BAGSIK NG MANGKUKULAM

607 17 0
                                    

BAGSIK NG MANGKUKULAMIsinulat ni Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BAGSIK NG MANGKUKULAM
Isinulat ni Alex Asc

"Pagbabayaran mo ang lahat! Isinusumpa ko, hinding-hindi ko kayo titigilan!" asik ni Jullie habang nakaharap sa salamin at pilit inaalala ang mga nakaraang iyon.

Masayang-masaya si Kenneth kasama ng nobya niyang si Jullie habang pauwi ng probinsya nang mga sandaling ito. Labis-labis ang pagmamahal ni Kenneth sa nobya. Seryosong-seryoso siya kay Jullie ngunit madami pang hindi lubos na alam si Kenneth tungkol sa nobya. Mahal din ni Jullie si Kenneth dahil isang huwarang halimbawa ng mabuting tao si Kenneth.

Marahil mag-iisang taon na silang mag-onn. Pareho sila ng pinapasukang paaralan at doon sila nagkakilala.

Minsan natatawa na lang si Kenneth na isiping si Jullie pa talaga ang nag-anyaya upang makilala ng dalaga ang mga magulang niya. Minsan kapag iisipin ni Kenneth ang pangyayari, masasabi niyang love is blind nga. Dahil ang babaeng iniibig niya ay unang dumiskarte at naging secret admirer pa niya. Samantalang hindi naman siya kaguwapuhan. Tanging kabaitan lamang ang maaari niyang maipagmalaki mula sa sarili. Napakalambing ng babae rito kaya't tiwalang-tiwala siya sa pagmamahal ni Jullie sa kanya.

Nakaupo sila sa pinakadulo sa loob ng bus.

Mainit ang sikat ng araw at mabilis ang takbo ng bus. Habang si Jullie ay may kung anong nakaraan ang naglalakbay sa kaniyang isipan.

"Huwag mo akong iiwan, maawa ka sa akin," pagsusumamo ng babae sa lalaki.

"Tama na, Merasol! Babalikan ko na ang pamilya ko. Tapusin na natin ang relasyong ito," sambit ng lalaki.

"George, nangako ka sa akin! Sinabi mo na hindi mo na siya babalikan. Sumumpa ka sa akin, hindi mo na ba natatandaan?" Habang pinipigilan ng babae ang lalaki.

"Patawarin mo ako, sumubok ako, ngunit hindi ko kinaya." At humahakbang nang palabas ng pinto si George.

Naimulat ni Jullie ang mga mata mula sa tapik ng kaniyang katipan.

"Babe, kanina ka pa tahimik diyan?" Habang nasa tabi ng bintana si Jullie at may suot na malaking sunglass, para pamproteksiyon niya sa araw. Dahil sa suot na salamin ay hindi napansin agad ni Kenneth na lumuluha na pala ito.

"Ahm, okay lang ako," tugon niya habang nagdadahilan.

Inakbayan ni Kenneth ang nobya at sumandal naman si Jullie sa dibdib ng kasintahan.

"Matutuwa ka doon. Makikilala mo si Inay at Itay. Mababait sila, at ang pinakamasaya ay siguradong mag-e-enjoy ka sa probinsya, sariwa ang hangin at malawak ang bukirin," pagkukuwento ni Kenneth. Nais lamang ibsan ni Kenneth ang wari'y pighating dinadala ng nobya.

Hindi na bago kay Kenneth ang kakaiba sa kaniyang siyota. Ngunit wala namang inaamin ito. Kaya't hindi na rin namimilit pa si Kenneth.

Pagdating ng probinsya ay pumara na ang bus sa terminal. Bumaba sila't sumakay ng traysikel patungo sa baryo nila Kenneth.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon