Author's Note:
Hello ulit! Another update. By the way, I'm planning to republish this story after matapos. Hindi na po sya magiging part ng short story. Magiging stand alone sya. And yung short story, I'll change it to one-shot stories. Thank you geeeys for reading. 🤘❤
_________________________________________________
3RD PERSON'S POV
Flashback
"Uhm. . .by the way Mom, Kai and I will. . .uhm go to New York to. . .c-celebrate our 3rd anniversary" Sabi ni Jennie sa harap nila Lisa, Jisoo, at Chaeng.
Gulat na gulat ang tatlo. Hindi nila alam kung anong nangyayari kay Jennie. Okay pa naman sya kanina nung hindi pa dumadating si Kai.
Sa kanilang tatlo, si Lisa lang ang bukod tanging walang alam na ginagawa iyon ni Jennie para hindi sya mapaalis sa school since tatay ni Kai ang may-ari. Ngunit bukod kay Kai at ngayo'y si Krystal, si Jennie lang din ang nakakaalam sa isa pang dahilan na pilit nyang itinatago.
"Ohhh. When is your flight?" Tanong ng mommy nya.
"The next day" Maikling sagot ni Jennie sabay tingin kay Lisa na nakatiim bagang. Nakayuko lang ito at halatang mahigpit ang pagkakahawak sa kubyertos nya. Si Kai nama'y nakangiting nakatingin kay Lisa.
*****
"Bye babe. See you tomorrow" Sabi ni Kai sabay halik sa pisngi ni Jennie. Nakangisi pa itong naglakad papunta sa kotse nya. Wala namang emosyon ang dalaga.
Lingid sa kaalaman ni Jennie, hindi pa umuuwi ng bahay si Lisa at hinihintay lang makaalis si Kai. Si Jisoo at Chaeng nama'y nauna na.
Papasok na sana si Jennie ng bahay nila nang bigla syang hatakin ni Lisa. Hinawakan sya nito sa mga balikat.
"Jen. . ."
"Lisa. . ." Gulat na tanong ng dalaga.
"Jen. . .akala ko ba hiwalay na kayo ni Kai?" Sabi ni Lisa na mahahalata mo sa mga mata nya na papaiyak na. Parang nagmamakaawa itong bigyan sya ng sagot sa mga tanong na gumugulo sa isipan nya.
Hindi agad nakasagot si Jennie. Naaawa sya dito at halos umiyak na. Naglihis ito ng tingin at pilit inaalis ang mga palad ni Lisa na nasa balikat nya.
"N-Nagkabalikan na kami. I-I'm sorry di ko kaagad nasabi sayo. Sobrang naoverwhelmed lang ako. A-Akala ko kasi. . .k-kaya kong mawala si Kai sa tabi ko" Pikit matang sagot ni Jennie. Hindi pa rin ito tumitingin kay Lisa na ngayo'y nakayuko na ang ulo habang nakahawak pa rin sa balikat ni Jennie.
Namalagi ang katahimikan ng ilang segundo. Mayamaya pa'y galit na nagsalita si Lisa habang may luha sa kanyang mga mata.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Jen?! Nakalimutan mo na bang binugbog ka ng lalaking yun?! Nababaliw ka na ba?!"
"He said hindi nya sinasadya. And besides he promised me na hindi na nya uulitin" Sagot ni Jennie na pinipilit na wag umiyak sa naririnig na hikbi mula kay Lisa. Hindi pa rin ito nakatingin sa huli.
"At naniwala ka naman??? Ginawa na nya, magagawa ulit nya yan sa susunod! Sinungaling sya! Binibilog lang nya ang ulo mo! Gumising ka Jen! Hindi ikaw to! Kung may problema ka kaya mo to ginagawa, please magsabi ka! Magsabi ka sakin! Willing akong tulungan ka kahit ano man yan! Wag ka lang bumalik sa kanya" Iyak na sabi ni Lisa.
"Lili please. . .enough. M-Mahal ko si Kai at sya lang. Di na magbabago ang decision ko. Next time wag ka nalang makialam please" Tumalikod na si Jennie kay Lisa nung hindi na nya napigilang pumatak ang kanyang mga luha.
YOU ARE READING
JENLISA: Give Up Everything [COMPLETED]
FanficSTORY TEASER: This is a Jenlisa short story wherein Jennie is a popular student with a bad attitude while Lisa is a student-janitress striving hard to earn money for her family and for her education.