Kabanata 27

43.1K 1.9K 46
                                    

MAKE OUT

“Mabuti at nakauwi kayo nang matiwasay, hija,” maligayang sambit ni Manang Eula habang tinitimplahan ako ng gatas.

Hindi na mawala ang ngiti sa labi ko nang magising. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na sasaya ako ulit. Na mararamdaman ko ulit ang ganito.

“Hija, maganda yata ang panaginip mo at malaki ang ngiti mo ngayon. Pareho kayo ni Brent. Ang aga yata nagising ng batang iyon. May hindi ba kayo sinasabi sa akin?” may pagdududa na tanong ni Manang Eula.

Inilapag niya ang mug sa harapan ko at tiningnan ako. Kinagat ko ang aking labi at umiling agad.

“Sus, sinungaling! Tingin ko ay may magandang nangyari habang nasa bakasyon kayo. Sus! Tinatago niyo pa sa akin! Sa ngiti pa lang ng alaga ko, alam ko na.” Umiling si Manang Eula ngunit may ngiti na sa labi na parang alam na niya. “Hindi niyo na maitatago. Walang masama kung nagkagustuhan kayo lalo na’t wala ka namang boyfriend. Wala rin namang girlfriend si Brent. Tingin ko hindi ka naman sasaktan ng alaga ko kahit snobero.”

Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi ni Manang Eula. Halos hindi na ako makatingin sa kanya. Nahihiya kasi ako.

Tumawa si Manang sa naging reaksyon ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Hija, hindi mo naman kailangang mahiya. Sigurado ako na mamahalin ka na nang todo ni Brent. Huwag matakot, okay?”

Tumango ako. Matapos ang aming usapan ay ibinigay ko kay Manang ang kanyang pasalubong na binili ko sa Boracay. Simple lang naman iyon at laking pasalamat ko na nagustuhan niya. Hindi ko pa nakita si Brent sa araw na ito. Ang sabi ni Manang ay maaga daw nagpunta sa lungsod dahil may bibilhin. Kaya may oras ako na makipagkita kay Pempem dala-dala ang pasalubong ko.

“Omg!” tili ni Pempem at nabitiwan pa ang hose nang nakita ako na palapit na sa bahay nila. Nakita ko rin na natigilan si Carpa sa pagwawalis at si Beth na nagpapakain ng manok nang tumili si Pempem.

Bigla tuloy akong nahiya dahil tingin ko ay nadisturbo ko sila sa kanilang ginagawa. Nang tuluyan nang nakalapit si Pempem sa akin ay hinawakan niya ang kamay ko at binigyan ako ng malaking ngiti.

“Omg! Bumalik ka! Miss na agad kita,” madrama niyang sinabi at medyo napatalon pa ako sa gulat nang niyakap niya ako.

Napangiti ako at parang may humaplos sa puso ko. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng isang kaibigan na katulad ni Pempem.

“Omg! Kumusta ang bakasyon?” tanong niya nang kumalas sa yakap at dali-dali akong hinila patungo sa loob ng bahay nila. Nakita ko pa na natigilan ang mama niya sa pagpunta sa kusina nang nakita ako.

“Magandang umaga po,” nahihiyang bati ko habang hila-hila pa rin ako ni Pempem. Umupo kami sa upuan nila.

“Uy, Louise! Nandito ka pala!” Binalingan ng mama ni Pempem si Pempem. “Pempem, lutuan mo ng pancake si Louise! May juice din sa loob ng refrigerator,” utos niya.

Agad akong umiling. “Hindi na po, Tita,” tanggi ko agad.

“Masarap ang pancake namin, hija! Kaya sige na! Bisita ka ni Pempem.” Ngumiti siya sa akin bago siya nagpatuloy sa pagpasok sa kanilang kusina.

Hinawakan ni Pempem ang kamay ko at sinuri ang kabuuan ko.

“Wow! Parang blooming ka ah! Grabeng bakasyon, Louise! Mas lalo kang gumanda!” puri niya.

Napailing ako at medyo nahiya. “Hindi naman—”

“Sus!” Tinaasan niya ako ng kilay at ang kanyang tingin ay nanunukso na. “Parang timang ito! Ang humble mo talaga! Siguro kung ako si Brent, binakuran na kita nang todo. Ang ganda mo, grabe ka!”

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon