Nasa cottage sina Yuan, Bench at Drake at nasa kani-kanilang kwarto naman ang mga asawa nila. May tig-iisa lang silang beer habang nag-ke-kwentuhan. May Piatos at Nova chips din sa table nila.
"Tsk! So akala naman talaga ni Chichay e' paaalisin ko siya!" napangising sabi ni Drake. "Siyempre hindi! Yun lang ay kung kaya talaga niyang languyin ang dagat na yan pauwi."
Napailing at natawa nalang sina Yuan at Bench.
"Wag mo na kaseng awayin ng awayin. Naririndi yung tao eh." payo ni Bench. "Sige ka! Ipagpapalit ka non!"
"Hindi yan mangyayari!" diin ni Drake. "Patay na patay sa'kin 'yon."
Natawa at napailing nalang si Bench sa kayabangan ni Drake. Baka siya yung patay na patay at hindi si Chichay!:-P
Nag-vibrate ang phone na nasa bulsa ni Yuan kaya agad niya itong kinuha.
"Phone yan ng asawa mo ah. Bakit ikaw ang humahawak?" natatawang tanong ni Bench kay Yuan.
"Ako talaga ang humahawak nito,kaya dumadaan muna sa'kin ang lahat ng message para sa kanya." sabi ni Yuan habang nakatingin sa phone.
"Wow ah! Mas mahigpit ka pa kay Miss Minchin!" natatawang sabi ni Bench.
Kunot lang ang noo ni Yuan habang nakatingin sa phone.
"Sino 'to? Wala sa phonebook eh. Nag-text lang ng GUD AFTIE! tapos may heart pa."Natawa at nailing lang sina Drake at Bench.
"Baka admirer 'yan Inspector Yuan!" panunukso ni Drake at natawa si Bench.
Agad tinawagan ni Yuan ang nagtext at napanganga lang ang mga pinsan niya.
"Ang OA ng gagong 'to!" sabi nalang ni Drake habang nakatingin kay Yuan. "Takot na takot maagawan."
"Ganyan talaga ang mga Playboy! Tamang hinala!" natatawang sabi ni Bench. "Hoy Yuan! Hindi lahat katulad mo ah!"
"Ang hina ng signal!" inis na sabi ni Yuan at agad tumayo at humanap ng lugar na may magandang signal.
+**+
"Hello? Sino 'to?" tanong ni Yuan sa kabilang linya. Medyo malayo na siya non sa cottage.
Sa di kalayuan naman ay nakatingin sa kanya ang babaeng naka bikini na nakahiga sa buhanginan. Nagtanggal ito ng shades para makita ng ayos ang nakatayong si Yuan.
"There's a fish!" malandi nitong bulong at agad tumayo. "A big fish!"
+**+
"BRYAN!!!!!" tili ng babae at nagulat si Yuan nung yakapin siya ng babae.
"I'm not Bryan." sabi niya sa babae at tinanggal niya ang kamay nitong nakayakap sa kanya.
"Oops sorry! Akala ko talaga si Bryan ka." kunwaring nahiya ang babae at agad ng binitawan si Yuan. "Ah..sorry ah."
"It's okay." sabi nalang ni Yuan na muling nag-focus sa phone. Pawala-wala kase ang signal kaya hindi niya makausap ng ayos ang taong nagtext kay Eya. Wala siyang clue kung sino 'yon. At tinigilan nalang din niya dahil sobrang hina talaga ng signal.
BINABASA MO ANG
3 HEARTS ( Montejars and Dela Rosa ) COMPLETED
RomanceHey everyone! Ito 'yung unwritten chapters ng 3 Hearts. Hope you enjoy it! DATE PUBLISHED (Facebook Page) https://www.facebook.com/3HeartsKathNielLizQuenJaDine/ 01-17-2017 (Wattpad) 12-04-2019