Chapter 1 ♥

4.4K 105 77
                                    

Chapter 1: K E N COHINA'S POV

Hindi ko alam kung nakailang ngiwi ako bago narating ang University Gym. Dahan-dahan lang ako sa paglalakad. Hawak-hawak ko ang tiyan hanggang sa ako'y nakaupo sa bandang harap ng bleacher. I hissed. Punyemas. Ang hirap talaga maging lalaki. Buwan-buwan na lang may dalaw. Sana puson na lang ng mga babae 'yung pinili ni Bro na pektusan, e. Tutal marami naman diyang bitch na puro karat na lang ang inaatupag tapos pag nabuntis na ang lalaki, tinatalo si Flash sa bilis ng pagsibat. Punyeta. Ang sakit ng puson ko.

Napahinto ako sa mga iniisip ko nang marinig ko ang Coach na pumito sa may gitna ng court. Tanong ko lang. Ba't kadalasan sa mga Coach kalbo? Hindi ba sila aware na baka malito yung mga players at ulo nila ang madribol at ma-shoot sa ring? Hala, hindi rin sila tanga, ano? Napapailing na lang ako. Kawawa naman ang mga Coach.

Ibinaling ko sa mga players ang paningin. I searched for Anggag and Neo who were in the court, having their Basketball tryout. Anggag looked at me. He was stretching his both arms and legs before he smiled. Tinapik niya sa likod si Neo at ngumuso sa akin. Neo waved as he smiled. I raised my hand to give both of them a thumbs-up sign.

Sila ang mga kaibigan ko. Nandito ako para suportahan sila sa kanilang try-out. Kung hindi ko lang sila kaibigan edi sana hindi na lang ako pumunta dito upang manood. Nakakabagot din kaya tignan ang bilog na bola. Idagdag pa natin ang bilog na ulo ng kalbo nilang Coach.

Nagsimula na ang game. Konti lang ang nanood dahil mga pangit lang din naman ang naglalaro. Joke lang. Konti lang talaga ang nanonood dahil tryout lang naman. Pero kahit gano'n ay maingay pa rin sa loob ng Gym. Sakit sa tenga ng hiyawan ng boys. Naiinis tuloy ako habang nanonood. 'Yong katabi ko nga tumili siya, ang lakas, kaya nasampal ko. Gago, e.

Fucos na ako sa game. Nagulat ako nang ipasa ni Tyler yung bola kay Anggag kaya agad akong napasampal sa noo. To be honest, kahit magkaibigan kami ni Anggag, hindi ko maipagkaila na medyo bobo siya. O sige na, hindi na medyo. Bobo talaga 'yang Anggag na 'yan. Tanga pa. Hay. Pero kahit ganyan siya, kaibigan ko pa rin siya. Naalala ko tuloy pano kami nakabuo ng friendship kasama si Neo.

Nagkakilala kami ni Anggag noong bago pa lang kami ni Neo sa University na 'to. Mabait si Anggag at simple lang. Ang problema sa kanya, kinukutya siya ng iba naming schoolmates dahil low profile daw kong manamit. Hindi ba daw uso sa kanya ang sumabay sa uso. E, pano siya makakasabay kung mukha siyang aso? Joke lang. Pero talaga. Kinukutya talaga siya maski hanggang ngayon. Pero nandito naman kami ni Neo sa tabi ni Anggag na handang tulungan siya kapagka nangangailangan siya ng tulong. We're bestfriends in heart, forever. Charot.

Si Neo naman, Highschool pa lang kami nagkakilala. Matalino siyang tao at madiskarte. Nakilala ko siya no'ng inaapi ako ni Enzo na anak ng mayaman. Nakakainis ang mukhang paa na 'yon dahil palagi akong inilalagay sa kapahamakan. No'ng nakilala ko nga 'yong mukhang paa na Enzong yun, palagi na akong nagsusuot ng medyas kahit wala na ako sa skwelahan. Naaalala ko kasi si Enzo mukhang paa kapag nakikita ko 'yong mga paa kong maiitim ang kuko. Pero noon lang 'yon no'ng mga bata kami.

Mahilig mag-revenge si Neo kaya no'ng isang araw matapos akong bully-hin uli ni Enzo at habang nakaupo ako sa mga putik mag-isa, nilapitan niya ako at kinaibigan. Umiiyak ako noon nang sinabi niyang friends na daw kami hanggang sa mamatay ang mga libag ni Enzo. Sagot ko naman, "Ok". At doon na nagsimula ang friendship namin. Palihim niya akong iginaganti kay Enzo. Gumagawa siya ng plano upang paghigantihan ako mula sa kanya. Hindi talaga normal ang buhay sa Blue School na pinapasukan namin noon. Feeling ko famous ako sa school na yun. Ang daming haters. Nagpatuloy ang friendship namin ni Neo hanggang sa nalaman naming magkaharap lang yung mga bahay namin.

Nahinto ako sa mga iniisip ko at nabalik sa sarili. Hawak na ngayon ni Anggag ang bola. Nakatitig ang mga viewers kay Anggag na ngayo'y nagdi-dribol sa kabilang court. His team was individually fenced by the opponent they were fighting. Si Enzo ang nagbabantay kay Anggag. Kilala niyo naman na siguro ang mukhang paa na ito. Enzo was trying to shove the ball away from Anggag, observing what his way of dribbling. Itinaas naman ni Neo ang dalawa niyang braso upang senyasan si Anggag. Nakatayo si Neo sa di-kalayuan. Binabantayan si Neo ng kalaban niya kaya nahihirapan siyang tulungan ang kaibigan naming bobo. Nagtagumpay si Neo at naagaw niya ang atensyon ni Anggag. Nagtinginan silang dalawa.

Reversed Universe (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon