Kabanata 38

48.1K 2K 231
                                    

RUN AWAY

Handang-handa na ang lahat. Ang mga bisita ay nasa loob na ng simbahan. Hindi pa rin ako makapaniwala na gagawin ko ito ngayon. Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba. Ang tanging pinanghahawakan ko ngayon ay ang pangako ni Brent na hindi niya ako hahayaan na makasal kay Gregory. Pero kahit gano'n, natatakot pa rin na baka mahuli siya ng dating.

"A-Anak," si Mommy na nasa gilid ko na. "Gagawin mo ba talaga ito?" nag-aalalang tanong niya habang hinahawakan ang braso ko.

Hawak-hawak ko na ngayon ang bulaklak habang nasa may pintuan na ako nakapwesto. Si Daddy ay may katawagan saglit kaya kami lang ni Mommy ang magkatabi.

Unti-unti na ring naglalakad ang mga flower girls at iba pang kasali sa kasal na ito. Hindi ko maipagkaila na sobrang ganda ng disenyo at tingin ko ay pinaghahandaan talaga. Halos mapapikit ako nang mailawan ako ng click ng camera.

Hindi ko maiwasan ang mailang at mapaiwas ng tingin. Ayaw ko na may kumukuha ng picture sa akin.

"Huwag niyo muna kuhanan ng picture ang bride! Hindi siya komportable! Kayo talagang taga-media! Sa loob na lang kayo!" narinig kong sermon ng isang lalaki, tingin ko ay siya ay isa sa mga nag-organize ng kasal na ito.

"Anak," tawag muli sa akin ni Mommy.

"Mommy, araw na ng kasal ko ngayon. Wala na tayong magagawa," malamig kong ani.

"Pero—"

"Pumwesto na kayo, Sir! Kailangan niyo nang maglakad."

Napalunok ako at mas lalong nilalamig. Hinigpitan ko ang hawak ko sa bulaklak at nagtaas ng noo, nagkukunwari na okay lang sa akin kahit ang totoo ay hindi naman.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mag-iba ang tugtog ng musika. Mas naging sweet at naging mas emosyonal. Hindi ko maiwasan ang mag-imagine na ikakasal ako kay Brent. Habang naglalakad kami patungong altar, hindi si Gregory ang nakikita ko, kundi si Brent, siya ang nakikita ko na naghihintay sa akin sa altar. Nangilid ang luha sa mata ko sa hindi malamang dahilan at tingin ko, nasa isip ng mga bisita ay masayang-masaya ako na ikakasal ako kay Gregory kahit si Brent naman ang nasa isip ko.

"Pakasalan mo siya, Louise. Ipaniwala mo sa lahat na gustong-gusto mo siyang pakasalan. Ako na ang bahala sa lahat. Ang gusto ko lang malaman ay kung mahal mo pa rin ba ako. Mahal mo pa ba ako? Kasi ako mahal na mahal kita at hindi ko kaya  na mapunta ka ulit sa iba."

Napangiti ako habang tumutulo na ang luha sa aking mata. Sumabay pa ang kanta na tila ay alam na alam ang nararamdaman ko. Tutok na tutok ako sa lalaki na nasa harapan ko, hinihintay ang aking pagdating. Ang tanging lalaki na nakikita ko ngayon ay ang lalaking nagparamdam sa akin na kamahal-mahal pa rin ako. Na hindi ako magawang ipagpalit at kontento sa kung anong maibigay ko.

Hindi si Gregory iyon, hindi na si Gregory.

 Sumikip ang dibdib ko nang napagtanto ko na hindi si Brent ang nasa harapan. Tanging imahinasyon ko lang iyon. Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag si Brent ang lalaking nasa harapan, hinihintay ako.

Kinagat ko ang aking labi at yumuko saglit bago nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam na ramdam ko ang mahigpit na kapit ni Daddy sa akin. Sinisigurado na hindi ako tatakbo.

Halos hindi ko na makita ang nilalakaran ko dahil napuno na ng luha ang mata ko.

"M-Mahal kita..."

"Good. Now baby, marry that bastard and let him taste your sweetest revenge."

Nang nakarating na kami sa altar ay inilahad na ni Gregory ang kanyang kamay sa akin. Nagdadalawang-isip akong kunin iyon, ngunit nang maalala ko na naman ang sinabi ni Brent sa akin ay wala sa sariling tinanggap ko ito.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon