Ace Lucifer POV
"Anong gagawin natin dyan?" Tanong ko kay Bon habang tinitignan itong babaeng tuleg na ito na nakahiga sa kama ko
Damn! Wala pang nakakahiga dyan na babae!
"Alam ko na, isama mo nalang siya sa Monzatoo Hotel. Mag book tayo ng room para doon na siya magising." Sabi ni Bon
Sangayon ako sa plano niya kaya binuhat ko na itong babae at isinakay ulit sa kotse. Nang makarating kami sa Hotel ay agad inayos ni Bon ang pagkwakwartohan nitong babae. Inilapag ko agad ang babae sa kama tyaka pinagpag ang coat ko.
"Iiwan natin siya mag isa? Paano kung may kumuha dyan?" Tanong ni Bon
"Kaya may lock ang pinto, Bon. Use your 1 gb brain." Saad ko
Napakamot nalang ito ng ulo.
"If you're anxious, mag iwan ka nalang ng isang tauhan." Saad ko
Lumabas na ako ng pinto at sumunod naman si Bon.
"Okay na. Pare, medyo mabait naman yata yung babae. Maganda pa. Mukhang nag kamali lang ako ng tantya sa kanya." Sabi ni Bon
Sinamaan ko ito ng tingin.
"Wala pa siya sa kalingkingan ni Emerald." Saad ko
Natawa naman ito.
"My god, King. Forget about Emerald. Sa pinsan mo na 'yun. Maski nga reaper di sila napaghiwalay diba? Imagine, kampon ng dilim ang pumigil sa kanila pero look at them, happy ending." Sabi ni Bon at ngumiti
Tinaas ko ang kilay ko sa sinabi niya.
"Who said that I will ruin their relationship? Sabi ko lang di niya mapapantayan si Emerald." Saad ko
Pumasok na kami sa loob ng venue. This is not like an ordinary mafia party na lahat naka maskara. We are not afraid to reveal our personality. Kabaduyan lang ginagawa ng ilan, parang ginagawa nilang katatawanan ang mafia. Dumiretso na ako sa stage at umupo sa pinakamalaking upuan.
"This day I present to you, Ace Lucifer Inferno as the new King of Mafia." Saad ni Bon
Agad na nag palakpakan ang mga ibang grupo na mafia. Inilibot ko ang paningin ko, may kahinahinala dito. May dalawang grupo ng mafia ang wala dito.
Matapos mag salita ni Bon ay agad ko itong tinawag.
"Bakit wala ang Olympian at Celestial Mafia? I thought all of them are invited?" Tanong ko
Napakunot ng noo si Bon.
"I send an invitation. Kasalanan nila kung bakit di sila nakapunta sa unang transaksyon na ikaw na ang nakaupong King." Saad ni Bon
Matapos niyang sabihin 'yun ay di na ako nag salita. Lantaran ko naman nakikita ang transaksyon kaya uminom lang ako ng uminom. Mataas ang alcohol tolerance ko kaya makakapasok pa naman ako ng maaga bukas.
"Tangina!" Sigaw ni Bon
Napalingon naman ako sa kanya.
"What?!" Inis kong sabi
"Si Klare!" Gulat na sabi ni Bon
Klare? Yung babaeng tuleg!
"Ano ba?! Ano bang meron?!" Inis na tanong ko
"Someone tried to get her pero dahil nandoon si Eren napatay niya agad!" Sabi ni Bon
How did they know that I put her there?!
"Hindi kaya.. akala nila siya ang Queen?" Takang tanong ni Bon
Shit!
Nag mamadali akong umalis sa hall at nag tungo sa kwarto ng babaeng 'yon. Pag pasok ko ay kitang kita ang pagkabalisa niya. Pag lingon nito sa akin ay agad itong tumakbo at inakap ako. Nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan niya.
"A-ace.. g-gusto ko pa talagang m-mabuhay.." utal utal na sabi niya
Namumutla 'rin siya at halatang iiyak na. Nagulat nalang ako ng mag passed out siya.
"Eren, sabihin mo kay Bon na bantayan ang transaksyon." saad ko
Tumango naman si Eren.
Agad kong binuhat si Klare at inilagay sa kotse ko. I have no choice but to take her at my house. As soon as we reached my house ay kaagad ko itong inilagay sa masters bedroom.
I pulled out my phone and called our family doctor. In 30 minutes ay nakarating agad siya.
"Who is she, Ace?" Tanong ni Dr. Federano
Kunot noo akong tumingin sa kanya.
"She's nothing but a weak girl. Just check her and go." Saad ko
Natawa nalang ang matanda at tyaka siya sinuri. She check her and smiled to me.
"Masyadong nastress ang batang ito. Kawawa naman. She just need some rest." Sabi ni Dr. Federano at ngumiti
Kanina pa siya ngiti ng ngiti.
"Bakit ka ba nangiti?" tanong ko
Umiling siya.
"Para mo na rin akong lola, Ace. Nagulat lang ako at ngayon ko kang nakita na may dinala kang babae sa bahay mo. Simula ng mamatay ang mama mo, wala na akong nakitang babae dito sa bahay na ito." Sabi ni Dr. Federano
"She will leave soon. Don't expect something." Saad ko
Natawa naman siya.
"Okay, okay. I need to leave now. Masyado nang malalim ang gabi." Saad niya at kinuha na ang gamit niya
As an act of politeness inihatid ko siya sa main door.
"I'll retire soon. Be a good boy, Ace." Sabi ni Dr. Federano
Tumango nalang ako at bahagyang ngumiti. Nang makaalis siya ay umakyat na ako. Pumunta ako sa masters bedroom para icheck siya.
She's really something. Something inside of me wants to protect her because she looks like fragile. Ngayon pang kumalat na ang picture niya sa mafia world, they mistook her as the Queen.
Arg! Edi mamatay siya kung mamamatay!
Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. It's Bon again.
"Bakit na naman?!" Inis kong sabi
He laugh.
"Chill Ace! Baka may milagro ka nang ginagawa dyan kay Klare ha!" Natatawang sabi niya
Nilingon ko naman si Klare. Not my type.
"Ayoko sa tuleg kaya pwede ba?! Sabihin mo nalang ang pakay mo!" Inis na sabi ko
Bumuntong hininga siya.
"Nung una kasi talaga masama pakiramdam ko sa babaeng 'yan. So I did some research. Isinend ko sa email mo. Check it nalang." Sabi bi Bon
"'Ge." Sabi ko at ibinaba na ang tawag
Isinara ko na ang pinto at pumasok sa kabilang kwarto. My room.
Binuksan ko ang laptop ko at tinignan ang email ni Bon.
Klare Shin
Half Korean, half Filipino.
She's an orphan. Her mother and father died when she was 5 years old, they died because of a car accident. She supposed to be heiress but someone steal her wealth. Because of that she became a normal girl. She work for her school expenses and other expenses. She had no relative that's why she live alone.Napataas ang kilay ko sa mga nabasa ko. Muli kong tinawagan si Bon.
"Sigurado ka ba sa mga naka sulat dito?" Tanong ko
"You know me, Lucifer. No need to ask me that." Mayabang na sabi ni Bon
Mapapatay kita kapag mali ang mga nakalagay dito.
"Kukupkupin mo na ba siya, Lucifer?" Tanong ni Bon na halatang nang aasar
"Why would I do that stupid thing? My house is not an orphanage." Saad ko
Natawa naman si Bon.
"Chill! Nag bibiro lang eh!" Sabi nito at tumawa
Ibinaba ko na ang tawag dahil wala nang kwenta.
Bago ako natulog ay tinignan ko muna ang mga cctv footage sa buong bahay. Wala namang kahinahinala kaya natulog na ako.
BINABASA MO ANG
Lucifer's Mistake (COMPLETE)
Short Story"It's a wrong move. Checkmate." I said then laugh. "You're so smart." "I know," I replied "But you'll be weak soon."