KAGAT
isinulat ni Alex AscEPISODE 1 - BAMPERA
Malungkot ang mga sandali ng buhay ni Alberto. Matapos niyang pigilan ang sariling pamilya 'ukol sa pambibiktima sa mga tao at dahil doon ay itinaboy siya ng sariling angkan.
"Bakit mo kami pinipigilan? Hindi mo ba naiisip na ang mga tao ay kalaban na ng ating lahi, at sila rin ang unti-unting umuubos sa lahi nating mga bampera," ito ang segunda ng kaniyang panganay na anak laban sa kaniya.
Si Alberto ay nasa edad 45 na rin. Isa siyang bampera. Namana niya mula sa kaniyang amang espanyol ang pagiging bampera. May tatlo ng anak na lalaki si Alberto na puro malalaki na.
Noong una ay naninirahan sila sa pilipinas, sa kanilang probinsya ngunit dahil sa pagiging bampera ng kaniyang mga anak at natuto ng mamiktima ng mga mortal ay napagdesisyonan niyang lumikas at dalhin ang mga anak sa london, na kalahating lugar ng kaniyang amang espanyol kung saan naroroon ang marami nilang kalahing bampera.
Pinilit niyang pagbawalan ang mga anak na huwag papatay ng mga tao noon, sa halip mga hayop na lang ngunit hindi niya sila napigilan. At dahil alam niyang nanganganib sila ay dinala na nga niya ang mga ito sa london. Kahit papaano maaaring makaiwas ang mga anak sa kapahamakan, dahil marami silang kauri roon. Malakas ang puwersa ng mga bampera roon hindi tulad dito sa pilipinas.
Hindi namimiktima ng mga tao si Alberto, pinagtitiisan niya ang mga hayop ngunit dumating sa puntong naging hadlang siya sa kanilang lahi.
Pinakawalan niya ang ilang nakareserbang mga taong pagpipistahan ng mga bampera at dahil sa kaniyang ginawa ay itinakwil siya ng angkan ng mga bampera paalis sa territoryo nila, pati mga anak niya ay nagsalita ng masasakit na kataga sa kaniya.
"Wala kaming amang kayang ipahamak ang kaniyang mga anak!" Asik ng kaniyang panganay.
"Huwag ka ng babalik rito!" singhal ng kasunod.
"Kapag nagtuos ang ating landas muli, huwag ka ng aasa pang lilingon ako sa 'yo!" bulyaw ng ikatlo.
Sadyang masakit para sa kaniyang damdamin iyon. Wala na silang pagmamahal sa kaniya ni katiting.
Masakit man na iwanan niya ang sariling mga anak ay napilitan siya dahil kusa nilang itinaboy si Alberto.
Napapaluha si Alberto sa mga alaalang iyon. Ngayon mag-isa na lamang siyang mamumuhay sa probinsya.
Kagagaling lang niya ng London, hndi pa nga siya tuluyang dumarating sa sariling bahay sa kanilang probinsya, dito sa pilipinas.
Kasalukuyan siyang sakay ng taxi pahatid sa kaniyang tahanan.
Malungkot na alaalang bumungad sa kaniya ng buksan niya ang lahat ng ilaw sa mala-mansion niyang buhay.
Malaki ang bahay na ito na minana pa ni Alberto sa kaniyang ina at punong-puno ng mga iba't ibang malalaking antik na koleksyon, mga furniture at ilang appliances.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 3
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 3 Iba't ibang kuwento ng katatakutan. Bubuoin ko ito hanggang sa umabot ng 15 stories bago ako gumawa ng volume 4 MGA NILALAMAN. 1- Kambal 2- Kamay 3- Kuta ng mga halimaw 4- Apat na elemento 5- Snekki - Babae...