SNEKKI (BABAENG AHAS)

723 24 0
                                    

SNEKKI (BABAENG AHAS)By Alex AscHorror & FantasySUPERHERO story

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SNEKKI (BABAENG AHAS)
By Alex Asc
Horror & Fantasy
SUPERHERO story.

*-*

Hindi niyo na kailangang
umiyak sa tabi.
Hindi niyo na mararanasan
ang pighati.
At hindi na kayo luluha
sa pag-ibig muli.
Nandiyan na si SNEKKI
ang inyong magiging kakampi
Ang makikinig sa boses
ng mga babae
laban sa mapang-abusong lalaki.
Ang bukod tanging maghihiganti
Walang iba, kundi si Snekki.

Sssshhhh...

Kasalukuyang nasa loob ng motel ang dalawang magkasintahan. Namimilit ang lalake sa nais gawin sa babae, ngunit mukang hindi pa handa ang babaeng ibigay ang pinakatatanging yaman niya sa lalaking kaharap.

"Sige na, maghubad ka na." Habang itinataas ng lalaki ang damit ng babae pero pinipigilan ng babae. Pagkalipas ng ilang sandali ay kumawala ang babae.

"Lintik naman o! May pasok pa ako tapos naubos ang oras ko sa iyo!" Galit na ang lalaking tumayo at inabot ang yosi at sinindihan.

"Eh, Alfred. Hindi pa ako handa, e." at namumula na ang mga mata ng babae dahil nais nang lumuha.

"Ano ba, Jenny. Hindi ka na bata! bakit ayaw mo ibigay ang nais ko, kung mahal mo ako paliligayahin mo ako!" At sinapak ang katabing pader.

Nagulat naman ang babae at umiyak.

Nahimasmasan ang lalaki at lumingon sa Nobya.

Pero bigla na lamang sumulpot ang napakagandang binibini na mala-diyosa sa ganda.

Hindi na magawang kumurap ng mga mata ng lalaki sa lubos na pagkabighani.

Naglakad ang magandang babae at tumigil at humarap sa lalaki.

"Miss, magkaano ka? a, e. Ang ibig kong sabihin... ang ganda mo," humahangang wika ng lalaki.

"Bakit mo ipinagpipilitan ang ayaw ng babae. Dahil sa ginagawa mo, mananagot ka sa akin!" Nagulat naman ang lalaki sa tinuran ng babae.

Sa isang iglap lamang ay biglang lumabas ang panuklaw ng babae at napasigaw ang lalaki.

"Ah!!! Demonyo!" at tumakbo patungo sa pintuan ngunit lumundag sa kisame ang malaking ahas habang labas ang panuklaw tungo sa lalaki.

Pinipilit buksan ng lalaki ang pinto pero ayaw magbukas. Napatingala sa kisame ang lalaki at ganoon na lamang ang hilakbot niya sa nasilayan. Isang malaking ahas na wari isang malaking butiki na nakadikit sa kisame.

Tumalon ang ahas sa lalaki at pinuluputan ang lalaki. Pinagtutuklaw at hindi tumigil hanggat hindi nasisipsip ang madaming dugo. Humandusay ang lalaki sa sahig.

Lumapit ang babaeng wari modelo kung maglakad sa babaeng nakaupo pa rin sa kama habang sindak na sindak.

"Huwag ka ng umiyak. Nararapat lang sa kaniya iyon, dahil manloloko 'yon. Nais ka lang niyang ikama, matapos ay iiwan," paliwanag ng babae sa isa pang babae.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon