Kabanata 23

44.2K 2.1K 174
                                    

GIRLFRIEND

Three hours ang byahe namin patungo sa syudad. Ang akala ko ay public plane ang sasakyan namin pero hindi ko akalain na may private plane pala si Brent. Hindi ko lubos maintindihan kaya akala ko ay sakto lang si Brent. Na hindi siya masyadong marangya. Hindi naman niya ito pinalandakan pero sa nakikita ko ngayon, napagtanto ko na hindi ko pa talaga siya masyadong kilala. Sino nga ba si Brent at ano ang totoong buhay niya?

“Brent!” tawag ko sa kanya nang nakalabas kami sa van.

Nakita ko ang pagsenyas ni Brent sa isang lalaki bago ako nilingon. Kunot ang noo niya habang nakatingin na sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa kanyang kagwapohan. Kung si Gregory ay may lahing Koreano, si Brent naman ay parang may lahing Amerikano. Maybe half siya lalo na’t Young ang apelyido niya.

“Yes,” sagot niya.

“Sino ka ba talaga?” diretsahang tanong ko. Nilingon ko ang private plane na sobrang ganda at itinuro. “Sa iyo ba ang plane?”

Nang binalingan ko siya muli ay seryoso na ang tingin niya. Parang sinusuri niya pa ang kabuuan ko bago humakbang palapit sa akin at naglahad ng kamay. Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya.  

“If you come with me, I’ll show to you my world," seryosong sambit niya at seryoso akong tiningnan.

Napatingin ako sa kanya at nang unti-unti siyang ngumiti, biglang nagwala ang puso ko. Napalunok ako bago ako ngumiti pabalik.

“I will go with you. Gusto kong makilala ka nang tuluyan, Brent,” mahina kong sambit bago ko tinanggap ang kamay niya.

Natakpan pa ang mukha ko ng buhok ko dahil sa hangin kaya gamit ang isang kamay, sinikop ko ang buhok ko.  Sobrang ganda ng pwesto na ito. Halos lahat semento at para lang talaga sa private plane niya. Hindi ito ang inaasahan ko. Hindi ko lubos akalain na may ganito pala siya. Alam ko na may kaya siya pero hindi ganito…

“Good to hear.”

Hinapit niya ang bewang ko at iginiya patungo sa may hagdanan ng plane. Excitement ang nararamdaman ko ngayon dahil talagang makapunta na kami sa Boracay na noon ay sa pictures ko lang makikita. Isang oras lang ang byahe bago kami nakarating. Balak namin mag-stay sa isang kilalang hotel sa Boracay na malapit lang sa dagat. Ang sabi niya ay baka aabot kami ng linggo rito.

“Omg!”

 Nagtatalon-talon ako sa saya nang nakarating na kami. Hinayaan lamang ako ni Brent na mamasyal saglit dahil kausap niya ang isang staff. Dumiretso ako sa bilog na bilog na pool. Wala pang masyadong naliligo kasi maaga pa naman. Sobrang ganda rin kasi kaharap ay dagat na. Naaamoy ko ang preskong hangin. Gusto ko talaga ang dagat. Parang naaadik na ako sa mga dagat. Gusto ko ang mga gano’n kaysa sa mga mouintains. Kasi kapag nasa tubig ka, nakakapag-relax ka at feel na feel mo talaga ang ginhawa.

“Let’s go to our room, Louise. Kailangan mo pa magpahinga,” aniya sa mababang boses.

Sumulyap ako saglit sa dagat bago tumalikod paharap kay Brent na ngayon ay naghihintay na sa akin.

“Okay…”At sumunod na ako sa kanya.

Habang papatungo na kami sa kwarto namin ay hindi ko maiwasan ang mamangha sa mga disenyo na nasa dingding. Mga frames at paintings na sure ako na mamahalin. May nakasalubong din ako na house keeper na sobrang ganda ng uniform. Sobrang marami sigurong nag-check in dito lalo na’t maganda ang panahon. Ang Boracay pa naman ang isa sa mga magandang bakasyonan ng mga dayuhan.

Nang nakapasok kami sa loob ay bumungad agad ang dalawang kama na tingin ko ay sobrang lambot. Malalaking kurtina na kulay off-white na bumabagay sa pintura ng dingding. Ang ilaw na hindi masyadong maliwanag at sakto lang din siya sa disenyo ng kwarto. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ko dahil sa air-con na tingin ko ay kanina pa umaandar. May mini ref din at saka syempre, hindi mawawala ang jacuzzi. Ang masasabi ko lang, anlaki ng buong kwarto.

Umupo ako sa kama at pinakiramdaman ang lambot nito. Nakita ko na naghubad ng sapatos si Brent. Denim shirt pala ang suot niya ngayon at black pants. Sobrang sungit talaga ng aura niya. Napangiti na lamang ako at napatingala.

“Ang ganda rito, Brent,” nasambit ko na lang.

Hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin. Napasinghap na lamang ako nang lumubog ang kama kaya napalingon ako sa kanya na may gulat sa mata. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa bewang ko.

“Brent.”

Seryoso ang kanyang tingin at ang kapal na kilay niya ay nagsalubong. Well, gano’n naman talaga ang tinginan niya.

“You really want to know about me?” tanong niya.

Wala sa sariling tumango ako. Gusto kong makilala ka Brent. Gustong-gusto.

Humugot siya ng malalim na hininga sabay tingin muli sa akin. “I am rich, Louise,” mayabang niyang sambit. “I am richer than that fucking Greg.”

Halos hindi ko magawang magsalita dahil ang bawat salita niya ay mariin.

Napalunok ako. “Ang yabang m-mo naman,” nasabi ko na lamang dahil nauubusan na ako ng sasabihin.

Gumapang ang kamay ni Brent sa hita ko kung saan nandoon ang kamay ko. Hinawakan niya ito at pinagsalikop kaya nagbaba ako ng tingin doon. Nanginig ang kalamnan ko dahil sa ginawa niya. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. “Mayabang? I am not. Sinabi ko lang ang totoo.”

“K-Kwento ka pa,” kagat-labi kong sabi at umayos ng upo.

“Can I kiss you after I tell you my whole story?” tanong niya at mapungay akong tiningnan.

Uminit ang pisngi ko sa tanong niya. “M-Manliligaw k-ka p-pa lang pero humahalik ka na sa akin,” nauutal ko na sabi habang ang tingin ko ay nasa kamay na namin.

Mas lalo akong namula nang  narinig ko ang kanyang halakhak. Hinapit niya ang bewang ko kaya napasandal ang buong katawan ko sa kanyang matipunong dibdib. Naamoy ko rin ang kanyang pabango na hula ko ay mamahalin. 

Napatingala ako sa kanya habang ang isa kong kamay ay nasa kanyang dibdib. Para akong napaso nang nagtama ang tingin namin.

Ngumuso siya. “Then, can I ask you?”

“Huh?”

Akmang lalayo na sana ako sa kanya pero sa higpit ng hapit niya, hindi na ako makagalaw.

“Will you be my girlfriend?” seryosong tanong niya habang ang mata ay nakatuon sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. Seryoso na ba siya sa tinanong niya?

“Brent…” Napalunok ako.

“Be my girlfriend,” mariin niyang wika, parang inuutusan pa yata ako.

Ngumuso ako sa kanya. “Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung naka-move on na ba ako kay Greg?”

Kumunot ang noo niya at medyo lumuwag ang pagkahawak niya sa akin. Bigla tuloy akong nagsisi sa tanong ko.

“Why? Hindi ka pa rin ba naka-move on sa kanya?” tanong niya pabalik sa akin.

Matagal bago ako nakasagot. Inalala ko at pinakiramdam ko kung may puwang pa ba si Gregory sa puso ko. Nag-angat ako ng tingin kay Brent at hinaplos ang panga niyang nakaigting. Inabot ko ang batok niya at itinulak ang ulo niya patungo sa akin. Nang magtama ang mga labi namin ay napapikit na lamang ako. At doon ko nakumpirma, na ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay hindi na kay Greg kundi sa lalaking nasa harap ko.

Nang humiwalay ako sa halik ay nakita ko ang pagkagulat niya. Natulala siya sa akin saglit. Hindi makapaniwala na ginawa ko iyon. Bigla tuloy akong nahiya dahil sa ginawa ko. Napayuko tuloy ako at mariing kinagat ang ibabang labi.

“I love you, Brent. Tayo na,” mahina kong bulong at yumakap sa kanya para itago ang sarili. Nakakahiya.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon