Klare POV
Ang pagbibigay ng isang crest sa isa pang tao ay senyales ng pagpapakasal o 'di kaya ay pinagtitiwalaan niya itong itago.
Halos manindig ang balahibo ko ng kunin niya yon.
"What is your answer, Klare?" Tanong ni Ace
Napalunok ako ng makita ang saya sa mukha niya.
"O-oo I will be your queen but I will not accept that necklace. It look so expensive." Saad ko at ngumiti
Nananalangin akong sana hindi niya malaman na may alam ako sa kwintas na yon.
"No, this is not expensive. But it is important. I want to give this to you because you are more than important to me." Saad ni Ace
Kung hindi lang sana ako kinakabahan sa susunod na mangyayari sa akin kung tatanggapin ko ang kwintas na yan ay kinilig na sana ako sa tuwa.
"But--"
Naputol ang sasabihin ko ng ikabit na niya sa akin ang kwintas. Nasa harapan ko siya ng gawin niya yon kaya naman halos maramdaman ko ang hininga niyang sobrang bango.
"Breathe, Klare." Saad ni Ace
Napakurap ako sa gulat. Mabuti nalang at lumayo na siya sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Kailangan mong ingatan yan." Nakangiting sabi ni Ace
Putek. Talagang iingatan ko ito, mamamatay tayong dalawa kapag nawala ito.
Itinaas niya naman ang kanang kamay niya at ipinakita ang isa pang mahalaga sa mga Inferno, ang singsing na simbolo. Katulad ito ng disenyong nasa kwintas ko.
"Bakit importante ito sayo?" Tanong ko
Sinikap kong hindi ipakita ang kaba ko.
"That's my mom's necklace. Dad gave it to her when he proposed. There's another reason pero malalaman mo rin yun." Nakangiting sabi ni Ace
Tumango tango ako. Matapos naming sumakay sa ferris wheel ay nag lakad kami papunta sa mga bench at naupo.
"It's my proposal…" biglang sabi ni Ace
Napatingin ako sa kanya pero ang paningin niya ay nasa langit.
"Hindi ko na makita ang sarili kong nag papakasal sa ibang babae, Klare." Saad ni Ace
What?! Hindi mo pa nga ako kilala ng buo eh!
"Masyado pa tayong bata, Ace. We're just nineteen." Saad ko
Lumingon naman siya sa akin at ngumisi.
Ayan, active na naman ang pagiging demonyo niya.
"Sinabi ko bang ngayon na? Ganoon mo na ba gustong matali sa akin?" Nang aasar na sabi ni Ace
Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay napunta sa mukha dahil sa sobrang hiya.
"A-ace!" Inis kong sabi
Tinaas niya naman ang kamay niya na para bang nasuko.
"Joke lang. Tara na kaya? May pasok pa bukas eh." Saad ni Ace
Tumango naman ako. Sa isip ko ay gusto kong sampalin ang sarili dahil nalimutan kong nag aaral pa nga pala ako.
Nang makarating kami sa bahay ay umakyat na agad kami. Pupunta na sana ako sa kwarto ko ng hilahin ako ni Ace.
"Sleep beside me, future wife." Saad ni Ace
Halos mag tayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ang pula pula na naman ng mukha ko.
"H-hindi pa tayo mag asawa, Ace. B-bawal pa yun." Utal utal kong sabi
BINABASA MO ANG
Lucifer's Mistake (COMPLETE)
Short Story"It's a wrong move. Checkmate." I said then laugh. "You're so smart." "I know," I replied "But you'll be weak soon."