Okay ka na?!" masungit na tanong ni Eya habang nagbibihis siya ng damit. Nakahiga pa rin si Yuan sa kama at kakatapos lang nilang magsalo sa kaligayahan."So akala mo ayun lang ang makakapagpasaya sa'ken?" sarkastikong tanong ni Yuan. "Ayokong makikitang nakadikit ka kay Jag! Naiintindihan mo ba?!"
"Baliw ka ba?? Kanina nga lang kami nagkita eh! Dun lang sa burger machine! Hindi kami close non! Palibhasa babaero ka! Kaya akala mo lahat ng tao katulad mo!" inis na sabi ni Eya at agad tumayo at nagsuklay ng buhok sa harapan ng salamin. "Magbihis ka na nga!!" sabay tingin niya kay Yuan dahil kumot lang ang nagtatakip sa hubad nitong katawan. "Baka hinihintay ka na nung babae mo sa labas!"
"Hindi ko nga sabi babae 'yon!" diin ni Yuan. "Hindi ka ba talaga nakakaintindi?!"
"E ano yung sinasabi ni Jag tungkol sa inyo nung Kish?? Mamaya, kakausapin ko si Jag! At malalaman ko kung ano ba talaga ang totoo!" sabi pa ni Eya habang nag-po-pony tail ng buhok.
"Diba sabi ko wag kang lalapit kay Jag?? Ang tigas talaga ng ulo mo eh!" inis na sabi ni Yuan.
"Ayaw mong lumapit ako kay Jag kase alam mo na marami siyang alam! Tama ba ko!?"
"Maniac si Jag! Yun ang rason ko!" at agad tumayo si Yuan at nagsuot ng boxer shorts. "And don't you dare to talk to him again! Malilintikan ka sa'ken!!"
"Wow! Nakakatakot!" sabay mock face ni Eya.
"Seryoso ako Eya!! Gugulpihin ko yung Jag na 'yon sa harapan mo!"
"Abnormal ka!" at mabilis na lumabas ng kwarto si Eya at agad siyang sinundan ni Yuan na naka-boxer shorts lang at sandong puti!
"EYA!!" sigaw ni Yuan at sinusundan niya sa hallway ang asawa. "EYA!!! BUMALIK KA DITO!!! EYA!!!!"
Lumingon si Eya sa asawa,
"Sana nagbihis ka man lang bago ka lumabas! Gusto mo rin lang talagang akitin yung babae mo eh!""Eya! Bumalik ka dito! Saan ka pupunta??!"
"Kay Jag! Tatanungin ko siya kung anong katarantaduhan ang ginawa mo kagabi!" at mabilis na naglakad si Eya at huminto na sa paghabol si Yuan.
Kailangan niya munang magbihis bago siya lumabas sa Oceania Lounge at kailangan niyang sundan ang asawa niya. Hindi si Jag yung tipo ng tao na pagkakatiwalaanmo tungkol sa mga babae. Wala siyang gusto kundi ang paglaruan at gamitin ang mga kababaihan sa kahit na anong paraan! At ayaw niyang mabiktima ni Jag ang asawa niya.
Makakapatay siya!
+**+
Nasa cottage sina Eya, Chichay at Agnes at kumakain sila ng bananaque.
"Nakaka-bwiset talaga si Yuan! Nababaliw na yata 'yon! Siya nga 'tong may balak gawin kagabi, tapos ngayon ako pa ang pinaghihinalaan niya! Baliw talaga!" inis na sabi ni Eya sabay inom ng buko juice.
"Si Bench nga din! Parang baliw na kanina sa elevator! Nakasabay kasi namin si Howard! Tapos ayun, sa sobrang selos niya, hinalikan ba naman ako don!" napapailing na sabi ni Agnes at natawa lang si Chichay.
Sila kase ni Drake ay naging okay naman. Masarap ang tulog nila at mas masarap nung gumising na sila dahil nagdigma sila. Yung digmaan na maihahatid sila sa langit ;-). Gusto niya yung ganon, yung ganun lang silang ka-intimate at ka-sweet. Ayaw niya nung madalas silang mag-away. Ang sakit kase sa puso non.
BINABASA MO ANG
3 HEARTS ( Montejars and Dela Rosa ) COMPLETED
RomanceHey everyone! Ito 'yung unwritten chapters ng 3 Hearts. Hope you enjoy it! DATE PUBLISHED (Facebook Page) https://www.facebook.com/3HeartsKathNielLizQuenJaDine/ 01-17-2017 (Wattpad) 12-04-2019