Klare POV
Maniningil talaga ako! Akala mo ba ikaw lang untouchable dito?!
Nakakainis kasi hindi ako nakatulog ng ayos! Maski pag hahanda para sa school ay lutang ako.
"Hoy bilisan mo dyan! Iiwan talaga kita!" Sigaw ni Ace mula sa labas ng pinto ng kwarto ko
Agad naman ako lumabas ay naabutan kong nasa hagdan na rin siya pababa.
"Ano yang suot mo?" Tanong ni Ace
Napatingin naman ako sa suot ko.
"Anong mali? Civilian naman diba?" Saad ko pa
"Anong tingin mo sa school? Bar?! Papalda palda ka pa! Mag palit ka nga doon!" Galit na sigaw ni Ace
Hihirit pa sana ako kaso naisip kong wag nalang. Agad na akong nag palit ng t-shirt at pantalon.
Lintian ka talaga Lucifer! Mag sama kayo ni satanas sa baba!
Padabog pa akong bumaba at pumunta sa parking. Sumakay na agad ako sa kotse kasi andoon na siya.
Tsk! Pati almusal hindi ako naka kain!
Nag labas nalang ako ng candy at yun nalang ang kinain ko sa byahe. Nang makarating kami ay agad kaming sinalubong ni Bon at Eren. Binigyan ko agad sila ng ngiti.
"May balita ako sayo, Lucifer." Saad ni Bon
"Oh?" Tanong ni Ace
"Si Abania, inabangan daw nung isang araw kasi dumikit sayo! Biruin mo yon?!" Saad ni Bon
What?!
"Sino sino nag abang sa kanya?" Tanong ni Ace
"Yung gang nila Juno. Mga siraulo talaga." Saad ni Bon
Oo nga pala. Ayaw niya nga pala ng may nadadamay dahil sa kaniya.
Ewan ko pero parang bigla akong nakaramdam ng lungkot sa ekpresyon ni Ace.
"Dalhin mo nga sakin yang Abania na yan." Saad ni Ace
Tumango naman si Bon at umalis.
"Eren, dumiretso na kayo ni Klare sa room. Kakausapin ko lang yung Abania na yon." Saad ni Ace
Tumango naman si Eren.
Bahagya pa akong napatulala dahil hindi siya sasabay sa amin.
Natauhan lang ako kasi inalalayan ako ni Eren papasok sa room. Napangalumbaba lang ako noong makarating ako sa upuan ko.
Tsk! Hindi na ako sanay na wala siya sa tabi ko!
Ace Lucifer POV
Mabilis lang kaming nakarating ng Abania na ito sa open field.
"Ikaw ba ano bang gusto mong gawin sa buhay mo?" Inis kong tanong
"G-gusto ko lang mapalapit sayo." Paliwanag ni Abania
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Why? Because of my popularity?" Nakangising tanong ko
Umiling siya agad.
"Unang kita ko palang sayo sa convenience store gusto na kita! Natuwa ako kasi nakita kong classmate pala kita!" Saad ni Abania
Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
"Hindi mo ba alam na naiinis ako sa presensya mo? Hinding hinding mangyayari yang iniisip mong magiging close tayo dahil wala akong pakeelam sayo." Saad ko
BINABASA MO ANG
Lucifer's Mistake (COMPLETE)
Short Story"It's a wrong move. Checkmate." I said then laugh. "You're so smart." "I know," I replied "But you'll be weak soon."