Author's Note:
Hello hello! Kumusta kayo geys? Kumusta bakasyon geys? Walwal kung walwal? 😂 Anyway, salamat sa pagsuporta sa short story na to. This is the finale chapter. Enjoy 😊
Thank you thank you so much sa lahat ng sumuporta 😊
_________________________________________________
3RD PERSON'S POV
"Buti naman at nabigyan na ng justice yung ginawa nila Suho kay Lisa at yung ginawa nina Kai at Krystal sayo Jendeuk. Matatahimik na ang lahat. Wala nang manggugulo sa school. Wala nang mang-aagrabyado ng ibang tao" Sabi ni Jisoo nang malaman na guilty ang lahat ng kasong isinampa nila laban kay Kai at sa grupo nya except sa kaso na hindi alam ni Kai yung pambubugbog kay Lisa. Nasa isang restaurant ang dalawa ngayon at nagdidinner.
"Yeah. Matatahimik na rin ang lahat"
Dalawang buwan mula nung malagim na sinapit ni Lisa, nagkaroon din ng linaw ang lahat. Paghihiganti, selos, at galit ang naging dahilan kung bakit nagawa iyon ni Krystal na syang pasimuno ng lahat ng nangyari. Unti-unti na ring nakakabangon si Lisa sa pangyayaring iyon. Unti-unti na ring naghihilom ang bakas ng nakaraan. Unti-unti na ring bumabalik sa dati ang lahat.
"Uhm. . .excuse me Maam Jennie, pinabibigay po" Inabot ng isang waiter ang isang tangkay ng blue rose. May kasama itong card na may nakasulat na letter "I" sa labas.
"Teka, kanino galing?" Tanong ni Jennie ngunit ngumiti lang ang waiter bago umalis. Nakangiti din si Jisoo.
I. . .meaning AKO. Puso ko, isip ko, kaluluwa ko, buong pagkatao ko
Lahat ng iyan inilaan ko at ipinangako ko para sa babaeng pinakamamahal ko
"Kanino kaya to galing? I mean. . .this is so sweet. I'm speechless. Para sakin ba talaga to? Baka naman nagkamali lang yung waiter" Nagtatakang tanong ni Jennie.
"Baka naman galing kay Lisa?"
"No, that's impossible. Nasa Cebu ngayon si Lili for a contest eh"
"Hanggang kelan ba sya dun?"
"She said hanggang bukas. ETD nya is at 7PM pa"
"Mmmm ganun ba? Baka naman galing sa secret admirer mo?" Natatawang sabi ni Jisoo.
"Naaa I don't have time for that, Chu. Isa lang naman ang gusto ko"
"Sino? Si Lisa?" Nakakalokong tanong ni Jisoo sa kaibigan. Hindi sumagot si Jennie. Nakayuko lang ito at sumeryoso ang mukha.
"Oh bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba Jendeuk?"
"Ano kasi Chu. . .uhm. . .I think. . .Lili doesn't like me"
"What??? That's impossible! Lisa likes you! Alam ko yan. Di naman nya gagawin to kung hindi ka nya gusto eh"
"What???"
"I-I mean nakikita ko sa mga mata nya na gusto ka nya. What made you think na hindi ka nya gusto?"
"I saw her with a girl before sya umalis papuntang Cebu. They were happy. They were laughing. Halata naman kay Lili na gusto nya yung babae" Malungkot na sabi ni Jennie. Ngumiti lang si Jisoo.
"You know what, assuming ka lang. Tumawa lang yung tao, gusto na agad?"
"Assuming ka rin for thinking na gusto nya din ako" Jennie replied abruptly.
"Gusto ka naman nya talaga. In fact, mahal ka nya. Sobrang mahal"
"Don't give me false hopes, Chu. We know that's not true"
YOU ARE READING
JENLISA: Give Up Everything [COMPLETED]
FanfictionSTORY TEASER: This is a Jenlisa short story wherein Jennie is a popular student with a bad attitude while Lisa is a student-janitress striving hard to earn money for her family and for her education.