Chapter 2 ♥

3.5K 99 26
                                    

Chapter 2: K E N COHINA'S POV

Gabi. Nasa kwarto ni Neo kami ni Anggag. Kumakain ng prutas si Neo habang nakaupo sa King-sized na kama niya gagap ang kulay lilang laptop na nakasampa sa kanyang mga binti. He was leaning against the Headwall of his bed. Tama kayo. Mayaman talaga itong si Neo. Businesswoman ang Mom niya na ngayo'y nasa ibang bansa nakikipag-negosasyun. Mahusay na Chef naman ang Ama niya. Daddy niya lang saka yung mga Maid ang kasama niya dito sa ala-mansiyong bahay na ito pero I think okay lang naman sa kanya dahil hindi naman sila pinapabayaan ng Mom niya.

Katabi ko si Neo habang ako'y baligtad na nakahiga sa kama. Nasa may paanan niya 'yung ulo ko habang inaamoy ang mababaho niyang paa na tila bagoong na ilang dekada ng hindi ginagalaw kaya namulok. Joke lang. Tinitigan ko lang 'yung kwentas na napulot ko sa may Hallway kanina. Sino ba talagang may-ari ng Necklace na 'to at bakit nacu-curious ang kuya n'yo?

Nabaling 'yung mata ko kay Anggag na noo'y nagf-fb sa PC ni Neo nang nagsalita siya, "Guys, nag-change na ulit ako ng profile picture. Like n'yo , ah. Tapos comment kayo do'n ng 'Kagwapo ni Anggag' o di kaya 'Bobo nga si Anggag pero kyut naman fes niya', ha? Please."

"Famewhore," komento ni Neo.

"Aba. Hindi ba kayo na-orient na famous itong kaibigan n'yo na 'to? Baka gusto niyo tanungin kung nakailang likes 'yung profile ko dati?" pagyayabang ni Anggag. Mukhang may ikakabuga siya sa tono ng pananalita niya.

"Ilan nga ba?" sabay tanong namin ni Neo.

"3 likes in just one week. Hah!" Proud niyang sabi, "Dati 1 like lang yung profile ko kahit buwan na ang lumipas. Pero ngayon kayang kaya ng mag-three," pagmamataas pa niya. Sinuntok-suntok ni Anggag 'yung kaliwa niyang dibdib gamit ang kanan niyang kamay sabay halik sa dalawang daliri nito. "Kabahan na si James Reid!" dagdag pa ni Anggag. Sabay na bumulalas ng tawa kaming tatlo.

Malalim na ang gabi ngunit nagtatawanan pa rin kami sa loob ng kwarto ni Neo. Marahil kami na lang 'yung gising at maiingay sa mga oras na 'yun. Ganito talaga kami kasaya 'pag magkasamang tatlo. Kahit may problema tinatawanan muna namin iyon saka na pinoproblema. Nakakatawa talaga 'tong kagaguhan ni Anggag.

Nahinto lang kami sa pagtawa nang marinig namin ang tatlong katok na iyon mula sa likod ng pintuan ng napakalaking kwarto ni Neo. Sinabihan ni Neo ang Maid na nakabukas lang ang pinto kaya pumasok ito ng dahan-dahan saka iyon marahang isinara. Humarap sa amin ang medyo may edad na na lalaki. Kadalasan talaga sa mga Maid lalaki. Dinadala nito ang kulay berde at pulang Tray na dinadaganan ng iba't-ibang klase ng miryenda tulad ng Hopia, Cookies, Lala Chocolates at iba pa.

Nahinto ako sa pagpulot ng grapes mula sa plastik na mangkok na hawak-hawak ni Neo pagkatapos masuri ang nilalaman ng Tray. Nag-heart 'yung cute eyes ko pagkatapos makita ang nagabundok na mga snacks na 'yun.

"Kumain muna daw kayo, Hijo, utos ng Dad mo. Siya nag-bake nitong Cookies." ngiti ng Maid sa amin. Palagi lang itong nakangiti na tila walang problema sa buhay.

"Woah salamat po." Agad na sagot ni Anggag. Ang bilis niyang nakalapit sa Maid. Tinalo niya si Flash. "Ang sarap nito!" kumuha siya ng isang piraso ng cookie at walang sabing linamon ito. Natawa naman si kuyang maid sa kanya. Nagpaalam ito sa amin at sinabing tatapusin niya lang daw 'yung ginagawa niya sa banyo. Napatanong tuloy ako kung anong ginagawa niya sa banyo. Naku, dirty minded pa naman ako.

"Ang sarap ng cookies. Ang sarap naman talaga mag-bake ng Daddy natin Neo," papuri ni Anggag. "Joke! Daddy mo lang pala. Hehe." revised, Anggag. Agad namang nag-thank you si Neo sa papuring iyon ni Anggag na famous daw kahit hindi naman. Iniwan na nito ang gamit-gamit na PC kanina saka sinamahan kami sa kama upang lantakan ang pagkaing hinatid ng Maid na masayahin na tila walang problema sa buhay.

Reversed Universe (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon