Pagpasok ni Eya sa restau-bar ay nakasunod pa rin si Yuan.
"Wow! So umiinom ka?" sarkastikong tanong ni Yuan kay Eya at umupo na sila sa bandang unahan na malapit sa stage na may bandang kumakanta.
"Oh baket?? Masama??" maangas na tanong ni Eya at napailing lang si Yuan.
Nagulat pa si Yuan nung makita niyang nasa stage si Chichay at kinakantahan ng vocalist.
"Anong ginagawa don ni Chichay?" nagtatakang tanong ni Yuan kay Eya.
"Ano sa tingin mo?!" mataray na tanong ni Eya.
"Kailangang bumaba na dyan si Chichay bago pa siya abutan ni Drake!" napailing na sabi ni Yuan. "Tara na Kisses, bumalik na tayo sa kwarto natin. Ayain mo na rin si Chichay. Malamang na hinahanap na siya ni Drake sa mga oras na 'to."
"Edi pumunta ka na sa kwarto kung gusto mo! Nag-eenjoy pa ko dito eh!" mataray na sabi ni Eya at agad tumawag ng waiter. "Isang beer," sabi niya sa waiter at napailing lang si Yuan.
"Wag mo na siyang ikuha ng beer!" sabi naman ni Yuan sa waiter at hindi tuloy nito malaman kung kukuha ba siya ng beer o hindi. "Come on Kisses! Bumalik na tayo sa Oceania Lounge!"
"Ayoko pang bumalik don! Bumalik ka mag-isa kung gusto mo! Hindi naman kita pinipigilan eh!"
"Eya, listen to me, kapag dumating si Drake dito, mag-aaway na naman sila ni Chichay at magkakaroon ng gulo sa restau-bar na 'to! I'm sure na masasaktan kay Drake ang vocalist na 'yan. So Eya, kung concern ka sa pinsan mo, umalis na tayo dito. Sa kwarto mo nalang ako awayin." paliwanag ni Yuan at napaisip si Eya na may point talaga ang asawa niya.
Tumayo si Eya at lumapit kay Chichay at sumenyas na bumaba na sa stage. Sinunod naman agad yun ni Chichay at tumango nalang siya sa bokalista tanda ng pamamalam niya. Halatang ayaw pa ng lalaki pero agad ng bumaba ng stage si Chichay at agad lumapit kay Eya.
"Tara na Chichay, bumalik na tayo sa Oceania." sabi nalang ni Eya at tumango naman si Chichay.
"Mabuti pa nga, baka hinihintay na 'ko ni Drake."
Nginitian nalang ni Chichay si Yuan at ngumiti rin itong pilit. Mukhang may issue na naman sina Eya at Yuan.
Nagulat pa silang tatlo nung lumapit sa kanila ang vocalist at kay Chichay ito nakatingin.
"Ah--- hi!" parang naaalangang sabi ng lalaki kay Chichay. "Hindi ko kase natanong yung name mo. Ah--- I'm Wong! Hmm, ikaw?" sabay lahad ng palad nito at nakatingin lang sina Yuan at Eya.
"Ako si Chichay." sabi naman niya at nakipag-shakehands kay Wong pero mabilis lang.
"Ah--- am----- busy ka ba bukas?" tanong pa ni Wong at napangiwi lang sina Eya at Yuan.
"Medyo." napangiwi ding sagot ni Chichay sabay tingin kay Yuan!
"How about the day after tomorrow?"
"BUSY SIYA!" si Yuan ang sumagot. "Tsaka tigilan mo na ang pagdiskarte bro."
"Nakikipag-kaibigan lang naman." sabi pa ni Wong.
"Hindi na, marami na siyang kaibigan." sagot pa rin ni Yuan.
"May asawa na siya! Para tapos ang usapan!" sabi nalang ni Eya at natulala si Wong sabay tawa.
"Joke ba 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ni Wong.
"Totoo 'yon, I'm married!" nakangiting sabi ni Chichay at halata ang pagkadismaya sa mukha ni Wong!
+**+
"Bakit ang tagal mo?!" kunot noong tanong ni Drake nung pumasok na si Chichay sa kwarto nila. Naka boxer shorts nalang ang lalaki at top less na.
BINABASA MO ANG
3 HEARTS ( Montejars and Dela Rosa ) COMPLETED
RomanceHey everyone! Ito 'yung unwritten chapters ng 3 Hearts. Hope you enjoy it! DATE PUBLISHED (Facebook Page) https://www.facebook.com/3HeartsKathNielLizQuenJaDine/ 01-17-2017 (Wattpad) 12-04-2019