Klare POV
"Sabi ko yung magandang kama diba?!" Rinig kong sigaw ni Ace
Galit na naman ang loko.
Nanatili lang akong nakapikit.
"Siraulo! Anong akala mo dito?! Hotel?! Hospital ito King, wag kang tanga ha?" Natatawang sabi ni Bon
"Eh tignan mo oh! Ang liit liit ng kama niya!" Bulyaw ulit Ace
Minulat ko na ang mata ko.
"Shkkkk! Ang ingay niyo naman!" Inis kong sabi
Naigala ko ang paningin ko. Nasa puting puti ako na kwarto. May nakakabit din sa aking swero.
"Ito kasing si Lucifer gusto na yatang ilipat ka sa King Size bed!" Natatawang sabi ni Bon
Napailing iling naman akong tumingin kay Ace. Naka tingin lang siya sa akin.
"Hey. Di naman kailangan ng malaking kama! Isa lang naman akong pasesyente dito eh." Natatawang sabi ko
Sinamaan naman ako ng tingin ni Ace.
"Dalawa kayo. May sakit sa isip yang si Lucifer eh.. Deny syndrome." Natatawang sabi ni Bon
Kunot noo naman akong tumingin kay Ace.
"Tigilan mo nga ako, Bon. Baka bigla akong mabaliw dito, diretso ka sa E.R." Saad ni Ace
Natawa naman ako sa kanila.
"Baliw ka naman talaga. Di mo lang inaamin." Saad pa ni Bon
Hahampasin sana siya ni Ace ng may pumasok na matandang babaeng doctor.
"Ninang oh!" Sumbong ni Bon sa matandang babaeng doctor
Napailing iling naman ang doctor at lumapit sa akin.
"Kamusta hija? Ako si Dra. Federano, ako ang doctor mo. May nararamdaman ka bang masakit?" Tanong ni Dra. Federano
"Medyo masakit lang po ang balikat ko. Bukod po doon, wala na." Saad ko
Ngumiti naman siya.
"Buti naman hija. Ilang araw lang pwede ka nang makauwi." Saad ni Dra. Federano
Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Pwede bang sa bahay nalang siya mag pagaling?" Tanong ni Ace
Tumango naman si Dra. Federano.
"Pwede naman. Excited ka na yatang umuwi eh." Natatawang sabi ni Dra. Federano
Sinamaan naman siya ng tingin ni Ace.
Mukhang sobrang close nila. Mag kaano ano kaya sila?
"Call me if you need something, Klare. Bibisitahin din kita mamaya." Saad niya at nilingon si Ace "Bukas pa siya makakauwi sa bahay niyo. May ichecheck pa ako bago siya palabasin ng hospital." Saad ni Dra. Federano
Tumango naman si Ace. Pagkatapos noon ay umalis na si Dra. Federano
"Mag reretire na family doctor niyo ah. Hindi ka ba nalulungkot?" Tanong ni Bon kay Ace
Ah family doctor pala.
"Hindi. Doon siya masaya. Tyaka matanda na siya." Saad ni Ace
"Tsk tsk tsk. Buhay pa si Tita siya na ang Family Doctor niyo. Mukhang mamimiss mo siya ah." Natatawang sabi ni Bon
Tinulak niya naman si Bon palabas ng pinto.
"Umuwi ka sa bahay ikuha mo ako ng damit." Saad ni Ace
BINABASA MO ANG
Lucifer's Mistake (COMPLETE)
Short Story"It's a wrong move. Checkmate." I said then laugh. "You're so smart." "I know," I replied "But you'll be weak soon."