Kabanata 39

56.3K 1.9K 105
                                    

WIFE

Nanginginig ang kamay ko habang hinihila ako ni Brent patungo sa presinto. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman. Dad stole money from their company? At gumagawa siya ng mga illegal na gawain? I can’t believe him. Alam ko na masama siya sa akin and he is desperate to bring his company back kaya niya ako pinipilit kay Gregory. Pero ang malaman na gumagawa pala siya ng illegal para sa pera. Hindi man lang niya inisip si Hailey. He only think about his money and himself.

Suot ko pa rin ang wedding gown habang papasok kami sa loob. Marami sa mga tauhan ni Dad ang mga nadakip. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Dad na nakaupo habang may posas ang kanyang mga kamay. Humigpit ang hawak ko kay Brent.

“Sir, maawa kayo sa amin. Wala na kaming ibang trabaho. Kumapit lang kami sa patalim!” pagmamakaawa ng isa sa mga tauhan ni Dad habang umiiyak.

Kumirot ang puso ko sa nakita. They still have families after all. Wala lang silang magawa kasi they need to live and feed their family. Wala silang choice kundi gawin ang ganito, pero mali pa rin, maling-mali.

Natigilan ako at napaatras nang makita kong lumingon si Dad sa akin at biglang tumayo.  Napalunok  ako nang makita ko na parang wala lang sa kanya ang nangyari. Ngumiti siya sa akin at akmang lalapitan nang hinawakan siya ng mga police.

“Khadijah, anak…” Umawang ang labi ko nang marinig ko siyang magsalita. “Ikaw na lang talaga ang pag-asa ko, anak.”

Mas lalong humigpit ang kapit ko sa braso ni Brent at napasinghap ako nang inilagay niya ako sa likuran niya.

Humalakhak siya nang makita niya ang ginawa ni Brent. “Brent, hijo. Alam ko naman na gustong-gusto mo ang anak ko. Puwede naman natin itong pag-usapan. Sa iyo na si Khadijah kapalit ng pagkalaya ko.”

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala siyang tiningnan. Kumirot ang puso ko nang ma-realize ko na walang bahid na pagmamahal ang mayroon si Daddy sa akin. Habang siya ay tinuturing kong ama, siya ay tinuturing akong robot.

“Your daughter is not for sale, Mr. Cruz,” matigas na sambit ni Brent at mas lalong humigpit ang hawak sa akin. “You deserve to rot in jail after what you did.”

Napawi ang ngiti ni Dad at umamba pang lumapit. “Aba, ang yabang-yabang mo! Ang hilig niyo talagang sumawsaw mga Young—bitiwan niyo nga ako!” Nagpupumiglas si Daddy sa hawak ng mga pulis. Tumulo ang luha sa mata ko habang pinagmamasdan siya. “Wala akong kasalanan! May ibidensya ba kayo na ako nga ang nagnakaw?”

Umiling si Brent at hinarap ako. Ngumiti siya sa ‘kin at bumaba ang kamay niya sa kamay ko, hinigpitan ang hawak.

“Si Mommy…” Nanginig ang boses ko. “Si M-Mommy. N-Nabagok u-ulo niya…”

“Ha! Sigurado akong patay na ang Loisa na iyon! Traydor ba naman na babae! Kaya pala—” Nanlaki ang mata ko at napatingin muli kay Dad.

Kumalas ako kay Brent at agad nilapitan si Daddy na ngayon ay nakangisi na.

“Hayop ka!” sigaw ko na siyang ikinagulat niya. Aabutin ko na sana siya nang hinawakan ni Brent ang aking kamay para pigilan ako.

“Khadijah…” si Brent.

Umiling ako at tinuro si Daddy. “P-Paano mo nasabi iyan? Asawa mo si Mommy! Mas pinili ka niya kaysa sa akin, una pa lang! Tapos ngayon…ganiyan ka? Walang ginawa si Mommy kundi ang mahalin ka! Tapos…” Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko dahil nauubusan na ako ng salita.

Hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Naiisip ko ang sakit kung narinig ito ni Mommy. Hindi ako makapaniwala na wala nang paki si Daddy sa kanya.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon