KAGAT - DAGA

524 20 0
                                    

KAGATIsinulat ni Alex Asc

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KAGAT
Isinulat ni Alex Asc

EPISODE 2 - DAGA

Sinusuyod na ng anim na lalaki ang malaki't luma at abandonadong hotel na pinaniniwalaang pinamumugaran raw ng mga multo.

Ang anim na magkakaibigan na sina; Joebert, Wensly, DM, Almer, Nel at Robi ay pawang magkakatrabaho mula sa isang sikat na TV network sa bansa. Sila ay mga ghost hunters at nais nilang gawaan ng show ang sinasabing multo sa lugar na ito.

May kaniya-kaniya silang tinataglay. Si Joebert ang namumuno at bumuo ng team nila na may malawak na kaalaman tungkol sa iba't ibang kababalaghan sa mundo. Si DM 'di umano'y may 3rd eye na nakakakita ng kaluluwang ligaw. Nakakaramdam naman ng mga 'di maipaliwanag si Nel. Si Arnel naman ang nakakapag-commuicate sa kaluluwa upang gamitin ang kaniyang katawan, sa madaling salita ay sinasaniban. Si Wensly ang cameraman at Reporter naman si Robi. Puro sila taga maynila.

Dahil sa nakalap nilang imformation tungkol sa mga multo sa hotel na ito ay 'di sila nag-atubili na kunan ng report ang naturang lugar.

Hindi na sila nakapagpaalam sa may ari dahil nasa ibang bansa na raw ang nagmamay-ari ng hotel. Pinabayaan umano ang hotel at matagal na raw itong abandonado. kaya't nagmukang kuta raw noon ng mga adik at ngayon naman ay mga multo raw. Kaya walang masyadong pumupunta sa hotel na ito dahil kinatatakutan na ng lahat.

Madali nga lang nakapasok ang anim dahil bukas ang main door.

Mabaho ang kapaligiran at marumi ang lahat ng natatamaan ng kanilang mga mata. Kung hindi lang dahil sa trabaho malamang lumabas na sila.

"Mga pare, wala akong nakikita rito, mararating na natin ang ikalawang palapag," wari pagrereklamo ni DM.

"Ako nga, wala rin nagpaparamdam sa akin," sambit ni Nel.

"Maghintay lang kayo, hindi na kayo nasanay sa trabaho natin eh!" kunwari segundo ni Joebert sa kanila.

"Ang baho naman kasi rito, Boss. eh!" tugon naman ni Almer.

Nakarating sila sa pangatlong palapag, pero ganoon pa rin, madilim lang na kapaligiran na tanging tanglaw ay ang mga dala-dala nilang flashlight.

"Magpahinga mo na tayo," wika ni Joebert.
nakahanap sila ng bukas na silid na wari malinis pa kaya't nagpasya silang magpahinga.

"May nakatira siguro rito," sambit ni Robi.

"Tama, pero ayos lang, kasi kapag dumating siya, kausapin na lang natin sa ating pakay, kung magagalit dahil na tresspassing... ay babayaran na lang natin. Total tresspassing din siya dahil hindi niya pagmamay-ari ang hotel," wika ni Joebert.

Nagtataka man sila dahil paano natitiis ng taong 'yon ang manatili sa ganitong lugar ay ipinagkibit balikat na lang nila.

May nakalagay na gitara sa loob ng silid at sakto dahil marunong magpatugtug si Almer. Samantalang maganda ang tinig ng ilan. katulad ni DM at Nel. Napagkatuwaan nilang kumanta muna upang pantanggal pagod. Total wala pa naman rito ang taong nakikitira rito.

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon