KAGAT - ZOMBIE

521 16 0
                                    

KAGATIsinulat ni Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KAGAT
Isinulat ni Alex Asc

EPISODE 3 - ZOMBIE

"Nasaan ba ang kuya mo?" may halong galit ang tinig ni William habang tinatanggal nito ang saksakan ng malaking Refregerator.

"Hindi ko nga po alam, Itay." Samantalang tumutulong naman ang anak sa ama. Tinatanggal naman ng anak ang mga laman.

"Itay, dadalhin ba natin itong mga pagkain at mga alak?" tanong ni Perez sa ama.

"Simpre naman, sayang naman kung itatapon lang natin iyan," sagot ni William sa anak.

Makaraang mailigpit ang ilan ay magkasama na nilang binuhat patungong gate ng bahay.

Kakarating naman ng anak niyang si Torres na nanggaling pa kung saan. Umupo muna sa tabi ng gate ang binatilyo at itinaas ang paa at kinakalikot.

"Hoy! Torres, saan ka ba nagpupupunta? halika nga rito at tulungan mo kami," tawag at utos ni William habang buhat-buhat ang mahabang Ref kasama ng anak na si Perez.

"Itay, kinagat po ng daga ang paa ko, doon sa kakahuyan. An'sakit, Itay..." Halos naiiyak na si Torres.

"Bakit ka kasi pumunta roon. Mabuti pa'y diyan ka na lamang at bantayan mo ito at ilalabas lang namin ang mga furniture." Nakaparada ang multicab na inarkilahan ni William para ilabas ang mga malalaking kagametan ni Alberto.

Habang patuloy pa ring napapadaing si Torres. Pumunta kasi siya sa kakahuyan para tingnan ang pinangyarihan ng krimen umano, dahil kaklasi niya ang biktimang dalagita, at doon niya natamo ang kagat ng malaking daga. Sa mga oras na iyon ay kakatapos lang sunogin ng taong bayan ang katawan ni Alberto.

Marami-rami na ring naitambak na kagamitan si William sa multicab na iyon, halos puno na ang multicab pero marami pa rin silang babalikan.

Para kay William ay yayaman siya dahil sa mga mamahaling kagametan ng pamilya ni Alberto.

"Itay, hindi po ba masama ang ginagawa natin?" tanong ni Perez habang buhat nilang dalawa ang mahabang sofa.

"Hindi, Anak! Bago nga mamatay si Alberto ay nasabi niya sa akin na ibinibigay raw niya sa atin ang bahay at laman nito. Hindi na kasi babalik ang kaniyang pamilya dahil natatakot  na silang bumalik, pambihira... mga lahing bampera ba naman," mahaba niyang sagot.

"Mas mabuti na rin sa kanila iyon, sa dami ng naging biktima nila, nararapat lang silang parusahan!" dugtong pa nito sa anak.

Nasa labas na sila ng dumating ang mga kapitbahay ni Alberto sa kaniyang harapan.

"Hoy! saan mo dadalhin ang mga 'yan?" tanong ng isang lalaki.

"A, e, ibinigay ho sa akin ni Alberto ang mga gamit niya, dahil nga ho sa pagiging tapat namin sa paninilbihan sa kanila ay naghabilin siyang kapag may nangyari sa kaniya ay mapupunta sa akin ang laman ng kaniyang bahay," nakangiti siya sa pagsagot sa kanila.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon