ATAKI NG PANIKI
Ni Alex AscHindi pa rin mawala sa isip ko ang nasa headline ng diyaryo tungkol sa mga batang nawawala. Talamak daw ang pangingidnap upang ibenta ng sindikatong grupo ang mga lamang-loob.
Napasulyap ako sa anak ko, kailanman hindi ko nanaising mangyari iyon sa kaniya.
Kasalukuyan akong nagmamaneho at binabagtas ang malawak na desiyerto. May ilang bahagi ng mga kuweba at gubat sa dulo. Ito talaga ang daanan papunta sa probinsya namin ngunit matagal na panahon na akong hindi nakakadaan dito, dahil sa pamamalagi ko sa abroad. Anim na taon din bago ako nakauwi sa bansa.
"Kuya Russel, na-miss mo siguro dito sa Pilipinas," paumpisa ni Roldin, ang nakababata kong kapatid na nasa likuran.
"Siyempre naman, lalong-lalo na kayo nila mama." Ngumiti ako sa kaniya at lumingon sa mahal kong asawa at anak.
Apat na taon na si Russien, ang anak kong lalaki na isinilang pa sa Dubai. Hawak siya ng pinakamamahal kong asawa na si Deseree.
"Mahal, mainit din pala dito, 'no? Parang Middle east lang," pagpansin ng asawa ko habang nagmamasid sa aming dinaraanan.
"Siyempre, nasa desiyerto tayo," tipid kong sagot na sinundan ng ngiti sa kaniya.
Nasa punto na ako ng aking buhay na lubos ang kaligayahan. May maayos na trabaho, maganda't butihing asawa at pinakamamahal kong anak. Wala na akong mahihiling pa. At pinapangako kong mananatili akong mabuti sa kanila.
Sinundo kami ni Roldin gamit ang sasakyan niya sa airport at dire-diretso ang biyahe namin dahil sa sabik na akong makita si Mama at Papa.
Nasa ganoon lang kaming lagay nang mamataan namin ang makapal na ibon sa kalangitan. Wari'y sumusugod sila at---dito sila patutungo sa amin?
Ilang saglit lang ay narating nila kami at pinagbubunggo ang buong paligid ng sasakyan.
Dahil sa dami nila ay halos hindi ko na makita ang tamang daan. Hindi ko malaman kung ano ang naging kasalanan namin sa kanila.
Sumisigaw na ang anak at asawa ko, takot na takot sila sa mga nagaganap. Saka ko lang namataan na hindi ibon ang naghahasik sa amin kundi ang mga paniki.
"Roldin, ano 'tong mga 'to?" malakas kong tanong.
"Hindi ko alam, kuya," natataranta niyang sagot.
Umiiyak na nang malakas ang mag-ina ko, hanggang sa nahinto ang sasakyan dahil mukhang lumulubog sa buhangin. Naiba ang direksiyon ko dahil sa mga paniking ito.
Lumapit sa akin ang mag-ina ko at niyakap sila.
Nagulat na lamang kami nang mabutas nila ang mga salamin. Nasira nila ng tuluyan. Makapal na paniki ang humila sa asawa't anak ko palabas.
Pinipilit kong manlaban sa mga humaharang sa akin at kumakagat sa akin.
Ayaw kong hayaang masaktan nila ang asawa't anak ko, ngunit wala akong nagawa. Napuno ng sugat ang mukha at mga kamay ko bago ako lubayan ng mga paniki.
BINABASA MO ANG
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 3
HorrorMGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 3 Iba't ibang kuwento ng katatakutan. Bubuoin ko ito hanggang sa umabot ng 15 stories bago ako gumawa ng volume 4 MGA NILALAMAN. 1- Kambal 2- Kamay 3- Kuta ng mga halimaw 4- Apat na elemento 5- Snekki - Babae...