Give Up Everything: CH 13

2.1K 46 1
                                    

Author's Note:

Hello geeeys! Kumusta? I hope you are having a good time. Ingat ingat sa pagsashopping. Naglipana mga snatchers ngayon. Shoutout sa mga ubos na ang 13th month and bonus 😂

Anyway, thank you so much for reading and supporting this short story. Love you guys 👍😊

Advance Merry Christmas geeeys! 😊

_________________________________________________

3RD PERSON'S POV

Sinugod kaagad ng magkakaibigan si Lisa sa ospital. Si Jennie na din mismo ang tumawag sa Mama ni Lisa na nasa bahay at walang kaalam-alam sa nangyari.

Iyak nang iyak ito nang malaman ang nangyari sa anak kaya minabuti ni Jennie na sya na mismo ang sumundo para makita nito ang anak na si Lisa na ngayo'y nag-aagaw buhay dahil sa nangyari.

Nasa ospital silang lahat nagdadasal. Kasama ng Mama ni Lisa sila Chaeng at Jisoo. Inaalalayan nila ito dahil nahimatay na ito kanina.

Si Jennie naman tinawagan na din ang Mommy nya at ibinalita ang nangyari. Sinusubukan din nyang tawagan ang mga pinangalanan ni Lisa na gumawa nito sa kanya bago ito nawalan ng malay ngunit wala niisang sumasagot sa mga ito.

Kinabukasan, agad na pinuntahan ni Jennie ang mga ito sa eskwelahan.

"SUHO!!!" Galit na galit na sinugod ni Jennie si Suho nang makita nya itong mag-isang nakaupo sa tambayan nila.

"O Jen kumus---"

*PAK

"Jen. . ." Tanging nasabi ng lalaki pagkatapos makatanggap ng malakas na sampal mula sa dalaga. Nanlilisik ang mga ni Jennie at animo'y di malabong makapatay ng tao.

"MASAYA NA KAYO?!!! MASAYA NA KAYONG NAG-AAGAW BUHAY NGAYON SI LISA SA OSPITAL NANG DAHIL SA INYO???!!!"

"Jen. . .a-anong ibig m-mong sa-sabihin?"

"WAG KA NANG MAGMAANG MAANGAN PA SUHO!!! ALAM KO NA ANG LAHAT!!! SI LISA MISMO ANG NAGSABI SAKIN BAGO SYA NAWALAN NG MALAY NA KAYO ANG NAMBUGBOG SA KANYA!!!"

"Jen. . .n-na-utusan lang k-kam---"

"MAGBABAYAD KAYONG LAHAT!!! IKAW, SI TEN, YUNG PUTANGINANG KRYSTAL NA YUN, ANG DEMONYONG KAI NA YUN, AT LAHAT NG KASABWAT NYO!!! YOU WILL ALL ROT IN JAIL!!!" Sabi ni Jennie sabay talikod.

"Jen. . .w-wait. . .p-please. Hindi ako ang may pakana! Hindi ako!" Paliwanag ni Suho pero hindi na sya pinakinggan ng dalaga.

"FUCK!!! Pano na to ngayon???"

*****

*****

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
JENLISA: Give Up Everything [COMPLETED]Where stories live. Discover now