Give Up Everything: CH 2

2.6K 47 0
                                    

Author's Note:

Hello hello! Update for today! Enjoy reading guys 😊 Thank you for supporting

Follow me on twitter @sgt_limario and let's be mutuals 😊

_________________________________________________

LISA'S POV

"Ano ba kasing ginawa mo ha? Ba't bugbog sarado ka?" Sabi sakin ng bestfriend kong si Chaeng habang ginagamot ang mga pasa at sugat ko.

"Wala. Wala to"

"WALA?! EH ANO TO?! ANO TO?!" Galit na galit na sabi nya sabay diin sa mga pasa ko.

"Aray! Aray punyeta naman Chaeng oh! Aray! Aray kasi!"

"Sasabihin mo ba sakin o ano?"

"Oo na! Oo na! Aray! Tama na kasi!"

"Ano nga?!"

"Ano kasi. . .isinubsob kasi ako sa ano. . .sa toilet bowl nung isang lalaki tsaka nung mga kaibigan nya" Naningkit ang mga mata ni Chaeng habang nakikinig sakin. Di sya agad nakapagreact sa sinabi ko.

"ANO?! BAKIT?! SINO MAY GAWA SAYO NITO HA?!" Sabi nya nang magsink in sa kanya yung sinabi ko.

"Kasi ganito yun. Nagmamop kasi ako sa hallway nun tas di ko kasi napansin na dumaan sya tsaka yung mga kabarkada nya. Ayun natamaan ng mop ko yung puting sapatos nya. Pinalinisan nya sakin tas gusto nya dilaan ko daw kasi di daw pumuputi. Ayun tumanggi ako. Kinaladkad nya ko papasok ng CR. Sinubsob mukha ko sa bowl. Kung di pa umawat yung girlfriend nya ata yun, siguro patay nako ngayon"

"PUTANGINA?! HINDI MAKATAO YUNG GINAWA SAYO LILI! SINONG GUMAWA SAYO NYAN?"

"Di ko kilala eh. Basta ang alam ko lang binigyan ako ng calling card ng girlfriend nung lalaki. J-Jennie ata yung pangalan nun kung tama dinig ko sa sinabi nya"

"ANAK NG PUTA NGA TALAGA OH OH! KUNG MINAMALAS KA NGA NAMAN! WALA TALAGANG PINIPILING TAONG AABUSUHIN YANG GRUPO NI KAI"

"Sino naman yung Kai?"

"Jowa nung Jennie yung Kai. Malamang yung grupo nya yung umapi sayo. Salbahe yang grupo nila. Next time umiwas ka nalang pag nakita mo sila. Walang sinasanto yang mga yan. Palibhasa tatay nung Kai yung may-ari ng school natin"

"Ahh ganun ba"

*****

3RD PERSON'S POV

Kinabukasan. . .

"Lili, yung bilin ko ha. Umiwas ka"

"Oo na. O sya sige na see you later. May klase pa ko. Tsaka may duty pala ako mamaya sa may hallway ulit. Sana this time di na ko mabugbog haha" Pagbibiro ni Lisa.

"Di nakakatawa Lili. Anyway, mauna na ko"

*****

Mga 7PM nang matapos ang klase ni Lisa. Dumiretso kaagad sya sa utility department para kunin ang mga gamit panglinis.


"O Lisa, anak, anong nangyari sa mukha mo? Ba't andami mong pasa?" Tanong ng head ng utility department ng eskwelahan kung saan sya nagpapart time janitress.

"Wala po to Maam. Nadulas lang po"

"Sigurado ka ba? Kaya mo ba magduty ngayon? Pahinga ka nalang kaya muna? Mukhang nanghihina ka pa eh"

"Okay lang po ako Maam. Yakang yaka po. Tsaka kailangan ko po ng pera pampagamot kay Mama eh"

"Alam mo hindi ko talaga maintindihan kung bakit hanggang ngayon hindi ka pa nagkakagirlfriend. Matalino ka na, poging maganda at napakabait mo pa. Ano pa hahanapin nila diba?"

"Naku Maam may pagkabolera din po pala kayo minsan no?" Natatawang sabi ni Lisa sabay kuha sa mop at balde.

"Hindi ah. Bulag lang siguro talaga yung mga babae. Kung ako sayo si Chaeng nalang. Mabait din yung batang yun. Boto ako dun"

"Maam naman. Bestfriend ko lang po yun si Chaeng. Di po kami talo. At tsaka may iba po yung gusto"

"Okay sige. Basta pakilala mo sakin ha pag may napupusuan ka na"

"Oks Maam"

"Hanggang anong oras ka nga ngayon?"

"Hanggang 11PM po Maam"

"O sya sige mauna na ako ha. Mag-iingat ka dito"

"Ingat din po kayo Maam"

*****

Bandang 10PM nung matapos linisin ni Lisa ang kahabaan ng hallway nang may marinig syang iyak sa loob ng CR.

"Jusko po!" Napasign of the cross si Lisa.

Bigla syang napatigil nang lumakas ang iyak na may kasama pang pag-ubo.

"I can't go home like this" Rinig nya mula sa CR.

"Teka. . .parang tao ata" Bulong ni Lisa sa sarili.

Dahan-dahan nyang binuksan ang CR at sinilip ang loob nito. Nagulat sya nang may isang silhouette ng babaeng nakaupo sa sahig at umiiyak.

"M-Miss?" Mahina nyang sabi sabay pasok sa loob.

"Miss, o-okay ka lang ba?" Tanong ni Lisa pero hindi sumagot ang babae kaya nilapitan nya ito.

"Miss?" Sinilip nya ang mukha nito pero natatakpan ito ng mga buhok kaya hinawi nya ito.

"JENNIE???"

_________________________________________________

To be continued. . .😊

JENLISA: Give Up Everything [COMPLETED]Where stories live. Discover now