Kabanata 18

47.1K 1.9K 48
                                    

COOK

"Okay ka lang ba, hija? Hindi ba masama ang loob mo?" tanong ni Manang sa akin nang nakita niya akong kumain na mag-isa.

Agad akong umiling at nagpatuloy sa kinakain. Sinalinan niya ako ng tubig sa baso at inilagay sa gilid ko.

"Hindi po," sagot ko at sinubo ang hotdog na nasa tinidor. "Sanay na po ako sa gano'n, eh. Hindi na po bago sa akin ang pagsalitaan ng gano'n."

At  kahit masakit siya sa dibdib ay nainda ko naman. Mas masakit pa mga salitang ibinato sa akin ni Daddy kaysa sa kanya na bago ko pa lang nakilala. Walang-wala iyon sa akin kahit nakakainsulto. Lumungkot ang mukha ni Manang at tinabihan ako.

"Huwag kang masyadong maging mabait, hija. Lumaban ka rin minsan. Gano'n talaga ang ugali no'n at wala na tayong magagawa. Pero huwag kang magpapaapi dahil kapag alam nila na hindi ka lumalaban, paulit-ulit lang din ang kanilang gagawin kasi nasa isip nila na madali kang apihin."

Tumango ako at nagbaba ng tingin sa pinggan na wala ng laman. Ang dali ko pala nakaubos. Sobrang gutom ko talaga siguro. Wala sa sariling nilingon ko ang bandang sala at nakita ko na todo kuwento si Nathalia habang si Brent ay nakatingin sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas na ng tingin.

***

"Fiesta na next week dito sa Badian," sambit ni Brent sa akin habang narito kami sa sala.

Matapos ang kanilang pag-uusap ni Nathalia ay tinawag niya ako upang maupo sa tabi niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nililigawan ako ng isang Brent.

"Gusto ng mayor na pumunta ako sa kanila," paliwanag niya nang napansin na tahimik ako. "And you are coming with me."

Ngumuso ako at napatingin sa kanya. Sobrang visible ang pagod sa kanyang mata at mukhang wala pa siyang kain. Ano ba kasi ang ginagawa niya at mukhang puyat na puyat siya? Hindi ko maiwasan ang mainis.

"Mamaya na nga iyan!" inis kong sambit at sinamaan siya ng tingin. "Kumain ka muna ng agahan na tanghalian mo na rin!"

Humalakhak siya at umusog palapit sa akin. Bumilis muli ang tibok ng puso ko nang magtagpo ang aming balat. Kaya medyo umusog ako palayo dahil baka sasabog na ang puso ko sa kaba at mabilis na pagtibok nito.

Ngumiti siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. "Cook for me. Gusto ko matikman ang luto mo."

Hindi ko alam kung nagpapa-cute ba siya sa akin o sadyang natural lang niya ito pero mas lalo niya lang pinapabilis ang tibok ng puso ko.

Brent, Ano ang ginawa mo sa akin? Bakit ganito? Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko at tumayo.

Nilingon ko siya. Nakatingala na siya sa akin. Napakurap-kurap ako at saka nag-iwas ng tingin. "S-Sige, lulutuan kita. B-Basta kumain ka, ah!"

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagngiti niya at pagtango. "Of course, baby. I will eat the food you will cook," maligiw niyang sinabi sabay tayo.

Napatingin ako sa kanya at saglit akong natulala dahil sa kanyang pagngiti. Kitang-kita ko ang paglabas ng kanyang dimple at pati ang kanyang mata ay sumabay sa kanyang ngiti. Mas lalo ko tuloy gusto siyang makita na gano'n.

Tumikhim ako at nag-iwas na ng tingin. Nauna na akong nagtungo sa kusina kung saan nadatnan ko si Manang. Lumapit ako sa kanya at nginitian nang magkatinginan kami.

"Manang, lulutuan ko ng pagkain si Brent," sabi ko at dumiretso sa refrigerator. "Hindi kasi siya kakain, eh. Mukhang kailangan ko pong magluto."

Saglit kong sinulyapan si Brent na ngayon ay nakaupo na sa upuan at halos mapunit ang labi niya sa laki ng ngiti habang nakatingin sa akin.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon