1st Chapter

887 13 1
                                    

*3 HEARTS*

CHAPTER 1

Malapit ng mag Valentine kaya naman nag-leave talaga ang magpipinsang Montejar sa mga trabaho nila para makapag-bakasyon grande!

At siyempre, sa Delucas Island na naman ang punta nila at 1 month sila don mag-i-stay. Long vacation talaga kasama ng mga asawa nila!

Pumasok na sina Drake at Chichay sa loob ng malaking kwarto nila sa Oceania Lounge.

"Drake nakaka-guilty naman, tama bang iniwan natin si Drich tapos tayo, mag-eenjoy dito? Magbubuhay dalaga at binata? Sure akong iiyak yon." naku-konsensyang sabi ni Chichay habang nakaupo siya sa kama at si Drake naman ay binubuksan ang mga bintana.

"She will be fine, nandun naman si mommy at maraming yaya don. Wag ka ngang namu-mroblema. Nag-leave ako sa trabaho para dito kaya dapat lang na mag-leave ka din muna sa pag-aalaga sa anak natin. Ako muna ang alagaan mo ngayon. Feeling ko, wala ka ng time sa'ken!" medyo nagtatampong sabi ni Drake sabay upo na rin sa kama.

"Drake, walang leave ang pagiging mommy!"

"Chichay ano ba?! Magtatalo na naman ba tayo?! Sabi ko, she'll be fine! Hindi naman siya pababayaan don! So anong gusto mo?! Gusto mo na bang umuwi?" galit na tanong ni Drake at biglang napaluha nalang si Chichay.

Miss niya na kase agad ang 1 year old nilang anak. Gusto niyang kargahin si Drich, halikan at yakapin. Pero pano?? Sobrang layo nila ngayon sa isa't isa!

"Ayan ka na naman sa iyak mo! Dadaanin mo na naman ako sa iyak dahil alam mong yan ang kahinaan ko. Na kapag nakikita kitang umiiyak ay tumitiklop na ko." sabay hawak ni Drake sa ulo at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. "So, gusto mo ng umuwi?" mahinahong tanong ni Drake.

"Gusto ko ng makita si Drich." umiiyak na sabi ni Chichay.

"Kaya nga dinala kita dito," mahinahong sabi ni Drake. "Para naman mapansin mo rin ako at para magka-oras ka rin sa'kin. Alam kong mali na pati yung anak natin ay pagselosan ko Chichay. Pero bakit pinaparamdam mo sa'kin na hindi mo na ko kailangan. Feeling ko kahit kayo lang ni Drich okay na. Kahit wala ko okay na." tumayo si Drake at namulsa at huminga muna ng malalim bago nagsalita. "Umuwi ka na Chichay, ako na lang ang mag-isang magbabakasyon dito. I-ce-celebrate ko mag-isa ang Valentine. Okay lang ako. Umuwi ka na." at walang ganang lumabas ng kwartong 'yon si Drake.

Naiwan nalang ang tulalang si Chichay na hindi alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.

Siyempre gusto niyang makasama si Drake! Pero gusto niyang kasama rin nila si Drich.

+**+

"Yuan ano ba!!" tili ni Eya nung bigla siyang daganan ni Yuan habang nakahiga siya sa kama.

Naka-boxer shorts lang si Yuan at ramdam na ramdam niya ang matigas na bahagi nito!

"So, solong solo kita ngayon! Wala akong kaagaw sa'yo." nakangising bulong ni Yuan at mabilis niyang hinalikan sa labi si Eya, yung halik na sabik na sabik!

This last few months ay naging busy sila sa kani-kanilang trabaho. Si Yuan sa Monte-Raval Hospital at si Eya naman ay sa pagkanta pa rin sa Celestine, hindi niya talaga iniiwan ang pagkanta kahit pa may anak na sila. At hinahayaan lang naman siya ni Yuan na ganon, basta kailangan, pag-uwi ni Yuan ay nasa bahay na siya.

"Na-miss kita!" nakangiting sabi ni Eya kay Yuan.

"I miss you more!" sabi din ni Yuan at mabilis niyang hinila pababa ang suot na short ni Eya at napasinghap ang babae sa ginawa niya.

"I love you Eya, paliligayahin ki---------" napahinto sa pagsasalita si Yuan nung may kumatok sa pinto. "What the f***!" inis niyang sabi at agad niyang itinaas ang short ni Eya para maisuot ulit ito.

Natatawa lang si Eya nung tumayo ang asawa niya para buksan ang pinto. Panay pa rin kase ang katok nito.

"SANDALI!!!" malakas na sigaw ni Yuan.

Pagbukas ni Yuan sa pinto ay iniluwa non ang nakasimangot na si Drake at agad itong pumasok sa loob ng kwarto nila.

"Nakaka-istorbo ba ko?" seryosong tanong ni Drake sabay upo sa couch at nag-de-kwatro.

"Oo! Sobra!" sarkastikong sagot ni Yuan. "Abnormal ka kase eh! Hanggang ngayon abnormal ka pa rin Drake! Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na agad para umalis ka na." pikong sabi ni Yuan at panay lang ang tawa ni Eya.

"Iwan ko na nga muna kayong mag-pinsan! Pupuntahan ko lang si Chichay."'nakangiting sabi ni Eya at agad na siyang umalis sa kama.

"Balik ka agad ah." sabi ni Yuan at ngumiti lang si Eya bago ito lumabas sa kwartong 'yon.

Ibinaling ulit ni Yuan ang tingin niya kay Drake,
"So ano nga? Ano bang sadya mo?"

"Wala! Makikitambay lang! Masama ba?!" sarkastikong sabi ni Drake.

"What the f***! Naputol ang gagawin namin ni Kisses para lang makitambay ka? Wow! You're great!"

"Ang maniac mo! Ang aga-aga kung anu-ano agad ang gagawin mo! Isang buwan tayo dito gago! Ano?? Aaraw-arawin mo?" inis na sabi ni Drake sabay higa sa couch. "Dito muna ko, hindi ako pinagbuksan ni Bench eh! Manang-mana sa ka-manyakan mo!"

"Siraulo!" bulyaw ni Yuan at agad niyang hinagisan ng unan si Drake.

+**+

"Ugh...Shit...ugh.. Agnes..ah..fvck!" panay ang dirty talks at ungol ni Bench habang nakapatong siya sa asawa at habang pinagsasaluhan nila ang sarap at ligaya.

"Ugh, ah...ang sarap Bench..ugh." ungol din ni Agnes.

"Eto ang aasikasuhin ko ngayon Agnes, ang makagawa tayo ng baby ulit." pilyong ngiti ni Bench habang kagat labi lang na gumagalaw sa ibabaw ng asawa. Napangiti lang si Agnes, napapangiti siya sa halu-halong emosyon na nararamdaman.

Matapos ang kaligayang 'yon ay pareho na silang pagod at humiga ng magkatabi.

Naka-unan si Agnes sa braso ni Bench.
"Kumusta kaya si baby Eli?" nakangiting tanong ni Agnes kay Bench.

"Sure akong okay siya. Alam mo naman si ate Lara diba? Mahal na mahal niya 'yon si Eli, sabi niya nga, kahit 1 year daw tayo mawala eh." natatawang sabi ni Bench.

Napangiti nalang din si Agnes nung maimagine niya ang nakatawang baby nila.
"Teka, sino nga kaya yung kumakatok kanina?"

"Si Drake lang 'yon. Si Drake lang naman ang ganung kalakas kumatok." natatawang sabi ni Bench.

"Tara na Bench, bumaba na tayo. Gutom na 'ko eh at sabi ko kina Eya at Chichay na sabay-sabay tayo kakain."

"Hindi ka pa ba nabusog sa ginawa naten?" pilyong tanong ni Bench at kinurot lang siya ni Agnes sa tagiliran. "Okay sige pero.. magpapalit muna ko ng brief!" natatawang sabi ni Bench at natawa nalang din si Agnes.

"Ako din, magpapalit. Amoy ano tayo eh!" sabi ni Agnes na agad na ring bumangon para magpalit ng damit.

+**+

Nasa isang Seafoods Restaurant sina Eya, Yuan, Agnes, Bench at Chichay.

"Nasan si Drake?" nagtatakang tanong ni Bench sa lahat.

"Ewan ko, kanina pa siya lumabas sa room namin." malungkot na sagot ni Chichay na agad kumuha ng ginataang sugpo na may kalabasa.

"As usual, para namang hindi mo kilala si Drake!" natatawang sabi ni Yuan kay Bench.

Nagkibit balikat nalang si Bench at agad nilagyan ng alimasag ang pinggan ni Agnes,
"Alam kong yan ang na-miss mo dito." nakangiting sabi niya at ngumiti din si Agnes.

"Alam na alam mo ah!" sabi ni Agnes sabay pisil sa pisngi ng asawa.

"Ofcourse!" malambing na sabi ni Bench.

"Wait Yuan! Ako na ang magbabalat ng alimasag para sa'yo, alam kong ayaw mong nagbubukas nito eh." maagap naman na sabi ni Eya at agad niyang kinuha ang alimasag sa pinggan ng asawa.

"No, ako na, nakakahiya naman sa'yo. Alam ko namang may hihingin kang kapalit later." napapailing na sabi ni Yuan.

"Ang arte mo Yuan! Sampalin kita dyan eh!" asar na sabi ni Eya.

"Subukan mo! Hahalikan kita!" natatawang sabi ni Yuan at natawa nalang si Eya.

Si Chichay naman ay napapangiti nalang sa ka-sweetan ng dalawang pares.

Wala kase si Drake! Nasan ba si Drake? Galit na naman!

"Ayan na pala si Drake eh!" sabay nguso ni Yuan at napalingon agad si Chichay.

Kunot noo pa rin si Drake at umupo sa tabi ni Yuan. Malayo kay Chichay! Napayuko nalang ang babae sa ginawa ng asawa niya.

"Hoy Drake! Nang-aaway ka na naman ba? Bakit kay Yuan ka tumabi? Asawa mo yan?!" kunot noong tanong ni Bench.

"Okay lang!" biglang sagot ni Chichay. "Patapos na rin naman ako kumain. Mauuna na ko sa inyo." walang ganang sabi niya at maya-maya pa ay agad na siyang tumayo. May laman pang sugpo ang pinggan niya at halatang hindi pa talaga siya tapos kumain. Naiinis lang kase talaga siya kay Drake!

"Tapos ka na agad? Sure ka?" tanong pa ni Agnes.

"Oo, sige guys, una na ko." pag-papa-alam ni Chichay at tuluyan na siyang umalis sa restau na 'yon.

Nung makalayo na si Chichay ay itinulak ni Yuan ng malakas si Drake! Yung tipong muntik na talaga itong mahulog dahil sa lakas ng pagkakatulak!

"Why the hell you push me?!" galit na sabi ni Drake kay Yuan.

"E gago ka eh! Habulin mo yung asawa mo!" inis na sabi ni Yuan.

"Look, hindi ako ang may kasalanan! Siya!" inis na sabi ni Drake.

"Kahit na!" inis din na sabi ni Bench. "So ano? Makikipag-matigasan ka?! Gago ka nga! F*ck you ka Drake mamatay ka na!"

"Tsk!" inis na tumayo si Drake at agad niya ng iniwan ang mga bullshit niyang pinsan sa table na 'yon.

+**+

Nasa kwarto lang si Chichay at umiiyak. Drake is always Drake!!

Medyo nagulat pa siya nung bumukas ang pinto ng kwarto nila at iniluwa non ang nakapamulsang si Drake.

"Tara na, umuwi na tayo. Iwan na lang natin sila dito. Besides, marami pa kong gagawin sa office. Dapat talaga hindi nalang ako nag-leave. Hindi mo naman pala maaappreciate." seryosong sabi ni Drake pero hindi umiimik si Chichay.

"Sorry Drake!" may luhang sabi ni Chichay. "Sorry kanina. Siyempre naa-appreciate ko 'tong ginawa mo. Sorry talaga. Ayoko pang umuwi. Gusto pa kitang makasama dito."

Pagkasabi non ni Chichay ay biglang nagliwanag ang mukha ni Drake. Napangiti ito at agad lumapit kay Chichay at yumakap.

"Thanks!" nakangiting sabi ni Drake at napangiti na rin si Chichay.

Siyempre gusto niyang makasama si Drake. Na-mi-miss niya lang kase talaga si Drich kaya siguro siya nagiging emotional.

+**+

"Jag! Nandito ka rin pala?" nakangiting sabi ni Yuan kay Jag nung makita nila ito nina Eya, Agnes at Bench sa may sea side.

"Yup! Ikakasal na kase yung sister ko at dito sa Delucas ang venue." nakangiting sabi ni Jag. "May party mamaya! Sana makapunta kayo."

"Sure!" mabilis na sagot ni Bench.

"Okay yang party na 'yan, pupunta kami ni Yuan." nakangiting sabi ni Eya.

"Oops sorry," napangiwing sabi ni Jag, parang nahihiya. "Boys Party lang kase 'yon."

"Ganon?" kunot noong tanong ni Bench at napatingin siya kay Agnes. "Okay lang ba sa'yo kung pupunta ko? Besides, all boys naman."

Patango-tango at pangiti-ngiti lang si Jag.

"Oo naman, kung gusto mo." nakangiting sagot naman ni Agnes kay Bench.

"Okay, pupunta kami." nakangiting sabi ni Yuan kay Jag.

"Pinayagan na ba kita?!" mataray na tanong ni Eya sa asawa.

"Papayag ka naman diba?" pa-cute na tanong ni Yuan sa babaeng nakapamewang. "Mag-be-behave ako kisses! Promise!" sabay taas pa ng kanang palad.

"Okay! Basta behave ka! Kundi nako!!" pagbabanta ni Eya at natawa lang si Yuan.

"So," sabi ni Jag. "See you tonight!"

3 HEARTS ( Montejars and Dela Rosa ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon