The End of War

36 3 0
                                    

Klare POV

Inis akong nag pumiglas kay Cronus ngunit hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay. Mabilis niyang ipinosas ang mga kamay ko.

"Alam mo bang maling mali ang ginagawa mo, Cronus?" Tanong ko dito

Pinanlisikan ako ng mata ni Cronus dahil sa sinabi ko.

"Walang mali sa ginagawa ko, binibini. Ang patayin kayong dalawa ni Lucifer ang pinakamagandang mangyayari sa araw na ito." Nakangising sabi ni Cronus

Nakikiusap na ako sa lahat ng diyos na pwede kong tawagin. Sana makielam ang nakatataas at iligtas kami dito.

"Hindi pa ba nababanggit sayo ni Hades at ni Persephone kung anong uri ako ng tao?" Nakangisi kong tanong

Panay parin ang pagkaladkad nito sa akin papunta sa labas ng gusali. Minsan ay pinapaputukan niya pa ang mag tatangkang tauhan ni Ace na lumapit.

"Wala akong pakielam kung anong uri ka pa ng nilalang, babae. Huwag kang kuda ng kuda dahil baka iputok ko na ngayon ang hawak ko baril." Saad ni Cronus at itinapat pa ang baril sa lalamunan ko

I rolled my eyes because of that. Kung sa tingin niya ay maiihi ako sa takot ay nag kakamali siya. Kaanak ko raw si Kamatayan, iyan ang sabi ni Ama.

"First Chosen ako, Cronus. Siguro tama nang dahilan iyan para mapatigil ka sa ginagawa mo." Saad ko

Mas kinaladkad pa ako nito papunta sa malapit sa bangin kaya napangisi ako sa kanya.

"Hindi ikaw iyon, huwag kang mag magaling." Saad ni Cronus

Lalapit sana si Ace ng paputukan niya ito. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil doon.

"Natakot ka ba? Alam mo naman ang misyon ng mga nag lagay sa akin sa pwesto na First Chosen diba? Uubusin nila ang pamilya at ariarian mo. Maling mali ka ng ginalaw na tao, Cronus. Bitawan mo ako at paalisin kami ng maayos." Saad ko

Ngunit mas diniin pa ako nito sa railings na pagitan ng tinatapakan namin at ng bangin.

"Kung ikaw nga ang First Chosen at napatay kita, hindi ba't mas maganda iyon? Maari kong makuha ang pwesto mo." Nakangising saad nito

Sinubukan ko pag palitin ang posisyon namin ngunit bigla lamang ako nitong sinuntok sa tiyan nito. Marahas ko namang tindayakan ang tiyan niya. Mag kakaroon na sana ako ng pag kakataong tumakbo paalis pero muli niyang hinila ang buhok ko kaya napalapit ako sa kanya.

"Mukhang mas gusto kong unahin si Lucifer dahil sa kakulitan mo, Klare. Gusto kong manood ka kung paano ko pahirapan si Lucifer." Saad ni Cronus

Nararamdaman ko nang sumasakit ang pagkakakapit niya sa buhok ko. Hindi pa siya nakunteto at binigwasan pa ako nito.

Napakatagal naman nila?!

Ace Lucifer POV

Mabilis at maingat akong sumunod kay Cronus at Klare. Laking pasasalamat ko ng matanaw kong nagising si Klare at pinipilit niyang kumawala kay Cronus. Pero isa rin iyon sa ikinakatakot ko, baka mamaya ay uminit ang ulo ni Cronus at tuluyan niyang kunan ng buhay si Klare.

Makailang beses pang kumawala sj Klare kay Cronus ngunit nahuhuli siya nito. Marahil ay nang hihina na ito dahil kitang kitang bumaba ang timbang niya.

Maraming tauhan ang Mafia ni Cronus para itumba ko. Mabuti at dumating na rin si Bon at Eren, sila ang bahala sa mga tauhan ni Cronus.

"Masyado mong minamadali ang mga bagay bagay, Lucifer. Ano sa tingin mo? Sinong unang matatapos ngayong gabi? Ikaw o si Klare?" Tanong ni Cronus

Lucifer's Mistake (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon