Eagerness

26 3 0
                                    

Klare POV

Nagising ako dahil sa mga hakbang ng paa na papunta sa silid na kinalalagyan ko. Agad akong bumangon at sakto namang binuksan na nila ang pinto.

"Get her." Utos ng isang matandang lalaki

Iniisip ko kung saan ko ba siya nakita. Sigurado akong nakita ko na siya dati.

Lalapit na sana ang isang lalaki na may malaking katawan sa akin pero sinamaan ko ito ng tingin.

"Young lady, wag ka nang pumalag pa. This will be quicker than you expected kapag hindi ka pumalag." Saad ng matandang lalaki

Inis ko naman itong tinapunan ng tingin.

"Ano ako? Tanga? Ikaw dapat ang sumusunod sa akin ngayon, tanda." Saad ko

Dahil sa inis niya ay dinakot niya ang mukha ko at marahas akong sinampal. Naramdaman kong pumutok ang labi ko at nalasahan ko rin ang dugo. Ngumisi ito na parang demonyo tyaka sumenyas sa kasama niya. Mabilis akong kinaladkad ng lalaking may malaking patungo sa isang laburatoryo. Inilagay niya ako sa kama at muling ipinosas ang kamay ko.

Shit. I know what will happen now.

"In any minute darating na ang King mo. Are you excited?" Saad ng matandang lalaki

Binalot ng kaba ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

Hindi ka pwedeng makuha Ace. Lalabas ako dito, intayin mo ako.

Binuksan ng matandang lalaki ang flat screen na tv at doon nakita ko si Ace kasama si Abania. He had bruises and cuts in his body and face. It makes me want to kill them all.

"Wag niyong idamay si Ace dito. Hindi ko kayo mapapatawad." Saad ko

Natawa naman ang matanda marahil dahil sa sinabi ko.

"Malaki ang kasalanan sa akin ng pamilya ng batang iyan. Buhay pa sana ang aking asawa kung hindi sa tatay niya." Saad ng matanda

"It is not his fault! Tigilan niyo na siya!" Sigaw ko rito

Pumunta ito sa gilid at kumuha ng renggilya. May laman itong kulay dilaw ba likido.

"Pero nasa dugo niya padin ang dugo ni Alfred. Nagamit ko na ito noon sa kanyang lola, nanay at tatay. Ngayon gagamitin ko naman ito sa inyong dalawa." Parang baliw na sabi ng matanda

Laking pasasalamat ko ng ibaba niya iyon.

"Uunahan ko na si Ace bago niya mapatay si Persephone at Hades. They are the future King and Queen and they are better than the two of you." Saad niya

Doon ako natauhan. Alam ko na kung anong mafia ang kinabibilangan nila.

"Cronus…" saad ko

Bigla naman itong napalingon sa akin na siyang kinangisi ko.

"Bakit gulat na gulat ka? Akala mo ba talaga tanga ako?" Tanong ko

Pinanlisikan ako ng mata nito. Binanggit ko ng walang galang ang pangalan niya kaya ganoon na lamang siya mag react.

"Huli na bago nalaman, babae. Sa tingin mo ba makakaalis ka pa dito?" Tugon ni Cronus

Naiinis man ay sa tingin ko hindi ako ganoon kadaling makakaalis dito. Hawak nila si Ace at hindi ko kayang iwaman si Ace. I just hope that Bon and Eren are finding a way to solve this.

Mayamaya lang ay dumating si Hades. May ibinulong ito sa kanyang Ama kaya nag madali itong umalis sa kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Hades pero wala akong pake sa presensya niya. Abala ang utak ko sa pag iisip ng paraan para makuha si Ace kay Abania.

Lucifer's Mistake (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon