Give Up Everything: CH 7

1.9K 44 3
                                    

Author's Note:

Hi guys. Update for today 😊 Enjoy

Follow me on twitter @sgt_limario and let's be mutuals. By the way, to all my Jenlisa readers simula pa nung Spin to Breathe, as promised I will announce later yung winner ng pa-Christmas gift natin.

Thank you so much for the support. Love you geeeys 😊🌈

_________________________________________________

3RD PERSON'S POV

"Marquez!" Tawag ng isang kakilala ni Lisa na si Seulgi.

"O Kang, bakit? May kailangan ka?"

"Diba dancer ka? May dance competition kasi yung school natin. Aayain sana kitang sumali sa grupo namin. Pasok na kami sa qualifying rounds. Kaso lang nagbackout yung isa naming kasama. Kulang na kami kasi minimum of 5 dancers per group eh. Pwede ka ba namin ayain sumali samin? Dati ka pa sana namin gusto ayain kahit nung qualifying rounds pa. Kaso lang nahihiya kami, kasama mo kasi lagi si Jen"

"Naku Kang medyo wrong timing. Medyo busy sa school tsaka may duty pa ako sa hallway. Tsaka wala akong pera pang costume kung sakali. Sensya na next time nalang siguro"

"Ahhh ganun ba? Naku sayang naman. Full scholarship kasi yung prize nun. Makakatulong din yun sayo kung mananalo tayo. Tsaka malaki din yung cash prize. Pag-isipan mo nalang muna. Sayang naman kasi"

"Oo nga sayang yun Li" Biglang may sumulpot sa likod ni Lisa.

"Chu. . ."

"Wag ka na mag-alala, ako nang bahala sa costume mo basta ipanalo nyo lang yung contest. Mga sikat at malalaking grupo kasali dun. Pati na rin yung grupo ng ex ni Jendeuk. Tsaka totoong malaki yung prize. Makakatulong din yun sa inyo ni Tita"

"Chu. . .nakakahiya naman. Wag na. Next time nalang pag medyo nakaluwag luwag nako. Gipit kasi ako ngayon. Kakabili ko lang ng gamot ni Mama eh"

"Ay naku wag mo na alalahanin yun. Tulong ko na din to sa inyo ni Tita. Pa-thank you na rin sa pag-aalaga nyo kay Jendeuk dati. Sige na tanggapin mo na yung offer si Seulgi"

"Naku ikaw pa gagastos ng costume ko. Babayaran nalang kita. Nakakahiya kasi eh"

"Ikaw bahala basta sali ka na sige na. Tama si Seul. Sayang kasi"

*****

Calling Jendeuk 👌. . .

"Hello Jendeuk!"

"Hey Chu! Why'd you call?"

"Pumunta ka dito sa conference daliiii!"

"Why? Anong meron?"

"Si Lisa kasi. . ."

"WHY??? Did something happen? What happened to Lili???" Nag-aalalang tanong ni Jennie.

"See for yourself"

*****

"Oh ano girl buhay ka pa? Humihinga ka pa ba?" Natatawang sabi ni Jisoo kay Jennie na nakatulala habang nanonood sa practice performance ni Lisa kasama ang mga kagrupo nya.

Magkakaroon kasi ang school nila ng isang dance competition kung saan pitong grupo ang pasok na sa qualifying rounds. Kasama doon ang grupo na sinalihan ni Lisa.

"Why didn't you both tell me earlier na kasali pala si Lili sa dance competition ng school?" Naniningkit na matang tanong ni Jennie kila Jisoo at Chaeng. Nakacross arms pa ito at tinatapik tapik sa sahig ang dulo ng sapatos nito na para bang nagmamadaling marinig ang sagot.

JENLISA: Give Up Everything [COMPLETED]Where stories live. Discover now