Wakas

80.2K 2.5K 335
                                    

WAKAS

“Ngayon na talaga tayo ikakasal?” tanong ni Khadijah sa akin habang nakasuot ng puting spaghetti strap dress na hanggang tuhod.

Today, I am going to marry the woman I have loved since then. Hindi siya grand wedding na ini-expect ng iba. I want to give my baby a grand wedding pero she refused. Ayaw niya sa gano’n. Ayaw niya sa maraming tao.

Gusto niya ay beach wedding since iyon ang gusto niya. Sabi niya ay dagat ang paborito niya dahil doon daw nagsimula ang aming pag-ibig.

Napangiti na lang ako. Khadijah is my first crush, my first love, and my first kiss. Hinangaan ko na siya noon pa man. Noong hindi pa naging sila ni Gregory.

Gregory knew I had a crush on her but he betrayed me. Ang nakita niya sa akin ay isang kompetisyon kaya siya lumapit kay Khadijah at napasagot niya ito.

I was mad at him for using Khadijah. Our friendship was already ruined before I even met Khadijah. I tried to save our friendship, but then it worsened. He sees me as his rival for everything.  Galit at inis din ako sa sarili ko dahil nakuntento ako na sulyapan siya sa malayo. Dapat lumapit ako sa kanya at sinabi na may gusto ako sa kanya.

“My cousin’s stepsister is getting married, bro!” balita ni Patrick sa akin, isa sa mga kakilala ko at pinsan ni Hailey.

Hindi na lang ako nagsalita at tinapos na lang ang wine na ininom ko.

Ang swerte ni Gregory. Sana ingatan niya si Khadijah, dahil kapag hindi, uuwi ako ng Pilipinas para sa kanya.

“And guess what, masyadong tsismosa itong pinsan ko, she accidentally mentioned that Gregory cheated on Khadijah. She caught him, Brent.”

Umawang ang labi ko at agad nilingon si Patrick na ngayon ay nakangisi na sa akin. Kahit ayaw ko sa pamilya Cruz dahil sa ginawa sa aking pamilya, exemption pa rin itong si Patrick dahil nagrebelde ito.

“Cheat?”

“Yup!” Tumango siya at umayos ng upo. May hawak siyang magazine sa kamay niya. “And man, Khadijah wanted to cancel the wedding, but Tito Theodore was such an ass! He literally used her for money!”

Kumuyom ang kamao ko at pinigilan ang sarili na manuntok. Is this part of your revenge, Gregory?

Pumikit ako at nag-isip kung ano ang gagawin. Kailangan kong umuwi sa Pilipinas.

“Seryoso ka?” Humalakhak si Patrick nang makita niyang handang-handa na ako. “Baka kasal na siya pag-uwi mo! Mamamatay kang virgin, bro!”

Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Patrick sa akin at tinawagan ko ang caretaker ng bahay ko sa Cebu.

Kinakabahan ako dahil baka makasal na nga ng tuluyan si Khadijah. Kaya palihim kong pinagdasal na hindi mangyayari iyon. And I was right, she escaped. Pero naaksidente siya. Niligtas ko siya at pinagamot.

Mas lalong nadagdagan ang galit at inis ko kay Gregory. Dinig na dinig ko ang kanyang mahinang iyak gabi-gabi. Kahit na nasa Badian na kami, she was still crying like a baby.

“Brent, nakauwi ka na pala?” tanong ni Gregory nang tumawag siya sa akin.

Hindi ko alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para tawagan ako. I should’ve blocked his number pero hindi puwede.

“Yeah, bakit ka tumawag?” tanong ko habang nakatingin ako kay Khadijah na ngayon ay kumakain.

Kumuyom ang kamao ko at lumayo.

“Well, I need your help.”

“What kind of help? Wala akong panahon and we are not totally friends,” sagot ko at umupo sa upuan sa may terrace.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon