Chapter 6 ♥

1.4K 54 15
                                    

Chapter 6: K E N COHINA'S POV

Tapos na ang klase namin today. Hapon na nang maglakad ako papuntang court. Practice na naman nina Neo at Anggag ngayon. Hindi ko talaga alam ba't araw-araw sila pinapa-practice ng coach nila. Bakit ba 'pag 'di sila nakakapag-practice? Nawawala ba 'yung skills nila? No, it's not. Hindi naman ganun ang laro ng isang player. Ang definition ko sa pagiging isang magaling na manlalaro is kung gusto mo ang laro o nagugustuhan mo ito at lilipas ang ilang years na hindi mo ito nilalaro, still your skills are there. The game is your heart, so the skills must be your blood. Shunga talaga ang kalbo nilang Coach. Wala na ngang buhok, wala pang utak.

Nakangisi akong naglalakad habang nakatitig sa phone ko. Tini-textmate ko kasi si Kaye at hindi ako nagpakilala sa kanya bilang Ken. Nireplyan naman niya ako kaya kahit papa'no kinukurot ako ng kilig.

"Hello, sino 'to?" pagbabasa ko sa reply ni Crush. Namamangha ako habang binabasa ko ang message niya, "Ihhhhhh. Nagreply siya!!"

May dumaan sa harap kong estudyante habang kinikilig ako kaya nasampal ko sa pagmumukha niya 'yung dala niyang logbook na makapal. Nagulat naman siya saka napa-aray. Nakita ko pang nagsitalsikan 'yung mga kulangot niya tungo doon sa babaeng umiinom ng juice. Nagreklamo naman ang estudyanteng nasampal ko dahil dinadamay ko daw siya sa kashungahan ko 'e kasalanan ko bang may dala siyang notebook habang kinikilig ako? Sana hollowblock na lang 'yung dinala niya para di na siya magreklamo pa. May sayad ata siya, e.

Binaling ko ulit sa phone ang mga mata ko matapos umalis ang estudyante sa harap ko. Todo reklamo pa ang gago sa gwapong si ako pero pinakyuhan ko lang siya kaya wala na siyang nagawa at umalis na lang.

Nabablanko talaga ako 'pag si Kaye ang kausap ko harap-harapan pero ngayon ko lang nalamang pati din pala sa text hindi ko alam kung anong ire-reply ko sa kanya. Punyemas. Wala akong maisip kaya hinablot ko 'yung baso ng juice na iniinom ng babae saka iyon tinungga upang makapag-isip-isip.

"Secret lang hindi ko sasabihin. Crush na crush po kita no'ng highschool pa lang tayo kaya nahihiya ako sayo, Idol. Hihihi. O(∩_∩)O"

Tama kaya 'tong message ko sa kanya? Napaisip ako. Bahala na nga. Hindi naman niya malalamang ako ang nang-textmate sa kanya, e.

Nasa may gilid pa ako ng quadrangle naglalakad. Maraming grupo ng mga babaeng tambay na nakaupo sa benches sa ilalim ng mga puno ng langka sa mga oras na 'yun. Nakatitig lang ang ulo ko sa phone ko habang tine-textmate ang number ni Kaye. Sinusubukan naman ng mga walang respetong babae na kunin ang atensyon ko.

"Hi, Ken!"

Noong una deadma ko lang si ateng bastos nang tawagin nito ang pangalan ko. I scanned her by the end of my eyes. Pag maganda, admirer. Pag pangit bastos. At nalaman ko ngang bastos talaga si ate. Nakangisi pa ang gaga habang hinihintay ang pagsagot ko kasama mga kaibigan niyang nakaupo sa kalawanging bench. Swerte si ate at tini-textmate ko si Kaye sa mga oras na 'yun dahil baka nangudngod ko na pagmumukha niya sa kanal. Swerte siya at kinikilig ako sa mga oras na 'yun.

Nag-vibrate ang phone ko kaya agad akong napangisi habang binubuksan ang message.

"Ah, talaga? Salamat naman sa iyo at idol mo ako. :)"

Waaaaah! Para akong timang sa kakangisi dahil kinikilig na naman ako. Nag-reply ulit si Kaye! Nasipa ko tuloy ng malakas 'yung bahay ng mga langgam na nakatayo sa may gilid dahil sa kilig. Nagsitalsikan ang sand na bahay ng mga langgam tungo doon sa mga tambay na nambastos pero dineadma ng bida kanina.

"Tangna mga langgam!" dinig kong sigawan nila. Hindi ko iyon napansin dahil kinikilig pa din ako. Teka anong sunod na ire-reply ko? Hmmm,

"Tangna- Aray ang sakit mangagat- aray!"

Reversed Universe (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon