Kabanata 8

59.2K 2.2K 339
                                    

 YOURSELF

Tulala akong nakatingin sa baybayin. Kitang-kita ko ang paghampas ng mga alon sa mga malalaking bato at ang paghuni ng mga ibon. This is such a good place for vacation. Bago ang lahat ng ito sa akin kaya hindi ko sinayang ang oras sa pag-iyak. Pinakiramdaman ko na lang ang simoy ng hangin habang nakaupo sa chaise longue ng terrace sa ikalawang palapag.

Nakaupo ako habang pinagmamasdan ang palulubog na araw. Kung may selpon lang siguro ako ngayon ay baka nakuhanan ko na ito ng litrato. Malungkot akong nagbaba ng tingin sa mga sugat ko sa braso. Ito ang naging bunga ng pagtakas ko. I wonder kung ano na ang ginagawa ni Gregory ngayon. Nagsisisi ba siya sa kanyang ginawa? Did he ever think twice bago niya nagawa iyon sa akin? Kinagat ko ang aking labi at ipinilig ko na lang ang ulo ko.

How can I move on if I keep thinking about him? Tama nga si Brent, hindi ko na dapat siya iniisip pa.

Nang lumubog na ang araw ay naisipan kong lumabas ng bahay at magtungo sa dalampasigan. Nakita pa ako ng isang kasambahay ngunit sinabi ko sa kanya na hindi ako lalayo. May dala pa akong tungkod upang maging maayos ang paglalakad ko.

Dala ang bigat sa aking dibdib ay nagtungo na ako sa dalampasigan habang nasa palad ko ang singsing. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin habang nililipad ang buhok kong mahaba. Nakita ko pa na may mga bangka na dumaong at ang mga sakay ay nagtatawanan, masayang bumaba sa kani-kanilang bangka habang may dalang lambat at balde.

Ang bait naman ni Brent kasi hinayaan niya ang mga taong ito na mangisda sa pag-aari niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na tubig sa paa ko. Nanginginig na inangat ko ang singsing at tinitigan ito nang mabuti.

I thought marrying him would save me from hell. I thought loving him would make me happy. But I never thought that he would hurt me. I never thought that he would cheat on me. Sa una lang pala magaling.  

"I love you, Gregory," mahina kong sambit at nagsimula na naman sa pagtulo ang luha ko. "I love you so much...and I never expected this to happen."

Parang unti-unting tinusok ng karayom ang puso ko. Paunti-unti hanggang sa nakaramdam ako ng hapdi.

"Wala akong ginawa kundi ang mahalin ka ngunit sinaktan mo lang ako..." Kinuyom ko ang kamao ko at pinunasan ang luha ko. "Naging mabuting girlfriend ako pero dahil sa ginawa mo, pina-realize mo lang sa akin kung gaano ako kakulang para maghanap ka ng iba."

Mas lalong bumuhos ang luha ko. "Siguro ito na ang tamang gawin upang makalimutan kita. Pagod na rin kasi ako umiyak. Pagod na rin ako maging sunod-sunuran sa pamilya ko."

Naglakad ako patungo sa mas ilalim na parte ng tubig at huminga nang malalim. Binuksan ko ang palad ko at tiningnan nang maigi ang singsing na minsan nang nagpapasaya sa akin.

"Sana makalimutan na kita..." bulong ko at nag-angat ng tingin.

Humugot ako ng malalim na hininga at walang pag-alinlangan na itinapon ang singsing sa malayo kasabay ng pagtulo muli ng luha sa mata ko. Saglit akong natahimik matapos kong itinapon ang singsing sa dagat. Umawang ang labi ko pero agad kong tinakpan gamit ang kamay ko.

"OMG!" mahinang tili ko at nagmamadaling nagtungo kung saan ko iyon itinapon. "Bakit ba hindi ako nag-iisip?"

Puwede ko iyon isangla, eh! Nang mabayaran ko naman ang utang ko kay Brent. Umurong ang luha ko sa naisip.

Pero hindi ko nagawang umabante pa nang may naramdaman akong braso na yumakap sa bewang ko galing sa likuran at inangat. Napatili ako sa gulat ngunit naitikom din nang nakita na si Brent ito. Galit na galit ang kanyang histura habang padabog niya akong ibinaba sa buhangin at inis akong tiningnan. Magsasalita na sana ako nang inunahan niya ako.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon