dahilan na "ikaw yan yung desisyon mo",
Kasi kung talagang mahal moko......
Pipigilan mo akong lumisan sa tabi mo,
Gagawin mo ang lahat bumalik lang yung dating tayo,
Pero imbis na suyuin moko,
Hinayaan mo lang ako,
Kasi nga desisyon ko ang lumayo sayo,
Dun ako napatanong sa sarili ko,
Mahal nga ba talaga ako neto?!,
O pinaglalaruan lang kasi alam niyang tanga ako,
Doon ko napagtanto,
Na kailangan ko nang gumising sa kahibangan ko,
Kailangan ko nangg kalimutan ang taong sumugat sa puso ko,
Kailangan ko nang kalimutan na minsan nag karoon ng tayo,
Ay, mali pala ako,
Wala nga palang tayo,
Imahinasyon ko lang pala lahat ng to!,
Pero wag kang mag aalala sa ngayon,
Mamahalin parin kita pero bilang kaibigan na.
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PuisiNever Cry For The Person Who Dosen't Know The Value Of Your Tears Sana Po Magustuhan Nyo..