Prom in Hell

33 3 0
                                    

Ace POV

I am waiting at the sala for Klare. Inaayusan pa kasi siya ni Maque, yung baklang make up artist na kaibigan ni Verbon.

"Huwag kang nganganga mamaya pag baba ni Klare ha?" Pang aasar ni Bon

Sinamaan ko naman ito ng tingin. Tinapik niya pa si Eren pero wala itong pake sa kanya.

"Eren bantayan mong maigi ang paligid. Wala tayo sa grounds ng Inferno University kaya ano mang oras pwede silang gumawa ng kung ano." Saad ko

Agad namang tumango si Eren. Mayamaya lang ay bigla nang bumaba si Klare.

Iniwasan kong mapangiti pero wala na. Dahil sa mala-anghel niyang mukha ay natutunaw ako.

Ang suot niyang gown ay may kulay na pula ay itim. Maging ang heels niyang kulay itim ay bumagay sa kanya.

"Tara na. Masyado na tayong gagawa ng grand entrance nyan." Saad ni Bon

Agad naman akong kinapitan ni Klare sa braso. Nag lakad na kami papunta sa sasakyan namin at sumakay. Si Eren ang nag drive para sa amin at si Bon naman ang nasa passenger seat.

Nagulat ako ng hawakan ni Klare ang kamay ko. Napalingon tuloy ako sa kanya ng de oras.

"Why your hands are cold?" Tanong ko

Napansin ko ding parang di mapaliwanag ang ekspresyon ng mukha niya kanina pa.

"What ever happens, always remember that I love you." Saad niya at ngumiti

Hindi ko magawang ngumiti sa sinabi niya. Kinapitan ko nalang ng maigi ang kamay niya at tumingin sa kanya ng diretso.

"Bakit parang iba yung tono mo?" Tanong ko

Doon nag iba ang ekspresyon ng mukha niya. Bigla nalang iyong naging masigla.

"Wala naman. Sinasabi ko lang ah. Bakit ayaw mo ba?" Saad niya

Iiling iling ko naman itong tinignan.

"Hindi sa ganoon Klare. Para kasing nag papaalam ka eh." Saad ko

Natawa naman si Bon kaya napalingon ako sa kanya.

"Baka iniisip ni Klare na baka mag selos ka mamaya. Tignan mo King, ang ganda ganda ni Klare. Imposible namang walang mag aya dyan ng sayaw. Tsk tsk tsk." Saad ni Bon

Napatingin naman ako kay Klare dahil natawa na siya.

"Mag papasayaw ka sa ibang lalaki?" Inis kong tanong

Napahagikgik naman ito at umiling iling pa.

"Bakit naman ako papayag eh baka mamaya bigla mo silang tutukan ng baril!" Natatawang sabi ni Klare

Mag sasalita pa sana ako ng bigla akong nakawan ng halik nito sa labi. Smack lang yon pero halos mag wala ang puso ko.

Sakto namang nasa hotel na kami kaya bumaba na ako. Agad akong nag tungo sa harap ng pinto ng kotse at inalalayan si Klare na bumaba.

"May utang ka sakin, Klare. Magnanakaw ka." Saad ko

Ngumisi naman ito sa akin. Tyaka siya kumapit sa braso ko.

"Sige lang, Lucifer. Singilin mo lang." Saad niya

Mas naging iba ang pakiramdam ko ng tawagin niya ang pangalawang pangalan ko. Hindi ko na pinansin ang nararamdaman ko at nag tungo na kami sa pinag dadausan ng prom. Sinadya naming mag palate dahil ayaw naming maabutan ang mga seremonyas.

As expected, pinag tinginan kami ng mga estudyante.

"Ang gwapo gwapo ni Ace!"

"Look, he's with Klare!"

Lucifer's Mistake (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon