6th Chapter

237 5 0
                                    


Nakasabay pa din si Kish kay Yuan habang naglalakad papunta sa party. Sobrang uncomfortable na si Yuan pero hindi niya talaga masabi, gentleman pa rin naman kase siya kahit papano.

"Nga pala, bakit hindi mo sinama ang wife mo?" usisa ni Kish.

"Ah, baka mamaya nandito na rin 'yon. Actually I'm calling her kaso mahina talaga ang signal dito." sabi ni Yuan habang nakahawak sa phone at doon nakatingin.

Nagulat si Yuan nung pinulupot ni Kish ang braso nito sa braso niya,
"Grabe talaga! Kamukhang-kamukha mo si Bryan!"

Napangiwi nalang si Yuan at tinanggal niya ang braso nito na nakalingkis sa kanya.

"Hindi matutuwa ang asawa ko kapag nakita kang nakaka-kapit sa'kin. Parang dragon 'yon kapag nagagalit."

"Really?" natatawang sabi ni Kish. "Well, parang ayoko atang ma-meet siya."

"Yeah, hindi mo talaga magugustuhang makilala siya." natatawang sabi ni Yuan. "Kaya sige na, dun na ko sa table nina Jag. Thanks nalang sa offer mong uminom."

"Okay.." bagsak ang balikat na sabi ni Kish.

Lumapit na si Yuan sa table nina Drake at iniwan nalang niya ang babaeng may maitim na balak sa kanya! Ayaw niyang makita ni Eya na ganun sila! Malaking giyera 'yon!

+**+

"Bench? Galit ka ba?" mahinang tanong ni Agnes habang nakatagilid sa kama si Bench at nakatalikod sa kanya. "Wala ka namang dapat ikagalit eh." sabi pa niya sabay yakap sa bewang ng lalaki. "Ang init mo pa rin Bench, teka, maghahanap ako ng ice bag tsaka yelo. Hintayin mo ko dito." at agad tumayo si Agnes sa kama at nilingon siya ng lalaki.

"So lalabas ka na naman? It's 10 in the evening Agnes!" inis na sabi ni Bench.

"Pero kailangan mo 'yon! Sobrang init mo!" nag-aalalang sabi pa ni Agnes. "Pupuntahan ko si Chichay, hihingi ako ng tulong, siya yung mas maraming alam tungkol dito." at agad kumuha si Agnes ng jacket na nakalagay sa dresser.

"Ikaw naman lagi ang boss sa'ting dalawa eh. So wala naman akong magagawa diba?" seryosong sabi ni Bench na nakaupo na sa kama at nakatingin kay Agnes na nagsusuot ng jacket.

"I'll be back in a minute! Hindi ako makakatulog ng ganyan kataas ang lagnat mo or better na maghanap na tayo ng ospital."

"Agnes lagnat lang 'to!" medyo masungit na sabi ni Bench.

"Kahit ano pa yan! Nag-aalala ako! Maghahanap ako ng yelo, maghahanap ako ng hot soup at hahanapin ko din si Chichay." at humakbang na si Agnes palabas sa kwartong 'yon pero bago pa man siya tuluyang makaalis ay biglang tumayo si Bench at tumakbo sa cr at doon ay agad itong nagsuka!

Panay lang ang suka ni Bench sa cr at tumakbo din si Agnes papunta don.

"Bench, anong nararamdaman mo? Nahihilo ka ba? Masakit ang ulo mo? Ano? Gutom ka ba? May gusto ka bang kainin? Ano? Ano bang nangyayari sa'yo? Bench may masa-------" napahinto si Agnes nung ilagay ni Bench ang index at middle finger sa may labi niya na nagsasabing 'quiet'.

"I'll be fine, 'wag ka ng masyadong mag-alala." sabi ni Bench at napaluha si Agnes.

"Nag-aalala ko Bench eh, baka kase---"

"Thank you! Thank you sa concern mo sa'kin Agnes, mahal na mahal kita." niyakap ni Bench ang asawa at inaalo ito.

"Mahal na mahal din kita Bench, hindi ako mapalagay kapag ganyan ka." humiwalay na si Agnes sa pagkakayakap kay Bench. "Dito ka lang, maghahanap ako ng yelo at manghihiram na rin ako ng ice bag. Mabilis lang ako." sabay hawak niya sa pisngi ni Bench.

3 HEARTS ( Montejars and Dela Rosa ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon