Chapter 9 ♥

494 40 2
                                    

Chapter 9:     N E O BUSTAMANTE'S POV

(POST SIGN: "MARY: BASTOS PERO BAOG")

Napaigtad ako sa gulat nang pabiglang hawakan ni Mary ang mga bisig ko. Marahas niya akong ipinasok sa loob ng Stockroom at buong pwersa na isinara ang pinto.

"A-aray, Mary. Nasasaktan ako." ungot ko. Pero tila bingi siya sa mga oras na 'yun dahil sa galit. Hindi niya 'ko binibitawan hanggang sa napadaiti ang likod ko sa pader. Napa-aray ako no'n dahil sa sakit ng likod ko.

Sa kabila ng kadiliman, naaninag ko ang galit na galit na itsura ni Mary sa tulong ng liwanag mula sa bintana na nasa 'taas ng ulo ko. Napalunok ako ng laway. Ngayon ko lang ulit siya nakita na ganyan kagalit. Pansin ko rin na mainit ang kamay niya. Mukhang may lagnat ata siya. Umulan kasi kahapon. Malamang inayos na naman niya ang sasakyan niya mag-isa at naabutan ng ulan gaya ng dati.

Marahas niya akong binitawan at iniharap sa akin ang Post Sign.

"Ikaw ba ang gumawa nito?" napapapikit ako sa lakas ng pagsigaw ni Mary sa mukha ko. Hindi ako nakasagot agad dahil sa takot, "Sumagot ka!"

Nakatitig si Mary sa mga mata ko habang naghihintay ng sagot. Halos wala ng espasyo sa pagitan ng dalawa niyang kilay. No'ng una nagdadalawang-isip pa ako kung tatango ba ako o magsisinungaling. Pero I think alam naman na niya na ako ang may pakana nito at gusto lang na umamin ako kaya napakagat na lang ako ng labi. There was guilt on my eyes as I looked at her.

"O- Oo,"

"Buwesit!" Hinampas niya ng malakas sa ere ang papel ngunit nakatitig parin siya sakin, "Ikaw din ba ang naglagay ng Mousetrap sa restroom? Nilagyan mo ba ng Varnish 'yung upuan ko kahapon? Plinano mo rin bang lagyan ng gloves ang locker ko?"

Shit! Buking na ako! Nahihirapan akong magsalita. Gusto kong umatras dahil papalapit ng papalapit sa mukha ko ang galit na mukha ni Mary. I'm so trap! Napapansin ko rin na gumagalaw ang mga ngipin niya sa loob ng bibig niya na tila makakapatay siya ng tao kahit kailan. Kanina pa ako pinagpapawisan. Hindi ko alam anong gagawin ko. Huhu. Help!

"IKAW BA?!" nagulat ako nang sigawan na naman ako ni Mary. Mahigpit niya uling hinawakan ang kanan kong bisig.

"Oo ako." Hindi ko alam tama ba 'tong ginagawa kong pag-amin sa kanya. Pero sa natatakot ako, e. "Ako rin 'yung naglagay ng pako sa block ng kotse mo. S-sorry," shet. Ako pa 'tong nagso-sorry sa kanya sa kabila rin ng ginawa niya.

Puno ng inis nang bitawan ni Mary ang bisig ko kaya napa-aray ako. Tumalikod siya sakin pagkatapos mapasampal ng noo. Humarap naman agad siya hindi pa lumagpas ang dalawang segundo.

"Ano bang kasalanan ko sayo? Ano bang kailangan mo, ha?! Anong gusto mong mangyari?!" dinampot niya ang Post Sign mula sa sahig at iniharap sa mukha ko, "At ano namang kagaguhan 'to, Neo?! Bastos lang ako pero hindi ako baog. Gusto mo bigyan pa kita ng anak ngayon, e!" napaawang ang bibig ko nang maghubad ng t-shirt si Mary. Tumambad tuloy sa 'king harapan ang hot niyang katawan. Naka-itim na bra na lang siya no'n. Ang laki ng tots niya grabe. Ang sexy sexy niya na halatang inaalagan pa rin niya ang katawan niya hanggang ngayon. Coca cola body si Mary. Napalunok ako nang mapatingin ako sa pusod niya. Ang hot grabe. Teka. Pansin ko lang na pinupuri ko siya. Ugh hindi. Dapat hindi ko papansinin ang katawan niya ugh. Feeling ko rin nababastos ako kaya naging awkward ang templa ng paligid ko. Kaya imbis na tignan siya, tumingala na lang ako.

Pumalag ako no'ng hinawakan ni Mary nang mahigpit ang mga braso ko pero sadyang mas malakas lang talaga ang mga babae sa mga lalaki kaya wala akong nagawa. Mabilis na idinikit ni Mary paitaas ang mga kamay ko sa pader. Hindi ako na-inform kaya napa-aray ako, "Ito ba ang gusto mo, ha?!"

"'W-wag, Mary. 'Wag-"

Napapikit na lang ako ng mata nang maglapat ang mga labi namin ni Mary. Aangal dapat ako sa mga oras na 'yun no'ng binigyan niya ako ng french kiss. Pero hindi ko lang talaga alam kung ba't tumugon ako sa mabibilis na halik na ginawa niya. Habang nakapikit bumabalik sa isip ko 'yung mga araw na kami pa. 'Yung masasayang araw na nangako siya sakin na hindi niya daw ako iiwan. 'Yung mga oras na naniwala ako sa kanya. 'Yung panahon na mahal na mahal ko pa siya.

Kinurot ako ng galit habang iniisip ko ang mga panahong 'yun. Minulat ko mga mata ko at sinubukang itulak si Mary palayo. Huminto ako sa pagtugon. Linilihis ko ang mga labi ko mula sa kanya pero sinusundan naman niya ito.

"Ano b-ba!"

Napaatras si Mary sa tulak ko. Umaapoy pa din sa galit ang mukha niya.

"'Di mo ba nagustuhan? Huh?" nakasago ang galit sa boses niya nang itanong sakin 'yun. Lumapit uli siya at aktong hahalikan ako kaya sinampal ko siya bago pa man niya magawa iyon.

"Bastos ka!" I discoursed.

"Sinabi mo pa," ganti ni Mary. "Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo!"

"Hell, no!"

"Hell, yes!"

"Go to hell!" I screamed.

"I once been there," sagot naman niya, "But they kicked me out 'cause I'm hotter than hell." she finished. Ginulo naman niya ang buhok niya "Aishh! Walang patutunguhan 'tong usapan nating 'to. Basta kailangan mong pagbayaran lahat ng ginawa mo."

"Ako magbabayad?"

"Hindi ka naman siguro nakonsensya sa ginawa mo?" sarkastikong tanong niya. Napaisip naman ako. At tama nga siya. Nakokonsensya nga ako. Kainis.

"P-pero ano? P-paano?" kinabahan ako. Tangna this life.

"You should be my slave!"

Nagkasalubong ang mga kilay ko, "Wait, what?"

"Slave. You should be my slave or you'll get punishments about what you did!" her jaw was clenching. Her fists were forging, "Bukas kailangan may desisyon ka na. It's either be slave," huminto si Mary at tumitig sa akin na nanlilisik ang mga mata. Dahan-dahan niyang inilapit sa mukha ko ang mukha niya, "Or trouble." Bigla niya 'kong hinalikan kaya hindi ako nakaiwas. Umatras naman agad si Mary habang nahihirapan ako sa pagsasalita. Nalaman ko na lang na naglalakad na siya palabas ng naturang silid at padabog na isinara ang pinto.

"BASTOS!" kahit hindi siya sumagot alam kong narinig niya ang sigaw kong 'yun.

Naiwan akong mag-isa sa loob ng Stockroom. Tulala. Hindi ko alam kung anong dapat kong ire-react sa kabila ng nangyari. Matutuwa ba ako dahil lumabas na si Mary o matatakot sa consequence na nilahad niya kani-kanina lang. Sana nag-chat na lang siya sa facebook at doon nag-request. Baka makapag-react pa 'ko ng bongga at mamura ko pa siya. Pero hindi, e. Iba ang nangyari. At hindi ako naka-react.

Napahawak ako sa mga labi ko. She kissed me! That kiss tasted the same. Naalala ko tuloy 'yung huling hinalikan ako ni Mary. Punyemas! Ba't ko ba iniisip ang halik ng bastos na babaeng 'yun?

Napaisip ako. Pa'no kung magiging slave ako ni Mary? Masama siyang tao at saka bastos.

"Oh noes!" agad akong napahawak sa zipper ng suot kong uniporme, "Baka gagawin niya 'kong sex slave! Naku, patay!" napapapikit ako, "Virgin pa naman ako. Huhuhu."

Napatingin ako sa Post Sign na nakahiga sa sahig. Bahagya akong yumuko upang damputin ito. Pagkahawak na pagkahawak ko sa dulo ng papel, napansin kong may nahulog na sticky note mula sa bulsa ko kaya napakunot-noo ako. Nakalimutan ko palang itanong kay Mary kung bakit niya ko pinapadalhan ng pesteng note na 'to. Mabilis akong lumabas ng silid upang habulin si Mary. Gusto ko din 'to isumbat sa pagmumukha niya para makabawi naman ako sa kanya.

Hindi ko na nasilayan ang likod ni Mary paglabas ko ng pintuan. Hahanapin ko sana siya upang maghiganti pero nahinto lang ako nang maka-receive ako ng call. Si Ken.

"Hello, Ke-"

"Neo tulungan mo 'ko! Si Anggag nabugbog! Nandito kami sa Restroom!"

***

Reversed Universe (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon