Chapter 4 ♥

1.1K 51 24
                                    

Chapter 4: K E N COHINA'S POV

Hapon. Para akong mahihimatay na ewan ko lang kung anong kasunod na mangyayari sa gwapong si ako. Hindi pa ako napansin ni Kaye noong nasa doorway pa siya dahil sa guro nakapukos 'yung atensyon niya. Hinagkan ako ng hiya. Gusto ko lamunin na 'ko ng sahig at magdisappear. Pero hindi naman nangyari. E, hindi naman fantasy ang genre ng story.

Kinabahan ako sa sitwasyon. Ilang dipa lang ang pagitan namin ni Kaye at magkalapit lang kami sa isa't isa. Lihim akong napapangiti. Para akong tanga na kapag hindi ko naaaninag si Kaye sa mga mata ko hinahanap ko siya pero kung nandiyan naman siya gusto kong lumisan sa lugar kung saan ko siya nakita. Gago lang, e, nuh? Ganito ba talaga ang love? Kainis.

Nakatitig lang ako kay Kaye sa mga oras na 'yun. Halos muntik na akong mapatalon sa pagkakaupo nang bumaling siya ng tingin sa gawi ko. Mas bumilis lalo ang pagkabog ng dibdib ko. Ang lalaki na ng mga pawis ko. Nalaman ko na lang na naglalakad na pala siya palapit kaya mas lalo akong na-alarma. Bawat hakbang na ginagawa ni Kaye ay isang milyong kaba naman ang namumuo sa kaibuturan ng pagkatao ko. Juice colored. I couldn't feel my knees. It was shaking actually. My hands followed, then.

Gusto kong itulak palabas 'yung gurang na strikta pa naming teacher saka pagsarhan ng pinto upang kami na lang ni Kaye sa loob. Umeepal ang gaga kahit moment namin ito. Hindi natin alam baka kapag wala siya, sa mga pawis kong 'to, makakagawa kami ni Kaye ng bata. Hihihihi. Ang naughty ko.

Pero napatanong ako kung paano ko itutulak palabas ang guro. Sa sitwasyon kong 'to ang hirap ngang tumayo, e. Itulak pa kaya siya. Nanginginig 'yung mga tuhod ko. Nagulat ako nang tawagin ni Kaye 'yung pangalan ko. Sa tono ng pananalita niya marahil ngayon lang niya nalamang isa akong detainee. First time ko 'to, e.

"Ken," panimula niya. "Ba't ka nandidito?"

"Ah, ano. E, kasi.. late kasi ako kanina, e. Kaya ayon.." buwesit. Ba't parang nauutal ako 'pag kausap ko si Kaye! Hindi gumagana ang utak ko 'pag kaharap ko siya.

"Ah, okay." sagot niya sabay hawi ng buhok patalikod. Juice colored. Ang ganda niyang talaga.

Lumapit si Kaye doon sa katabing chair ko saka tinapik ang desk nito, "Dito ako uupo, ah? Tabi tayo." sabi niya na tila nahihiya. Tinanguan ko naman siya. Sasabihin ko pa sanang "Dito ka na lang sa Lap ko umupo, Baby Kaye. Hug kita hanggang sa ako'y malabasan. Hihihi." pero h'wag na lang baka sakalin niya pa ako sa kabastusan ko.

Namayani ang katahimikan sa loob ng room pagkatapos umupo ni Kaye. Nahihiya akong talaga. Sa bintana ko na nga lang ibinaling ang ulo ko as if pinagmamasdan ko ang mga ulap. Pero to be honest, hinihintay ko lang na magsalita siya. Lalaki ako kaya dapat mga babae ang mags-start ng conversation.

Kinakabahan pa rin ako. Counted ko ang aking paggalaw. Kung kailan nahihiya akong gumalaw, andito naman 'yung mga lamok na kumakagat sa mga braso ko kaya naiinis ako dahil gagalaw na naman ako upang kalmutin iyon. Ugh.

Liningon ko si Kaye sandali sa likod. Nagulat ako nang malaman kong nakatingin siya sa akin. Pero syempre hindi ko pinapahalata sa kanya na nagulat ako. Deadma ko lang daw siya. Ibinalik ko agad sa labas ng bintana ang paningin ko.

"Ken," my eyes widened. Nagsasalita na siya! "Anong tinitignan mo diyan?" tanong ni Kaye.

"Ah, sa labas?"

Tanga. Sa'n pa ba, Ken? Mag-isip ka nga!

"Oo, sa labas." Her voice really sounds like Angel. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, I could say na nakangiti siya.

"Ah, wala. Ano.. mga ulap lang.. hehe." Buwesit talaga. Nag-a-ala Anggag na naman 'yung utak ko.

Dumaan ang ilang minuto. Pilit kong hinuhugot pailalim ang shy type na ugali ko para hindi ako magmukhang tanga sa mga mata ni Kaye. Naghukay ako ng mga paksa sa kaibuturan ng kokoti ko upang may mapag-usapan kaming dalawa at hindi maging awkward ang lugar. Tama! Si Enzo na lang 'yung ito-topic ko.

Reversed Universe (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon