Chapter 7 ♥

740 48 5
                                    

Chapter 7: N E O BUSTAMANTE'S POV

Hinila ko paitaas ang manggas ng puting uniporme ko upang masulyapan ang Timex kong relo. Alas sais pa lang ng umaga. Maaga akong pumunta sa school dahil ngayon ko sisimulan ang mga planong napag-isipan ko kahapon. Hmm. Tignan lang natin kung makakaya ng gagang Mary na 'yan lahat ng gagawin ko sa kanya. Hihihi.

Humagikgik ako ng tawa mag-isa sa Parking lot dahil sa mga naiisip ko. 'Di ko namalayang may estudyante palang dumaan.

"Baliw," sabi niya. Sumingkit naman ang mga mata ko.

"Pakyu ka," ganti ko. "Matalino lang ako," I rolled my eyes. "Atsaka shufo."

Gumanti rin siya at inirapan ako, "H'wag ka umasa. Masasaktan ka lang." he preached.

Sinamaan ko ng tingin ang estudyante at pinatay sa isipan ko. Iaangat ko pa sana ang scooter ko upang isampal sa pagmumukha niya. Pero swerte siya at nakaalis siya agad.

Hinarap ko na lang ang scooter kong motor. Binuksan ko ang upuan nito upang kunin ang papel na importante sa plano ko. Napapangisi ako habang sinusuri ang Study Load ni Mary. Humingi ako nito kahapon sa Registrar. Tanong ng tanong ang clerk bakit ko daw hinihingi ang schedule ni Mary. May pagnanasa ba daw ako sa kagandahan niya. 'E saang banda maganda siya? Mas naiinis ako sa kagagahan niya. Hayop na clerk 'yung nakausap ko inaasar ako na crush ko daw si Mary. Muntik ko tuloy siyang mabatukan gamit trashcan. Pero pasalamat siya kahapon nawala 'yung inis ko sa kanya pagkabigay niya ng Study Load sa akin.

I gazed at my watch. 6:37 na ng umaga. Kailangan ko ng magsimula.

First Plan: Nails.

Plano kong lagyan ng matatabang pako ang sahig ng parking lot kung saan lagi pumepwesto ang sasakyan ni Mary. Malapit nang mag-a-alas syete kaya dapat mas bibilisan ko ang trabaho ko.

Kinuha ko sa bag ko ang ginunting ko na bulsa ng stufftoy ko na si Doraemon. Balita ko lahat daw magkakasya sa bulsa niya kaya iyon ang ginamit ko. 'Yung maliit niyang pocket ang ginamit kong sisidlan sa mga gamit na gagamitin ko ngayong araw. Infairness effective naman dahil nagkasya nga lahat.

Hinila ko palabas mula sa maliit na Doraemon Pocket ang isang balde na punong-puno ng matatalim na pako. Malademonyo na ako'y napangisi habang sinusuri ang sandamakmak na pakong bubutas mamaya sa gulong ng kotse ng bastos na nga mukha pang pokpok na si Mary. Chos.

Kawawa nga siya pero wala akong awa sa kanya. Evil laugh.

Tinalo ko si Flash sa bilis ng paglagay ko ng Nails sa Parking Block ni Mary. Unti-unti na ring nagsidatingan ang mga schoolmates ko. May napapatingin sa gawi ko saka nagbubulungan sa mga kasama nila pero deadma lang ang peg ko sa kanila. Tinatalikuran ko lahat ng dumadaan at hinayaang ang puwet ko kumausap sa kanila. Narinig ko pa nga nagreklamo ang puwet ko na wala raw siyang nakikitang shufa. Kadalasan daw mga mukhang puwet. Aba nagsalita ang puwet ko.

Tumingin uli ako sa relo ko. Alas syete na nang magtago ako sa may sulok ng Parking Lot. Sumisilip ako sa labas upang sulyapan kung dumating na ba ang Ex kong gaga. At maya-maya'y dumating na nga siya. I smirked. Goodluck!

Hindi ko matanggal-tanggal sa mga labi ko ang napakalaking ngising nakahulma. Tila kinikiliti ako ng demonyo sa likod ko. Malaki ang ngiti ko sa labi habang pinapanood na dahan-dahang ginagapang ng kotse ni Mary ang gawa kong patibong. Hindi nito namamalayang may mga pako sa sahig ng Block niya. Iniluwa ng kotse ang gagang amo niya dala-dala ang bag pagkatapos huminto. May konting ngiti sa mga labi ni Mary na tila good mood siya sa mga oras na 'yun. Ha-ha! Sorry siya pero mamaya masisira na ang araw niya. Three evil laughs.

Lumapit ako sa kotse paglabas ni Mary ng lot. Napapahalakhak ako na parang tanga ba, habang namamalayang unti-unting nawawalan ng buhay ang mga gulong ng kotse niya. And because my first plan was mission accomplished, let's go to my next evil-blended plan.

Reversed Universe (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon