Kabanata 6

64.4K 2.5K 204
                                    

REVENGE

Isang linggo akong nanatili sa condo unit ni Brent. Ang tanging kasama ko lang ay si Manang Eula na todo ang pag-asikaso sa akin. Hindi pa rin ako masyado makagalaw pero bumuti-buti na ang pakiramdam ko. Minsan, dinadalaw ako ng doktor para tingnan ang kalagayan ko.

"B-Babayaran ko na lang," sambit ko at napalunok nang nakita ko ang total ng nagastos niya sa akin. Kahit wala akong trabaho, gagawa ako ng paraan.

Wala akong masyadong alam kay Brent bukod sa kaibigan siya rati ni Gregory. Kaya nahihiya na ako dahil naging pabigat na ako sa kanya. Ang dali kong magtiwala, ano? Pinagkatiwalaan ko agad si Brent kahit hindi ko pa siya masyado kilala. Wala rin akong kasiguraduhan kung hindi niya nga ako isusumbong. Ito ang pinakaayaw ko sa sarili ko, ang dali kong magtiwala.

Kung tatakasan man ako, hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Bukas ang alis namin at hindi ko maiwasan ang kabahan. Wala akong alam sa lugar na sinasabi ni Brent pero nasisiguro ko na ligtas siya ayon sa paglalarawan niya.

Alam ko na pinahanap na nila ako. It's all over the news. Ang aksidente at kasal. Minsan hindi makapagkatiwalaan ang media dahil masyado one-sided. Pinakita sa balita na kawawa si Greg kasi hindi ko siya sinipot. May mga komento pa ng mga tao na karma ko raw ang nangyari sa akin dahil hindi ko sinipot si Gregory.

Ang dali nilang manghusga without even knowing the whole story. Kung sino pa ang walang alam, sila pa ang may lakas-loob na husgahan ka. May rason ako kung bakit ko ginawa iyon. May rason ako kung bakit ko iniwan si Gregory.

"Social media is not good for you, Khadijah," wika ni Brent nang nakita akong nakatulala sa harap ng flatscreen TV sa kuwarto.

Kinuha niya ang remote sa lamesa at in-off ang tv. Bumuntonghininga siya at saka tiningnan ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko at napayuko.

"Deactivate your accounts," kalmadong aniya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "Hanggang ngayon ay mainit ka pa rin sa media. Your family is looking for you. Even Greg, he assumed na nakaligtas ka sa aksidenteng iyon."

Kumirot ang puso ko at yumuko. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Akala ko pa naman kapag lalayo ako ay magiging mabuti ang lahat.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Brent at naramdaman ko ang kanyang kamay sa balikat ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Bumungad sa akin ang kanyang poker face. Ang weird, pero gano'n lang talaga siya. Hindi ko minsan nalalaman kung galit ba siya o hindi.

"Don't worry, aalis tayo as soon as possible," he assured.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Salubong na ang kanyang kilay at inalis ang kamay sa balikat ko. Medyo nagtataka tuloy ako kung bakit niya ako tinulungan.

"Brent, why are you helping me?" curious na tanong ko. I bit my lower lip. "I-I am just wondering..."

Mas lalong nagtagpo ang kanyang kilay at umatras. Inilagay niya ang kanyang kamay sa bulsa at nagtataka akong tiningnan.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. "W-Wala ka bang work? W-Wala ka bang girlfriend na inaasikaso?" sunod-sunod kong tanong. "Alam ko na desperada na ako, pero hindi naman puwede humantong na sasamahan mo ako, o isasama mo ako sa lugar mo. Puwede mo naman ako ihatid sa kung saan, ako na lang ang bahala sa sarili ko."

"Tsk."

Nang tiningnan ko muli siya ay nagulat ako sa kanyang reaksyon. Umawang ang labi ko nang umirap siya sa akin at tumalikod. Natulala ako saglit.

"I...also have business to attend. Kaya mas mabuting doon na lang tayo. Don't worry about me." Nilingon niya ako. "And, I don't have a girlfriend, Khadijah. I am too busy to have one."

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon