Queen

29 2 0
                                    

Klare Shin POV

Pilit kong kinalimutan ang sinabi ng Ama noong makarating kami sa bahay ni Ace. Pero hanggang sa makapag bihis at makatungtong ako sa kama namin ni Ace ay hindi parin ito natatanggal.

"I wanna know what's on your mind, Queen." Saad ni Ace

Napalingon naman ako sa kanya na nakaupo rin sa kama. Seryosong seryoso siyang nakatingin sa akin. Pilit na inaalam ang laman ng isip ko sa pamamagitan ng pag tingin sa mata ko.

"Nothing, King. I just can't believe on what just happened." Saad ko at ngumiti

Bahagya naman siyang ngumiti. Para na naman akong natutunaw dahil sa ngiti niya sa akin.

Siya lang talaga ang nakakapag patiklop sa akin ng ganto.

"Are you sure? Sabihin mo lang kung may problema. Hindi ako mag dadalawang isip na tulungan ka." Saad ni Ace at hinaplos ang pisngi ko

Yun nga ang problema, Ace. Hindi ka mag dadalawang isip na tulungan ako. Ikamamatay mo ito.

"Thank you, King. I love you." Nakangiting sabi ko

Nagulat ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Bahagya siyang umangat at hinalikan ang noo ko.

"I love you more, Queen. Now let's sleep. It's too late." Sabi ni Ace at humiga na

Ginaya ko naman siya humiga na rin ako. Ipinikit ko na ang mata ko upang matulog. Pero nagulat ako ng halikan ako ni Ace sa labi. Naimulat ko tuloy ulit ang mata ko!

"Pasaway." Saad ko

"Smack lang eh." Parang batang sabi niya

Iiling iling tuloy ako. Ipinikit ko na ang mata ko. Mga ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi parin ako makatulog. Tinatraydor ako ng isip ko.

Flashback…

"Ano po bang mayroon sa kwintas na ito?" Tanong ko

Mapait na ngumiti ang Ama sa akin.

"Iyan ang susi sa impyerno." Saad ng Ama

Kunot noo kong tinignan ang Ama. Hindi ko siya maintindihan.

"P-po? Hindi ko kayo maintindihan." Tanong ko

Napangiwi ang Ama dahil sa sinabi ko. Para bang nadismaya dahil wala talaga akong alam sa sinasabi niya.

"Sa larong chess sino kadalasan ang sakripisyo? Bakit sa tingin mo walang lola at nanay ang King?" Sunod sunod na tanong ng Ama

Napatigil ako dahil sa sinabi niya.

"Queen, you are the next target. Hindi hahayaan ng ibang Mafia na dumami ang lahi ng King. Papatayin ka niya dahil babae ka, dahil mag dadala ka ng bata sa sinapupunan mo. Alam nilang walang laban ang mga babae sa organisasyon dahil ang silbi lang nila ay maging nanay lang. " saad ni Hansley

Kunot noo ko siyang tinignan.

"Kaya ko ang sarili ko. Walang makakapatay sa akin. Hindi niyo ako pinalaking mahina." Saad ko

Umiling iling ang Ama.

"Klare, lahat ng kaaway ng Mafia King ay kaaway mo na. Ni-hindi mo nga kilala ang ilan sa mga kalaban niya. Baka mamaya nasa likod mo na pala, nag aantay lang na masakmal ka." Saad ng Ama

"Hindi ko rin talaga magets kung bakit humanap pa siya ng Queen. Akala ko nadala na siya dahil sa pagkamatay ng nanay niya." Saad ni Hansley

Lucifer's Mistake (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon