If we meet again - 13

792 33 6
                                    


Pag dilat ng mga mata ko, bakit ganito? Bakit andito ako? Tiningnan ko yung paligid, puti. Nilibot ko mga mata ko, hindi ko pa maibuka ng maayos everything is blurry pero naaninag ko may nakahiga sa sofa bed.

"Ma?" my voice cracked pa, wow. Bakit ganito? Bakit nag end up ako dito? Kailangan ko ng tubig.

Nakita ko naman si Mama na napatayo, i pointed the side table beside me. Andon kasi yung tubig, kailangan kong makainom. Uhaw na uhaw ako, para akong tatlong araw hindi uminom.

Mom knew where i'm pointing kaya she immediately grabbed the water then slowly came to me and pinainom ako.

After non, ilang segundo ata ako nakatulala. Di ko din namalayan na nakalabas na pala si Mama at tumawag na ng mga doctor.

"I'm glad you're awake now, Ms. Garcia!" salubong sakin nung Doctor, i raised my eyebrows naman. Awake? Kelan pa ba ako andito?

"Almost 3 days ka rin unconscious, well di naman totally, more like tulog ka ng tulog? Effect kasi yan ng mga gamot mo na inintake mo before, plus di ka dapat mapagod or umiyak ng malala"

"It's okay naman, di naman tayo dapat ma-alarma, i suggest lang talaga na wag ka mapagod ng sobra or makaencounter ng anything that will keep you break down. Kasi may tendency na mangyari ulit. Ang worst scenario is tuluyan ka ng matulog. We wouldn't want that to happen" Habol niyang sabi, wala talaga akong naiintidihan sa sinasabi niya, kailangan ko lang malaman kung nasan si Juan, kasi parang kahapon lang nasa simbahan kami. Parang kahapon lang, nagpapaalam siya sakin.

"Ma, what happened?"

"You passed out anak, tapos eto mag 4 days kana dito. Tulog ka lang ng tulog sa 3 days na yon. Nagigising ka man, di ka namin makausap kasi parang wala ka sa sarili. Iinom ka lang tapos kain onti tapos matutulog ulit. Ganon cycle mo"
sabi ni Mama habang inaayos yung kumot ko.

"Asan si Juan, ma?" Napatigil siya.

"Nak, ang daddy mo pala pasunod na dito. Pinabili ko lang siya ng food natin sakto gising kana. Ano gusto mo?"

"Wag mo na ilayo yung usapan natin ma" Naiiyak kong sabi.

"Asan si Juan?"

"Buhay ba si Juan, ma?"

"Ano nangyari sa kanya, please tell me he's okay, tell me he's alive. Tell me, ma. " I paused, i'm crying again. Pag dating kay Juan, napakababaw talaga ng luha ko. "kasi parang kahapon lang, hinatid ko siya sa huling hantungan, nag wave pa siya sakin saying good bye, ayokong maniwala, ma"

"please ma, it's not good for my health, just tell me" I begged.

"Nak... i'm sorry. Mas mabuti ikaw ang makakita pag labas mo ng hospital. I don't have the right" She hugged me, ramdam ko naman. Sana okay siya.

I'm crying nonstop na naman. Si mama nakayakap lang sakin. Bakit kasi hindi niya pa sabihin? Kung buhay o hindi? Napakadali lang naman ng tanong ko. Kahit sino masasagot, gusto ko lang naman malaman kung totoo ba o panaginip lang yun.

Sana okay lang siya, sana hindi totoo yun. Sana okay silang dalawa ni Ricci, kasi kung may isa na nawala sa kanila baka hindi ko kayanin. Mahal na mahal ko yung dalawa na yon.

Lalo na si Juan. Kung kelan naman makikipag ayos na ako at willing na ako pagusapan lahat lahat saka naman kami ginagago ni tadhana. Parang hindi talaga siya sang ayon samin. Nakakapagod pero kinakapitan ko.

Tiningnan ako ni Mama, she smiled and wiped my tears and said:

"But one thing is for sure, he's out there waiting for you."

————
kalma lang, love ko kayong lahat 😅

Til' We Meet Again, Uno.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon