Chapter 3 ♥

1.1K 70 10
                                    

Chapter 3:     A N G G A G GUMO'S POV

Ang famous ko talaga. Biruin niyo 'yun? Kagabi ko pa pinost 'yung profile picture ko tapos may 2 likes na. Ayus, ah. Improving na ang famous na si ako.

Pumara ako sa sinasakyang tricycle saka bumaba. Sinabihan ko pa 'yung driver na i-like nya prof pic ko para times 2 ang ibabayad kong pamasahe sa kanya sa susunod. Aba, 'yung gaga ang bilis tumango. Mukha talagang pera 'yung Aleng driver na 'yun.

Naglakad ako at pumasok sa Washington University.

"Good morning," bati no'ng guard sa akin. Inirapan ko siya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Famous ako kaya dapat mahilig akong mang-seen. Dapat sini-seen ko lang 'yung mga taong hindi ko close. Aba, ang swerte naman nila kung kakausapin sila ni Anggag famous, ano.

"Hoy, Anggag!" nasa may gate pa lang ako pero may tumatawag na agad sa name ko. Hay, wala na akong ma-say. "I'm talking to you, Anggag! Where's your etiquette?" patuloy na bulyaw no'ng lalaki nang mapansin nitong hindi ko ito pinapansin. Nakakainis talaga 'tong mga taong 'to na kapag nakikipag-usap sa 'kin eni-english ako. Nakakainis.

"Famous ako kaya dapat deadmahin ko mga haters ko." ganti ko sa kanya. "Atsaka, kapag kinakausap mo ko h'wag mo 'kong englishin. Hindi rin tayo magkakaintindihan kung ganun." Nagpatuloy ako sa paglalakad matapos talikuran ang lalaking umeenglish na hindi ko alam kung minumura ba ako o ano.

"Hahahaha! You're so fool, Anggag." pagsasalita niya sa likod ko. Sinusundan ako ng gago. "Saka anong kagaguhan 'yang pinagsasabi mo na famous ka. 3 likes lang naman 'yung dati mong profile picture tapos ikaw, 'yung lola mo at lolo mo lang yung naglalike."

"Gago ka rin. Wala ka ng pakialam do'n. Your just insecured!" sagot ko sa kanya. Oh diba, akala niyo hindi talaga ako marunong mag english? Well, nagkakamali kayo. I'm knew it on the first please. "At isa pa. Ba't sakin ka naghahanap ng pool. Resort ako? Resort ako?" nag-iinit ang ulo ko ngayon. May mens kasi ako.

Humagalpak naman ng tawa ang lalaking kausap ko na si Vincent. Isa siya sa mga kaibigan nina Enzo na ako ang palaging pinagtitripan at kinakausap gamit ang english. Alam kasi ng walking stick na 'to na hindi ako nakakaintindi ng english. Konti lang.

Binilisan ko paglalakad ko para iwan ang noo'y tumatawang Stick na Vincent na 'yun. Walking stick lang siya kanina dahil sa payat, ngayon laughing stick na siya. His improved.

Dumaan ako sa may Parking Lot. Nakita ko si Mary Garciano na papalabas pa lang ng kotse niya. Halatang bagong dating pa lang. Namangha ako saglit. May Car si Mary!

Dumaan naman ako sa maliit na harden ng campus. Wala medyong tao sa lugar na 'to kaya dito ako dumadaan. Gusto ko 'yung walang tao para hindi ako dudumugin ng mga girls. Ang hirap kasing talaga lalo na 'pag nanghihingi sila ng autograph saka nagpapapicture sa akin. Idagdag pa natin 'yung requests nilang Pond signs.

Ay, wait. Pond signs ba 'yun? Or Fun signs? Ay basta. Magkaparehas lang sila.

"Pst,"

Narinig kong may nag-Cat call sa akin. Napatingin ako sa gawing kaliwa kung saan may babaeng nakaupo doon sa bench. Pangit siya to be a nest. Nandiri ako nang ako'y nginitian niya. Yak.

"Hi, Anggag."

Ngayon ko lang nasilayang may dala siyang chocolates saka bulaklak. Kinunotan ko siya ng noo tapos tinanong kung anong pauso niya. Sabi niya liligawan niya daw ako. Hays, ano bang bago sa buhay ko? Sanay na 'ko sa ligaw-ligaw na 'yan. Halos araw-araw, iba-iba 'yung nangliligaw sa akin. Wala naman akong nagustohan sa kanila dahil wala silang Car. Oo kotse. 'Yan lang hinahanap ng isang famous sa isang babae. Car.

Reversed Universe (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon