Kabanata 9

54.9K 2.3K 163
                                    

 CALL

Ilang linggo na ang nakalipas at nasanay na ako sa bagong environment. Hindi ko na rin masyadong nakausap si Brent dahil busy siya at hindi naman kami close para kausapin ko siya araw-araw. Nagpasalamat na lamang ako na tinulungan niya ako at pinatira pa sa bahay niya.

"Manang, ang ganda po ng lugar ni Brent, ano?" Ngumiti ako sa kanya at napatingala sa kalangitan.

Napapikit pa ako dahil sa sinag ng araw. Medyo umayos na rin ang sugat pero hindi na maiwala ang mga peklat. Pero wala naman akong pakialam sa pisikal na kaanyuan ko. Ang importante, buhay ako at humihinga. Hindi ako masyadong nakagala dahil hindi iyon magandang ideya lalo na't nagtatago ako at hinahanap pa ako.

Bakit ba hindi na lang nila ako titigilan? Bakit hindi na lang nila ako hahayaan?

Natatakot ako dahil baka mahanap nila ako at madamay pa si Brent. Sinabi ko sa kanya noong nakaraang araw na aalis na lang ako para hindi na siya madamay pero hindi niya ako pinakinggan at pinagsarhan lang ako ng pinto.

I don't know what is his reason for helping me, pero I am glad.

"Oo."

Naimulat ko ang mata ko at napalingon nang sumagot si Manang Eula.

 "Maganda nga rito. Sobrang tahimik at may preskong hangin," ani Manang Eula.

Nagpatuloy sa pagdilig ng halaman si Manang Eula habang ako ay nakasunod sa kanya.

"Taga rito po ba siya, Manang? Nasaan po ang parents niya?"

Itinigil ni Manang ang kanyang pagdidilig at binalingan ako. "Hindi taga rito si Brent, hija. Walang masyadong nakakilala sa kanya bukod sa mga nakitira sa lupain niya." Nginuso niya ang kanang bahagi na may mga bangka pero naaninag ko ang isang usok, siguro ay may nakatira nga sa malayo.

"Sila rin minsan ang nag-aalaga at naglilinis sa buhangin at dagat. Mahilig kasi si Brent lumangoy kaya nililinisan nila."

Napatango na lamang ako dahil sa mga kaunting nalaman tungkol kay Brent.

"Gusto mo ba mamasyal? May mga kabataan doon. Hindi yata nalalayo sa edad mo. Nasa kolehiyo na kadalasan lalong-lalo na ang triplets."

Nakuha niya ang atensyon ko.

"Triplets?"

Tumango si Manang at niligpit na ang hose. Sinara niya rin ang gripo at bumalik sa akin.

"Oo, baka gusto mo sila maging kaibigan. Medyo maiingay ang mga iyon pero mababait naman siguro," sambit ni Manang at tinapik ang balikat ko. "Maiwan muna kita."

Tumango ako at sinundan siya ng tingin. Hindi ako marunong makipaghalubilo lalo na't hindi rin ako sanay makipagkaibigan. Wala rin kasi akong masyadong kaibigan at kung meron man ay hindi na kami nag-uusap.

Masyado akong naging curious sa sinabi ni Manang kaya natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagtatago sa may bato habang sinisilip ang tatlong babae na nagtatawanan. May mga dala silang meryenda habang nakaharap sa dagat.

Nang napansin ako ng isang babae ay natigilan siya sa pagtawa at dali-daling kinalabit ang kanyang kasama. Ngayon ko lang napagtanto na sila nga iyong triplets.

"Uhm..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa kahihiyan.

"Bakit Pems?" kunot-noong tanong ng isang babae at nagtatakang tumingin sa akin.

Ang babae na nakakita sa akin ay nakatingin pa rin sa akin na para bang sinusuri ako.

"I'm sorry for interrupting," pagpapaumanhin ko nang ma-realize ko ang aking ginawa.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon