Kabanata 12

52.1K 2.2K 218
                                    

SORRY

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Masyado na akong nahiya sa ginawa ko. Hindi dapat ako nagpapabigat dahil in the first place, hindi naman niya ako obligasyon. Tinulungan niya lang ako.

Naramdaman ko na inilapag niya ako sa malambot na kama. Sa amoy pa lang, alam ko na hindi ito ang kuwarto ko.

"I'm sorry. Dito ka muna sa kwarto ko. Kailangan pang palitan ang bed sheet," mahina niyang sinabi at nagulat ako nang hinubad niya ang sapatos ko.

Wala na akong narinig mula sa kanya kaya akala ko ay iniwan na niya akong mag-isa, pero nagulat na lang ako nang bigla siyang sumulpot sa gilid ko na may dalang palanggana. Inilapit niya sa akin ang palanggana.

"Vomit," utos niya at nag-iwas ng tingin.

Kinuha ko ang palanggana mula sa kanya at sinubukan na sumuka pero walang lumabas. Napaupo na lang ako sa kama na hingal na hingal.

Pumikit ako at napalunok. "Hindi ako nasusuka."

Akmang kukunin na sana niya sa akin ang palanggana nang bigla akong nakaramdam ng pagsusuka. Tinakpan ko agad ang bibig ko at naiiyak dahil sa ibang pakiramdam. Sa taranta ko ay nasukaan ko ang pants niya imbes sa palanggana. Namilog ang mata ko at nanigas sa kinauupuan.

Nang nag-angat ako ng tingin sa kanya, nakita ko siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan. Umawang pa ang labi niya at nabitiwan ang palanggana na bumasag sa katahimikan naming dalawa.

Nanlumo ako at pinagtagpo ang kamay na tumingin sa kanya. "S-Sorry. H-Hindi ko sinasadya..."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sobrang dami ng naisuka ko sa pants niya at nakakadiri siya sa totoo lang. Hindi sumagot si Brent at pumikit na lamang. Unti-unti siyang umatras at nang nagmulat ng mata, nagbaba ng tingin sa suot na pants.

"S-Sorry," naiiyak ko na sabi. "H-Hindi ko sinasadya..."

Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Manang Eula na napatakip na rin sa kanyang bibig. Naiiyak ako.

"Shit!" mura niya na mas lalong nagpataranta sa akin.

Parang nawala ang lasing ko dahil sa mura niya. Akma ko siyang lalapitan ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mas lalo lamang siyang magagalit.  

"S-Sorry, lilinisin ko," natataranta kong sambit at kinuha ang tissue na nasa side table. Akmang ipupunas ko na sana ito sa kanyang pants nang bigla siyang nagsalita.

"Manang, get out of here!" Kumulog ang kanyang boses.

Halos saan-saan ko na lamang ibabaling ang tingin ko. Sa tissue ba o sa kanya. Umiling si Manang Eula sa akin at akma akong lalapitan nang magsalita muli si Brent.

"Manang, let her clean herself!" malamig na sambit ni Brent.

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Brent at nagpatuloy siya sa paglapit sa akin. Tinulungan niya akong makatayo at hinaplos pa ang pisngi ko.

"Sobrang enjoy na enjoy mo siguro pero mahina ang tolerance mo," wika ni Manang Eula at mahinang tumawa.

Sobrang sama na ng tingin ni Brent sa amin ni Manang dahil tinulungan ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nakakatakot pala siyang magalit. Nang nakalabas na kami sa kwarto ni Brent ay agad-agad akong hinarap ni Manang.

"Hija, bakit mo naman sinukaan si Brent? Hindi ka no'n iimikin. Maarte iyon!" medyo agresibong aniya sa akin.

Malungkot ko siyang tiningnan. "Manang..."

"Ano?" Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang baywang.

Tinakpan ko ang bibig ko. "Nasusuka ako..."

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon