Chapter 10 ♥

660 38 9
                                    

Chapter 10: K E N COHINA'S POV

"Neo, Takbo." bulong ko kay Neo nang mapansin kong pinanlilisikan na siya ng Ex niyang si Mary. Sa harap pa din ako nakatingin. Hindi ako sinunod ni Neo kaya bumulong uli ako sa kanya at sinabing tumakbo na siya. Marahil may bumabagabag sa isipan niya kaya hindi niya ako naririnig. Maraming nakatingin na estudyante kay Mary. Napansin ko rin ang isang grupo ng girls na isa-isang tinatanggal ang Post Sign mula sa pagkakalagay nito saka tinatapon sa dala nilang sako. Umaktong tatakbo si Mary kaya sinigawan ko na si Neo sabay tinulak-tulak, "NEO TAKBO!"

Sa wakas ay narinig niya din ako. Napaatras muna siya bago kumaripas ng takbo. Sinundan naman siya ni Mary. Pero pagdaan ni Mary sa akin huminto muna siya sa harap ko at tinitigan ako. Napapakagat siya ng ngipin sa galit kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at sa sahig na lang bumaling. Mahirap na baka masuntok pa niya ako. Sayang din 'tong mukha ko. Pag-alis niya sa harap ko napatingin ako kay Anggag na paparating sa kinatatayuan ko.

"Susundan ko si Neo!" sabi niya at mabilis na umalis sa harap ko.

Hindi ko sana papayagan si Anggag dahil usapang mag-asawa 'yun. Chos. Hindi ko lang talaga sana papayagan siya pero huli na kung aawatin ko si Anggag dahil kumaripas na siya ng takbo.

Susunod din sana ako pero parang tinatamad ako kaya umupo na lang ako pagkatapos itayo ang bench na natumba kanina.

Pinagmamasdan ko uli ang grupo ng mga kababaihan na hanggang ngayon inililigpit pa din ang nakakalat na post signs na gawa ni Neo. May dumaang estudyante sa harap ko kaya kinalabit ko siya upang magtanong baka may alam siya.

"Uy, Schoolmate." tawag ko sa kanya habang hinihila pabalik ang likod ng kanyang uniporme.

"Hey, what?"

"Char mayaman. English!" mangha kong sagot sa kanya. Natawa kaming dalawa "Matanong lang sana ako. Kilala mo ba ang mga babaeng 'yan? Ang sisipag kasi nila maglinis, e. Bihira lang kaya magsipag ang babae. Natu-turn on tuloy ako." sabi ko habang nakanguso doon sa grupo ng mga babae.

"Ayiiiiiii ang landi niya po. Hahahaha." tumawa ang estudyante kaya napangisi ako "Oo kilalang kilala ko sila. Naku, wag ka maturn-on sa kanila kahit may konting kalandian ang nerves mo dahil masasama ang mga babaeng 'yan. Naku,"

"Talaga? Masama pa sila kung ituring sa lagay na 'yan?" hindi ako makapaniwala kaya napapakamot na lang ako ng ulo "Pero kung masasama nga silang talaga, bakit? Anong reason? Like, you know. Masasama sila pero sila mismo ang naglilinis ng campus instead na ang mga Janitor. Diba?"

Umupo si hindi-ko-alam-ang-pangalan sa tabi ko. Medyo mahaba daw kasi ang sasabihin niya kaya kailangan daw makinig ako ng maigi.

"Kilala mo naman siguro si Mary, diba?" tanong ni hindi-ko-alam-ang-pangalan sa akin.

"Mary Garciano?" takang tanong ko. Tumango-tango naman siya.

"Kilala mo nga," he confirmed "Alam mo kasi-"

"Hindi ko alam. Wala pa akong alam kaya nga kukwentuhan mo 'ko, diba?"

"Aish! Makinig ka na lang kasi!" he rolled his eyes.

"Sige na nga. Next."

Natahimik kami sandali bago nagpatuloy si hindi-ko-alam-ang-pangalan.

"Alam mo kasi, mga gangster ang mga babaeng 'yan." sabi niya "Si Mary Garciano ang leader ng gang nila. Kaya ayan nililinis nila ang campus bago pa magalit ang leader nila. Iba kasi magalit si Mary. Para siyang demonyo. Kaya alam ko galit na galit na 'yan sila sa gumawa niyan. Magdasal na lang talaga ang taong 'yun na hindi malalaman ni Mary kung sino siya. Naku myghad." napapapikit si hindi-ko-alam-ang-pangalan habang napapa-sign of the cross "By the way, nabalitaan mo ba 'yung rambulan last year na halos mapatay na lahat ng member sa kabilang gang? Grupo nina Mary ang may gawa no'n. Marami na ngang natatakot sa kanila hanggang ngayon dahil sa bagsik ng grupo nila."

Reversed Universe (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon