Who Cares?!

28 5 0
                                    

Ace Lucifer POV

Hindi ko alam pero naiinis ako sa idea nitong tuleg na ito.

"A-ano ba! Kaya nga kita dinala dito para mag saya ka eh!" Saad niya

Nasayang lang ang oras ko dito. Tsk.

"Sayang lang sa oras itong ginagawa natin. Umuwi na tayo." Saad ko

Gulat naman itong napatingin sa akin.

"A-ace naman ih! Tara doon!" Sabi ni Klare

Laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako papunta sa game zone. Binitawan niya naman ito dahil bumili siya ng token.

What the fuck am I feeling right now?! Why my heart beats so fast?!

"Oh ito! Tag sampu tayong token! Saan mo gustong mag laro?" Tanong niya sa akin

"Tss. Childish." Saad ko

Napakamot naman ito sa batok niya.

"B-bumabawi ako sa pag sisinungaling ko kahapon. I simply want to make you happy." Saad niya

She want me what?!

"Ang drama. Tss. Doon!" Saad ko sabay turo sa gun shooting

Agad naman kaming nag punta doon. Sakto naman at kami lang ang mag lalaro.

"Paramihan ng tautauhan na maitutumba!" Pang hahamon sa akin ni Klare

Napangisi ako dito.

"Masyadong madali ang dare mo." Mayabang na tugon ko

Nag make face naman siya bagay na ikinatawa ko.

Lintek ang panget niya doon!

Nakita ko namang nagulat siya kaya tumigil ako sa kakatawa.

"Mas bagay sayo ang nakangiti." Nakangiting sabi ni Klare

Inismiran ko ito dahil ito na naman ang pag bilis ng timbok ng puso ko.

"Within 1 minute, paramihan po kayo ng maitutumbang tauhtauhan. The winner will take the prize." Saad ng nag babantay

3..2..1 Go!

Mabilis kong tinutok ang baril ko at sunod sunod na itinumba ang mga nakahilerang tautauhan. Naubos ang bala ng baril kaya naman mabilis kong sinet up yung magasin.

Nilingon ko si Klare para sana laiitin ang pag lalaro niya pero laking gulat ko nung makita kong nag palit siya ng magasin. Tinignan ko ang kabuuan niya.

Yung tindig niya parang sanay siyang humawak ng baril. Maski pag papalit ng magasin ay magaling siya.

Napailing nalang ako at nag patuloy sa pag lalaro. Tumunog na ang stop watch hudyat na pag tigil.

"Sir, 60 po lahat lahat ang napatumba niyo. While si Ma'am naman po ay 50. Nanalo po kayo Sir. Ano po bang gusto niyong prize?" Saad ng babae

Tiningala ko yung mga teddy bear na nasa taas. Agad kong tinuro yung panda na malaki. Kinuha ito ng babae at ibinigay sa akin.

"Thank you for playing ma'am and sir." Nakangiting sabi ng babae

Tumalikod na ako at nag umpisang mag lakad.

Nilingon ko si Klare at nung makita kong nakatingin ito sa akin ay agad kong hinagis yung teddy bear.

"Bitbitin mo." Utos ko

Wala naman siyang nagawa kung hindi ang bitbitin iyon.

Sabi ko sayo, magiging impyerno ang pag pasok mo sa buhay ko.

Lucifer's Mistake (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon