KAMBAL

1.9K 36 7
                                    

KAMBALisinulat ni Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KAMBAL
isinulat ni Alex Asc

Matatawag na kambal ang pareho't magkasabay na isinilang. Subalit kung magkaiba naman ang anyo, matatawag pa kaya silang kambal?

Si Lennie, isinilang na maganda ngunit ubod ng sama ng ugali samantalang ang kakambal nitong si Lucy ay matatawag na halimaw sa kaniyang itsura ngunit ang damdamin ay busilak.

Unang isinilang si Lennie kaya't matatawag siyang ate, mahigit limang minuto ang pagitan nila bago makaramdam ulit ang kanilang ina ng sanggol na lalabas ulit. Si Lucy na ikinagulat pa ng kumadrona dahil sa kakaibang anyo nito. Animoy halimaw ito sa hugis ng mukha.

Upang hindi makaranas ng panlilibak si Lucy ay napagpasiyahan ng kanilang amang si Mang Edgar na manirahan sa liblib ng gubat. 'Yong hindi mararating ng mga tao at hindi makakaranas ng pang-aapi si Lucy. Kung kaya't nagdalagita ang dalawa sa loob ng kakahuyan na walang nakakasalamuhang tao. Hindi rin nakakalabas ng bayan si Lucy at hindi isinasama ng kaniyang mga magulang kung kaya't ganoon na lamang kalungkot ang kaniyang buhay. Hindi katulad ng kakambal na si Lennie na minsan isinasama ng kanyang ama sa pamamalingke at pamamasyal. Ngunit kahit ganoon pa man, kailanma'y hindi ipinadama ni Lucy sa mga magulang ang sama ng loob niya. Lagi niya silang iniintindi, dahil kapakanan lang din naman niya ang lahat.

"Okay lang po iyon, Itay..." sabay halik ni Lucy sa kaniyang ama. Naluluha naman ang mag-asawang Mang Edgar at Aling Cora. Sadyang napakamasunuring bata ni Lucy. 'Yung hindi niya nilalagyan ng sakit ng ulo ang mga magulang. Kahit mukhang halimaw siya ay bawing-bawi naman siya sa magandang ugali. Kung ugali lang sana ang titingnan ng mga tao, malamang hindi na nila kailangang itago si Lucy. Ngunit ang isang pinangangambaan ng mag-asawa ay ang anak nilang napakagandang si Lennie. Napapansin nila ang kainitin ng ulo nito. Laging nagagalit at minsan ay wala sa sarili at nilalaro ang mga gamit na mapanganib, tulad ng kutsilyo.

"Natatakot akong, baka si Lennie ang nagtamo ng sumpa, at hindi si Lucy!" Nag-aalalang wika ni Mang Edgar.

Lumipas ang maraming tao at ganap ng dalaga ang dalawa. Si Lennie ay kasalukuyang naninirahan sa siyudad mula sa nakaampon sa kaniya ngunit si Lucy ay mag-isa pa ring nakalagak sa madilim na kagubatan. Ngunit sanay na si Lucy.

Minsan nang sinubukan ni Lucy na lumabas noon at makihalubilo sa mga tao noong nasa edad 13 anyos na siya. Masayang-masaya pa siya at tuwang-tuwa ngunit natakot ang karamihang nakakakita sa kaniya.

"Ano ba 'yan! Tao ba 'yan o Aso?!" Bulalas ng natatarantang mama.

"Babaeng lobo yata iyan!" Tugon ng isa.

"Halimaw 'yan! Aswang iyan!" Kumpirma ng ilang kalalakihan. Binato nila ng binato si Lucy at pina-alis sa lugar na iyon.

"Kapag bumalik ka pa rito! Susunugin ka namin!" Asik sa kaniya ng isang Ale.

Halos gumapang na duguan si Lucy sa mga nangyari sa kaniya.

Doon niya napagtantong hindi siya tanggap ng mundo, na kakaiba siya. Isa nga raw siyang aswang.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon