Ace Lucifer POV
Buong mag damag akong gising dahil sa pag babantay sa kanya. Umaga na pero hindi parin siya nagigising. Noong malaman ni Bon at Eren ang nangyari kay Klare ay agad silang nag punta.
"Shet. Mukha kang zombie." Natatawang sabi ni Bon
Sinamaan ko ito ng tingin.
"Tsk. Paano ba mawawala yung sakit niya na yan?!" Inis kong sabi
Natawa naman si Bon.
"Gusto mo mawala yung nararamdaman niyang sakit sa puson? Edi buntisin mo." Natatawang sabi ni Bon
Siraulong ito!
Kitang kita ko ang pag tawa ni Eren kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Hindi ako napatol sa tuleg." Inis kong sabi
Napatingin naman ako ng biglang gumalaw si Klare. Gulat na gulat itong inilibot ang tingin niya buong paligid niya.
"N-nasaan ako?" Tanong ni Klare
Natawa naman ng bahagya si Bon.
"Nasa langit ka na Klare. Tignan mo oh, nandito si Lucifer." Natatawang sabi ni Bon
Bwisit!
Agad ko itong tinapunan ng masamang tingin.
Dahil tatayo na si Klare ay tinulungan ko itong tumayo.
"Pasensya na, nag alala pa kayo." Sabi ni Klare
Napangisi naman ako.
"Ha? Sinong nag aalala?" Walang emosyon kong sabi
Napailing naman si Bon.
"Di pala nag alala ah." Bulong ni Bon
Ngumiti naman si Klare sa akin.
"Kaya ko na umuwi. Tara na." Aya niya sa akin
Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Tatayo na sana ito pero na-out of balance ito. Mabuti ay agad kong nakapitan ang bewang nito.
"May ilalampa ka pa ba?!" Inis kong sigaw sa kanya
Napaiwas naman ito ng tingin.
Tss. Pasabi sabi pa ng kaya na daw niya!
Umayos na kami ng pwesto namin. Tyaka ko nalang napansin na may dalang wheel chair si Eren. Isinakay niya doon si Klare.
"Hoy isa ka pang o.a. Hindi naman nalumpo si Klare!" Saad ni Bon
Inismiran lang siya ni Eren at pinaandar na ang wheel chair.
"Asikasuhin mo na yung bills. Iuuwi ko na si Klare." Saad ko
Sumunod na rin ako kay Klare at Eren. Hininto ni Eren yung wheel chair sa harap ng kotse ko.
"You can go now. Ako na ang bahala sa kanya." Saad ko
Tumango naman si Eren. Binuhat ko na si Klare paupo sa kotse ko. Bumusina muna ako bago umalis.
"Pasensya ka na talaga, Ace. Ang dami ko nang utang na loo--"
Sorry na naman!
"Dagdagan mo lang ng dagdagan para madagdagan din ang pag papahirap ko sayo." Nakangisi kong sabi habang naka focus sa pag mamaneho
"Kaya nga napag desisyunan kong umalis na sa bahay m--"
"Bakit? Dahil lang sa pag papahirap ko? Alam mo bang hindi pa yun pahirap?! Dahil kung gusto kitang pahirapan edi sana di kita dinala sa hospital!" Inis kong sabi
BINABASA MO ANG
Lucifer's Mistake (COMPLETE)
Short Story"It's a wrong move. Checkmate." I said then laugh. "You're so smart." "I know," I replied "But you'll be weak soon."