Chapter 8 ♥

592 46 4
                                    

Hello, Readers kong shufa't shufo, 'wag po tayo mahiyang magcomment dahil shufo na hot pa ang author na ito kaya you, guys, are free to vote and comment :) At isa pa, FAMEWHORE po si ONAD EKSDI kaya sapilitan na talaga 'to. WAHAHAHAHA!


VOTES and COMMENTS are musts! :P


***

Chapter 8:     M A R Y GARCIANO'S POV

Napaupo ako sa gulat nang magising ako sa University Clinic. Nagtaka ako kung bakit ako napunta dito at nakahiga pa sa puti nilang higaan. Suot-suot ko na uli ang uniporme ko. Napansin ko ang lalaking nurse na nakatalikod sakin. Halatang busy siya sa ginagawa niya. Itatanong ko sana sa kanya kung anong nangyari sa akin at bakit ako napadpad sa lugar na 'to pero napatunganga na lang ako nang dahan-dahang bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari. Unti-unting bumabalik ang sakit sa mukha ko kaya napa-aray ako.

"Gising ka na pala," napabaling ako ng tingin kay kuyang nurse nang magsalita siya, "Nawalan ka raw ng malay sa lockers area sabi no'ng guard na naghatid sayo dito." dagdag niya, "Sinuntok ka daw ng- ano ngang tawag do'n.. bouncing gloves?" natawa siya, "Aba grabe 'yun. Wala talaga 'yung puso. Ahahahahaha."

Ugh. Buwesit talaga. Tama nga 'yung sinabi ni Kaye na sinadya 'yung paglagay ng paint sa upuan ko. Itinanong ko din kay Kaye sa klase kanina bakit puno ng mousetrap ang loob ng Cr pero sabi niya malabong lagyan ng Janitor ang restroom ng crap traps. Pisti talaga. Bubugbugin ko talaga ang gumawa sa 'kin nito!

"Ilang oras po akong nakatulog?" tanong ko kay kuya na nakatalikod sa akin. Liningon naman niya ako.

"Magfo-four hours na, Hijo."

What the?

I scanned my watch and realized it was almost 6PM. Bumaling ako ng tingin sa may bintana. Madilim na sa labas. Kumukulog pa ang makulimlim na kalangitan. Siguro uulan mamaya.

"Oh, sa'n ka pupunta?" tanong ng nurse sa akin nang malaman nitong tumayo ako.

"Uuwi na po ako. Gagabi na."

"Aw, Kbye."

Umalis na agad ako sa Clinic bago pa 'ko maabutan ng ulan. Bilang na lang sa daliri ko ang mga estudyanteng naglalakad sa campus. Pagkadating ko sa parking lot, napamura na lang ako pagkatapos makita ang mga gulong ng sasakyan ko.

"Pisting buhay 'to!" mura ko bago sinipa ang gulong ng sasakyan. Naiinis na talaga ako tangna! Ang sarap mag-wild sa mga oras na 'yun. Galit na galit na galit na talaga ako. Malalaman ko lang talaga sinong gumawa nito pagbabayarin ko ang pisting taong 'yun! Ano bang kasalanan ko sa kanya't ginagawa niya sakin 'to? Buwesit!

Tumingala ako nang marinig kong kumulog na naman ulit ang kalangitan.

***

N E O BUSTAMANTE'S POV

"Uwaaaaaa! Neeeeooo!"

Tila kinikilig si Anggag habang yinuyugyog ako ng paulit-ulit. Todo-aray na ako ngunit hindi niya parin inuurungang yugyogin 'yun mga balikat ko kaya nasampal ko siya. Salamat naman at huminto na rin si Anggag bago pa 'ko mahilo. Nasa may bench kami ngayon naka-upo sa ilalim ng punong langka sa gilid ng quadrangle.

"Ano ba kasi sasabihin mo, Anggag. Ang oa mo kasi. Nasampal tuloy kita." sabi ko sa kanya.

"Iiiiiiiih. 'Yung profile ko kasi, e."

"Bakit? Naabot na ba ang 15 likes? 20?"

"Hindi. 5 likes na siya! So Improves! Famous ko talaga." pagmamayabang ni Anggag. "May nagkoment pa nga. Sabi "Ikaw 'yung naglalaro sa court no'ng isang araw diba? 'Yung bobito? Sumagot ka bago pa kita iblock.""

Reversed Universe (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon