ASWANG VS. MULTO
Isinulat ni Alex AscMagkakasama ngayon ang magkakapated sa kanilang bakasyon ngayon sa probinsya.
Hiniling kasi ni Joselito na pagtapatin ang kanilang bakasyong magkakapated upang magkaroon ng bonding.
Minsan lang ito nangyayari dahil puro sila balikbayan.
Tatlo silang magkakapated na pawang nagtatrabaho sa Abroad. Si Joselito na isang engeneer sa Qatar na may tatlo ng anak, si Coralita na isang guro sa australia na may dalawa ng anak at si Marky na isang accounting sa isang fastfood company sa italy at mayroon ng isang anak.
Masaya si Ramonito sa pagkakaipon ng kaniyang mga anak.
Mag-isa lamang si Ramonito dito sa malaking bahay na itinayo ng kaniyang mga anak, dahil matagal ng yumao ang kaniyang asawa.
Inalalayan ni Joselito ang ama kasama ng kaniyang panganay na si Jason. Dahil matanda na at nanghihina na.
"Itay, paano ba 'yan, minsan lang tayo magkakasama ay mahinang-mahina ka pa, paano mo makakalaro ang mga apo mo?" pambibiro ni Joselito sa ama na ikinatawa naman ng ilan.
"Hay naku, kuya. Kung sumama lamang si Itay sa akin hindi na sana nag-iisa 'yan dito," napapailing na wika ni Coralita.
Habang naglalaro at nagtatakbuhan ang mga batang magpipinsan.
Matapos makumpleto ang handa sa hapagkainan ay tinawag na ni Coralita ang mga bata.
"Masaya ako kasi kahit sa edad kong ito ay nakikita ko pa kayo, baka ito na ang huling bakasyon na makakasama niyo ako," malungkot na wika ng matanda.
Malaki rin ang naging sakripisyo ng matanda sa kaniyang mga anak. Napagtapos niya sila sa pamamagitan lamang ng pagsasaka.
Ayaw na sana ni Ramonito na mag-abroad ang mga anak ngunit 'yon ang gusto nila kaya't hindi siya sumama sa alok nilang isama sa ibang bansa. Dahil ang paninindigan niya ay pilipino tayo at dapat sa sariling bansa tayo naninirahan at naninilbihan.
Masayang-masaya ang magkakapated sa salo-salong nagaganap, ngunit wala silang kamalay-malay na may umaali-aligid na grupo ng mga aswang sa kanilang bahay.
Naaamoy ng mga masasamang nilalang ang mga balikbayan. Tumutulo na ang kanilang mga laway at nais na nilang lapain ang mga iyon.
"Ano pa ang hinihintay natin, sugurin na natin sila," bulalas ng lalaki.
Nagsimula silang umakyat sa bahay na iyon, gumagapang na parang gagamba na dumidikit sa mga pader.
Nasa kalagitnaan ng pagsasaya ang pamilya ng biglang magsilundagan sa mga bintana ang mga aswang galing sa haligi ng bahay.
Agad napasigaw ang bawat isa dahil sa paglantad ng mga aswang.
Nagsi-iyakan ang mga bata at niyakap ng kani-kanilang magulang.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 3
TerrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 3 Iba't ibang kuwento ng katatakutan. Bubuoin ko ito hanggang sa umabot ng 15 stories bago ako gumawa ng volume 4 MGA NILALAMAN. 1- Kambal 2- Kamay 3- Kuta ng mga halimaw 4- Apat na elemento 5- Snekki - Babae...